Ayun nga, nilakad ko from Market! Market! pabalik dito sa office Mr. T! Buti na lang sumikat yung araw nung malapit na ko sa building. May nakasalubong pala akong ICTM-mate ko na nagOOJT rin kanina sa BHS. Nagpoprogram daw siya and suwerte ko raw dahil di ako nagpoprogram. Pero swerte niya dahil may mga bago siyang friends from CSB. Samantalang ako wala akong friends dito. Hay... tapos ko na pinapagawa sa kin dito. Ano na naman kaya ipagagawa?

Anways, muntik na naman ako masagasaan kaninang umaga Mr. T! nung naghihintay ako ng cab! Shucks. Super busina yung kotse kanina. Leche! Ano ba yan. Mamamatay talaga ko dahil sa nabundol ako. Diyos ko po huwag naman sana. Nagflashback tuloy yung nagkawatak watak yun cellphone ni Tin ata nun or ni Aubrey sa Taft tapos ang bibilis ng kotse! Shucks! Ang scary sobra nun at ako tarantang taranta! Pwede na akong gumawa ng part 2 ng entry na toh! 9 Lives. Salamat at may guardian angel pa rin ako.

Pagkagising na pagkagising ko, sinabi agad ni Mama na patay na si Tita Estrella. Napadasal naman ako kanina pagkagising. Sad Mr. T! Pero ganun naman talaga ang buhay. Lahat tayo pupunta dun. The only question is kung sino ang susunod. Yay! Ako muntik na kanina. Hindi pa namin alam kung san ibuburol pero at least isipin na lang natin tapos na hirap niya.

Ang tahimik dito sa office. Naglulunchbreak na kasi lahat. Grabe, gusto ko na umuwi muna at matulog para may powers ako mamaya makipagbonding with friendships.

To Barry, Jeffrey, Rhitz and Luis, ayoko mag "neighbor". Grabe. Wag ngayon. Not anytime soon. Magbonding na lang tayo sa somewhere payapa. Basta ayoko sa "neighbor".

After 10 years, may number 1 song na ulit si Britney! Yey! Hahaha! Natuwa naman daw ako!

Ang dami ko palang contact na bading sa Multiply na hindi ko naman kilala. Ngayon ko lang siya napansin actually dahil lagi akong napapaMultiply dito sa office. Baka magclean up drive ako nito ng contacts mamaya Mr. T!

Si Ate nasa bahay na nila. Hindi pa ko nakapunta house nila kasi anong oras na ko nakakauwi. Grabe talaga yung babaeng yun, may powers agad. Parang hindi inoperahan. Mag-aAmerica raw siya sa November bago magChristmas uuwi. Wow! Sarap batukan at ipaalala na kakaopera niya pa lang! Alam ko 6 months yung rest para makapagtravel ang isang inoperang tao. Yay!

Anyways, update you soon. Sobrang inaantok ako grabe. As in super antok. Wahhh... thesis meeting pa bukas ng umaga sa bahay ni Sheila sa Tondo! Bawal raw after 12pm pumunta kasi aalis siya. So malamang umaga! Kala ko makakatulog ako ng mahimbing bukas. Tsk! Anyways. Yun muna for now Mr. T! :-)

Currently listening to: If I Never Knew You by Jon Secada & Shanice
Currently feeling: nice, full and sleepy
Posted by jjcobwebb on October 17, 2008 at 01:42 PM in Everyday Drama, OJT | 10 comment(s)

muhh (guest)

Comment posted on October 18th, 2008 at 09:47 AM
"Lahat tayo pupunta dun. The only question is kung sino ang susunod. Yay!"

"yay!" wtf jacob :))

tae. sabaw.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 20th, 2008 at 10:15 AM
yay! as in takot na yay! amp ka! hahaha...

taeka (guest)

Comment posted on October 17th, 2008 at 02:20 PM
Onga, galing ni Britney! Tinalo si Mariah Carey sa record ng digital downloads. at highest jump pa cya to number 1.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 17th, 2008 at 02:31 PM
galing nga pero abutin niya muna ang 18 number ones. :P

taeka (guest)

Comment posted on October 17th, 2008 at 02:33 PM
madali lang un maabot. benta nya ang singles nya ng 99 cents each. hahaha.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 17th, 2008 at 02:38 PM
si Mariah nagpauso nun noh! Hahaha! Tignan mo 99 cents na lang lahat ng mga singles sa iTunes ngayon. Mariah is always ahead of her time. :P

utotmo (guest)

Comment posted on October 17th, 2008 at 02:18 PM
bat yan ang title? hindi naman yan yung sa lyrics ng If I Never Knew You

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 17th, 2008 at 02:22 PM
eh kasi hindi ako safe sa mga sasakyan. half as real pa rin naman ako eh. lol...
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

utotmo (guest)

Comment posted on October 17th, 2008 at 02:25 PM
half as real? aling half, taas o baba?

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 17th, 2008 at 02:29 PM
sasagutin yan ng susunod kong ipopost. :P