Gimme Gimme
Kagigising ko lang Mr. T! Wala na kong ginawa kung hindi matulog. Sabi nga nina Jeff, Rhitz and Barry, ganun pa rin ako. Tulog ng tulog. Anyways, galing ako sa bahay ni Sheila ngayon. Grabe ang tabang ng Adobo sa bahay nila! Basta di ko feel yung luto ng food nila. Shet ang arte ko. Pero wala talagang lasa. Tsk! Dapat yesterday pero antok na antok ako dahil anong oras na kami nakauwi nung Saturday night. Gumawa kami ng thesis ni Sheila. Kaming 2 lang. Anyways, eto ang mga masasayang nangyari kahapon:
2:00 pm nag-text si Barry:
Barry : Tuloy daw ba?
Jacob : Oo pero matutulog muna ko…
4:00 pm nagising. Nakita mga misscalls ni Rhitz. Kala nakapagreply. Natulog ulit…
6:00 pm tumawag si Jeffrey at paalis na ng Alabang. Sabi ko sige pupunta na rin ako. Nakatulog…
7:00 pm nagising na ulit ako. Nagdinner na rin sa bahay. Nag-ayos ng sarili and by…
8:00 pm nasa Kenny Rogers Greenlanes na.
Hahahaha! Super late. Super diva. Some things never change. Maybe I’m just so tired.
Kenny Rogers
Andun na silang lahat. This time, nakashoes lahat sila. I wore slippers. Sinigurado kong nakaslippers ako para hindi kami matuloy magNeighbor kung may balak man sila kahapon. Hahaha! Nakaline na sila sa Kenny pagkadating ko. Andun din si Luis pala Mr. T! Ang aayos nila kagabi. Feeling ko ang sabog ko kagabi. Hahaha! Anways, nagdinner sila. Ako nagdessert na lang ng Banana Split. Tapos si Barry pinabili ko ng mga side dish para share kami. Bumili naman. Hahaha! Tapos ayun. Actually, parang share share din kami sa mga kinakain namin kahapon Mr. T! Ang saya. After eating, siyempre kailangan mag-isip kung san tatambay or san pupunta.
Bunutan. Yan ang hilig naming gawin pag hindi namin alam kung anong plano. All we need is a paper and pen. But since walang paper and pen kahapon, receipt ant fork ginamit namin. Hahaha! Mga nilagay namin sa papel: Inuman, Tagaytay, Neighbor… at kung ano pa hindi ko na maalala. Pero buti na lang talaga. Buti na lang, naisip ni Luis na may World Family KTV sa Promenade. Thank God! Dun kami dumiretso.
World Family KTV
Maraming tao sa Greenhills kagabi. As in parang may party. At ako mukhang basura as usual and I like it. Hahaha! Sa World Family KTV buti may bakanteng room agad. So pasok agad kami. Then ayun, kantahan na naman ulit. Then umorder na kami. Hahahaha! Si Barry himala kumakanta! Then…
Jeffrey : Sayang wala tayong camera…
Rhitzjoy : Ay meron akong dala nasa kotse…
Jacob : Lika kunin natin Rhitz…
Parking
Ang daming Xaverian sa Promenade grabe. Ang dami rin Lasallians. Ano ba yun. So yun, kinuha namin yung cam. Grabe! Ang layo ng parking ni Rhitz. Sa pinakatuktok na floor at sa bandang Gloria Maris na! Hahaha! Tapos siyempre, ako muna umabuso ng cam ni Rhitz! Tapos tapos may nakita kami ni Rhitz na isang ICAN at isang gurl dun sa mgay bridge dun sa Promenade na papuntang parking. Wala lang, kasi tibo yung iCAN eh. Parang weird dun pa talaga sila sa GH naghaharutan. Parang hello! School niyo anjan lang sa tabi tapos diyan kayo naghaharutan? Di ba kayo nahihiya? Wala lang. Just my 2 cents. Hahaha! Then bumalik din agad kami sa Promenade. In fairnesss, ang sarap dun sa parking magpictorial. Hahaha!
