Heaven Is A Place On Earth
Disclaimer:
Hindi ko kayang isulat kung gaano ko kasaya kahapon Mr. T! As in hindi sapat tong entry kung paano idedescribe yung kasiyahan ko kagabi. Kahit anong salita or kahit ano ang isulat ko, hindi masasalamin naramdaman ko kahapon. :-) Hindi tuloy ang Tagaytay dahil hindi magkasundo mga schedule naming lahat. Pero okay na rin mga nangyari kahapon.
7pm kahapon ng umalis ako sa office. Si Jeffrey naghihintay na sa Glorietta. Dun napag-usapan na magkita na lang since si Rhitz hindi nagrereply. Ilang beses na kaming nagtext sa kanya pero walang reply. Kung baket hindi nagrereply, mamaya ko sasabihin. Nasa Makati si Jeffrey dahil nagpaderma rin siya dun ata sa Greenbelt. So yun, sa G4 kami nagkita. Kami muna. Si Barry kagagaling lang sa office nila and tumawag sa min at sabi papunta na raw siya.
G4
Nauna si Jeff sa G4. Nagkita kami dun muna. Medyo umikot ikot and pumasok sa Timezone. Tinawagan si Rhitz at sabi nasa bahay siya ni Luis. At pupunta silang Serendra dahil may event na pupuntahan si Luis dun. So yun, tinanong namin kung susunod sa min, sabi ni Rhitz, text text. Kaya pala di nagrereply dahil Sun phone yung gamit niya. So ayun, kuwentuhan and then naburaot ako sa G4 kasi ang daming bading. So sabi ko umikot ikot muna kami ni Jeffrey. So sabi rin ni Jeff na maghanap na rin kami na kakainan para pagdating ni Barry may makakainan na kami. So umikot kami at naghanap pero wala namang nahanap. Sabay tumawag si Barry kay Jeff. Ayun, ako kumausap kung asan na siya. Nasa Bo’s Coffee sa may G4. So nakita namin agad si Barry dahil stand out ang kanyang hairline. Hahaha! Ayun, tapos nung magkakasama na kami. Wala kaming naisip na makakainan. As usual, ganun naman lagi. Naisipan na lang namin na magSerendra din. So puntang parking and then ayun, tumungo sa Serendra.
Kotse Ni Barry
First time pala ni Jeffrey makasakay sa kotse ni Barry. Grabe after ilang years. Sa likod ako umupo this time dahil lagi ako katabi ni Barry sa kotse niya paglumalabas kami. Si Jeffrey naman pinaharap ko para mafeel niya closely si Barry! Hahaha! Labo! So yun, masaya sa loob ng kotse. Iba yung atmosphere. Super kuwentuhan kami ang binalikan mga kabaliwan namin nung high school at college. Tulad nga ng sabi namin ni Barry, we really missed Jeffrey. And ayun, Jeffrey will be Jeffrey. As usual eng eng pa rin. Pero sobrang saya namin sa kotse. Tawanan kami ng tawanan na parang walang bukas. Napasok pa kami sa Dasma Village grabe. Buti na lang pina-U-turn kami nung guard dun sa village. Mabait naman y ung guard. So yun, ang saya. Ang saya. Then nakarating na kamng the Fort after ng mga 30minutes na traffic sa EDSA :-)
The Fort
Malapit kami sa Fort Strip nagpark. From parking, nilakad namin til Fort Strip. Naaliw kami sa mga nakita naming skater boys. Nakakatuwa. Anyways, wala kaming nagustuhan kainan sa Fort Strip so sabi namin sa BHS or sa Market! Market! Na lang kumain. Tumawag si Rhitz and sabi andun na sila ni Luis pero pupuntahan na lang kami. Grabe, habang naglalakad at after makasalubong babaeng friend ni Jeffrey and Barry, nakasalubong namin si Rhitz and Luis. Grabe hindi namin yun ienexpect! Hahaha! How coincidental. Anyways, si Luis kasi pupuntang Ascend. May L’oreal event dun and may ginagawa siyang racket at kukunin niya yung bayad ata sa kanya. Pero hindi muna sa min sumama si Luis and Rhitz. Naghanap ng yosi si Luis so sinamahan ni Rhitz. Sabi sa min nung dalawa, hanap muna kami ng makakain. So sige naghanap kami. Hanggang makarating kaming 3 ng Market! Market!
Market! Market!
Sa Gerry’s Grill dapat kami kakain. Ayaw ni Jeffrey. And in Jeffrey’s word gusto niya may value and meal-y(?) yung food. Sabi ko magValue Meal na lang siya sa McDo. Hahaha! Lumabas kaming Gerry’s Grill. MagnoNorth Park dapat pero si Jeffrey ayaw ng Chinese foods. Shet. So naglakad lakad pa kami at naghanap. Hindi ko mahanap entry ko about nung last time kaming kumain sa Kamay Kaninan last 2 years. You heard me right. Sa Kamay Kainan kami kumain Mr. T! Hahaha! Takaw! Si Jeffrey nakaisip. So kami go go go kasi it means lamon. Hahaha…
Kamay Kainan
Siyempre lamunan. Si Rhitz iniwan muna si Luis dun sa Ascend. Pero hindi kumain si Rhitz with us. Nagdidiet? Hahaha! Grabe, wala kaming ginawa sa Kamay Kainan kung hindi magtawanan. Sobrang saya. Parang sobrang dati lang. Parang mga post “Thanks For Understading” moments lang. We were so happy. Isama mo pa yung Kare Kare, Dinuguan etc etc kaya masaya kami. Haha! Si Rhitz patawa ng patawa habang kami natatae na sa kabusugan at katatawa. Grabe grabe! Sobrang saya. :-)
![]() |
![]() |
O di ba ang saya saya? May mga pictures pa kaming hindi puwedeng isapublic Mr. T! Mawawalan kami ng dangal pag pinost namin sa internet yun. Hahaha. Grabe. Pati yung banyo sa Kamay Kainan nabring up sa topic namin habang kumakain. OMG talaga si Rhitz magkuwento. Kuwento pa lang matatawa ka na! Hindi pa nagjojoke yun ha! Hahahaha! Then tumawag si Luis. Gusto raw kami makita ni Wilmer. Yes. Wimer. Isa sa mga super close friends ko kung highschool. So tinapos lang namin food namin and tumungo na sa Ascend. Pero habang naglalakad sa Serendra, nakasalubong ko si Matty nasa Chocolat. Ininvite niya ko sa Piedra kahapon pa. Nakalimutan ko magreply. Sabi ko sige, dadaan na lang kami pag maaga pa.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
So naglakad lakad and si Jeffrey may award. Kung baket may award. Sa min na lang yun. So habang hinihintay si Jeffrey. Kuwentuhan muna kaming 3 nina Barry and Rhitz. Yung dalawa nag-iisip na naman kung anong magandang business. Siyempre ako ayaw ko makipag-usap sa dalawa pag ganun ang topic. So we waited for Jeff then headed to Ascend na.
Ascend
Ngayon lang ulit kami nagkita ni Wilmer since August. Ayun, event ng company niya yun. Dami naming hinabol na kuwento. Since yung 3 hindi naman masyadong close kay Wilmer. Kaming 2 lang ni Wilmer nagkuwentuhan. Sobrang gusto ko yung work ni Wilmer. Parang walang naiba sa min ni Wilmer. Sabi niya kalimutan ko na raw kung ano nangyari sa min dati. Hahaha! Oo, isa ka sa may kasalanan nun Mr. T! Hahaha… anyways, pumasok ako sa Ascend habang nasa labas/baba yung 3. Then usap usap. Picture picture. Sayang sana medyo nag-ayos ako kagabi. Lahat ng tao dress to kill eh. Hahaha! So yun, Jeffrey had to leave early as usual so nagbabay na kami kay Wilmer agad. Namiss ko rin si Wilmer Mr. T! Hay… kahit maldito yun, mahal ko rin yun imagine mo Grade 6 friends na kami nun! Hay… sana magbonding din kami nina Karol and KRV and Wilmer one time. Tapos binigyan kami ni Wilmer ng giveaways. So yun. Thanks Wilmer! :-) Hindi sa kin sinend ni Wilmer pics namin together shucks! Baka alam niyang ipopost ko sa blog ko! Hahaha! Sobrang ayaw nun sa mga Friendter at Facebook at kung ano anong networking sites. Hahaha! Yan si Wilmer! Since HS anti-social networking sites! I need to be close to Wilmer again! Ang dami niyang connections ngayon. I need that. Hahaha! Anyways yun…
Timezone
Dapat uuwi na kami. Pero may vacant room yung videoke room sa Timezone. At malamang nagvideoke kami. Ang saya dahil kumakanta si Rhitz and Barry na rin. Si Luis sumunod sa Timezone and nagwala na rin sa Mic. Hahaha… sobrang saya sa loob nung videoke room. Then mga 1 hour or more siguro kami dun. Tapos yun, kailangan na talagang umalis. So si Rhitz and Luis sabay. Kaming 3 sabay. Ihahatid namin si Jeffrey sa Alabang.
Piedra
Tinawagan ko si Matty and sabi ko kung daanan pa namin siya sa Piedra kaso pauwi na kami. Sabi niya. Sasabay raw siya. Nagmeet na si Barry and Matty. With Jeffrey hindi pa. So yun, naghintay kami sa Piedra. Party people talaga mga tao. Papasok sana kami at magsasayaw nung Closer na ni Ne-yo yung song. Kaso talaga, si Jeffrey nakatsinelas! Shucks. So yun, we waited sa Gonuts Donuts. Then bumaba si Matty with barkada niya. Jester and Mikel. Nameet ko na rin yung 2 na yun then introduce introduce. Hindi kinaya ni Barry mga friends ni Matty Mr. T! Hahaha!
Fort-Paranaque-Alabang-San Juan-Cubao
So yun… sumabay si Matty sa min since South siya. Then ang saya sa kotse since ang landi landi ni Matty at mukhang namake-up pa! Hahaha! Kaaliw sina Jester and Mikel grabe. Party people talaga mga itsura nila kagabi. So yun sa village ni Matty siya bumaba and si Jeffrey sa village nila. Gabi na halos alas 2 na ng umaga. May revelation pa si Barry pala sa sa Timezone pero incestuous. Hahaha! So yun, medyo umambon. Peo walang traffic.
Okay ang lahat. Masaya ang gabi. Sobrang saya ko kagabi na nakatulog ako na nakasmile. Hahaha! Grabe Mr. T! Natalo nito yung Apat Dapat, Dapat Apat na entry ko and kung kahit anong entry ko ngayong taon na toh. Ganito lang naman buhay namin dati. Wala masyadong drama ang nagmamahalan kami ng isa’t isa. Mahal na mahal ko mga kaibigan ko Mr. T! Hindi ko sila ipagpapalit kahit kaninong kaibigan. I feel so complete yesterday. Lahat ng void ng pagkatao ko ngayong napunan kagabi. Sobrang kumpleto. Sobrang saya. Sana ganito na lang lagi. Ganito lang naman kami dati. Masaya. Kumpleto. Tawa lang ng tawa. And kung anu’t ano man mangyari, ayon nga kay Barry --- “Sayang ang friendship…” ;-)