Back to World Family KTV
Pagkabalik, dumating na ang food. Talagang umorder si Rhitz na Chicharong Bulaklak for me! Hahaha! At ayun ang pinakamasarap na inorder namin sabi nila. Ang susushal na mga inorder ng drinks ng 4! Ako nag San Mig lang! Hahaha! Pero the fun part is, ako umubos nung mga inumin nila Wiggy and Barry nung medyo mahilo yung dalawa. Naaliw ako sa Weng-Weng. Ang sarap niya at nakakahigh. Hahaha! Yung ininom ni Jeffrey lasang Sprite. Sex on the Beach ata yung name nung drink. Kay Rhitz parang Paracetamol orange. Orgasm ata yung name. Kay Barry lasang Juice lang. Una pang tinamaan si Barry! Grabe! At take note magdadrive pa si Barry! Hahaha! Let the pictures do the talking kung gaano kami kasiya kagabi Mr. T! :-)
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Actually, marami pang pics. Pero as usual, mawawalan kami ng dangal pagpinost ko pa yung iba dito sa blog! Ayun tapos kantahan. Sayaw sayaw pa. Kung anu ano pang kabaliwan namin sa room. Then siyempre magta-time at magta-time kami. Naka 2 hours din kami sa loob. Then siyempre, time to make isip kung san na naman pupunta. Jeffrey wanted to relive this: Oreo Cheesecake. Sabi ko OA yun. Pero sabi niya 5 na kami so mas madali ubusan. Oh sige, pumunta kaming Cheesecake Etc. at may kape dun. Para na rin mahimasmasan ang daming friend na tinamaan kahit sip pa lang yung ginawa sa drink niya. Hahaha! Ayun, buti na lang closed ang Cheesecake Etc.! Hahahaha! So sabi namin McCafe na lang. Pero since 11:30pm na nun, paclose na sila and 12:00am nagcoclose yung Mc Cafe sa Greenhills. So siyempre, ang pinakamalapit sa McDo, Krispy Kreme!
Krispy Kreme
Si Rhitz sumagot ng Krispy Kreme dahil wala na kaming mga pera. Yep, sino pa ba palaging may dalang maraming pera? Naman naman! Nagjoke nga ako eh. Kasi isang row kami nina Jeffrey, Luis and ako, tapos magkatabi si Rhitz and Barry:
Jacob : Wow, 3 kami dito ang kasya kami. Kayong 2 lang diyan pero na-occupy niyo!
Rhitz : So? Mas mabibigat naman wallet naming 2 sa inyo! Hahaha…
*Nagtawanan lahat…*
Yung ADMU donut lang yung andun. Hahaha! Sabi ni Rhitz wala na yung DLSU donut kasi maraming may gusto. And joke lang yun! Hahaha… andun kasi si Luis! Atenean. Amp! So yun, picturan pa rin. Si Barry nagkape. Share kami ni Jeffrey sa Sola and si Luis nagyosi and hindi kumain ng donut. Amp amp. Then yun… usap usap. Super tawanan. And aliw na aliw kami ni Jeffrey sa sofa. Hahaha! Parang mga bata shucks. Tapos dinidecipher talaga namin yung Disturbia lyrics ni Rihanna. Buti na lang may Wifi sa Krispy Kreme at puwede mag-internet phone ko. Medyo kinanta namin yung Disturbia. Shet! Weird namin ni Jeffrey. Our minds are in Disturbia! Hahaha! Ayun, tawanan, kulitan, asaran etc. Kodakan.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Then si Jeffrey (Nakita niyo ba siya nagchange ng seats sa pics? Kasi may balak na pala siyang umalis! Hahaha!) --- nagpakaDIVA. Akala namin, “Thanks For Understanding Part 2”. Hahaha! Nabaliw kaming lahat ng bigla ba namang tumayo at nagbabay na! Shete! Hahaha! He really needed to go home. Cinderella si Jeffrey eh. Hahaha! And sabi niya nga kanina, ayaw niya na rin pahatid kay Barry. May tama na kasi si Barry kagabi eh. Hahaha! Pero buti yun, maayos namang nakauwi si Jeffrey sa bahay nila kagabi. Then after siguro 3 minutes nung umalis si Jeffrey, tumayo na rin kami and umuwi. Ako sumabay kay Barry, and si Rhitz kina Luis pa rin matutulog. It was a night Mr. T! Sobrang saya pa rin. Ang saya saya saya saya to the highest level. :-)