Unsafe And Half As Real
Ayun nga, nilakad ko from Market! Market! pabalik dito sa office Mr. T! Buti na lang sumikat yung araw nung malapit na ko sa building. May nakasalubong pala akong ICTM-mate ko na nagOOJT rin kanina sa BHS. Nagpoprogram daw siya and suwerte ko raw dahil di ako nagpoprogram. Pero swerte niya dahil may mga bago siyang friends from CSB. Samantalang ako wala akong friends dito. Hay... tapos ko na pinapagawa sa kin dito. Ano na naman kaya ipagagawa?
Anways, muntik na naman ako masagasaan kaninang umaga Mr. T! nung naghihintay ako ng cab! Shucks. Super busina yung kotse kanina. Leche! Ano ba yan. Mamamatay talaga ko dahil sa nabundol ako. Diyos ko po huwag naman sana. Nagflashback tuloy yung nagkawatak watak yun cellphone ni Tin ata nun or ni Aubrey sa Taft tapos ang bibilis ng kotse! Shucks! Ang scary sobra nun at ako tarantang taranta! Pwede na akong gumawa ng part 2 ng entry na toh! 9 Lives. Salamat at may guardian angel pa rin ako.
Pagkagising na pagkagising ko, sinabi agad ni Mama na patay na si Tita Estrella. Napadasal naman ako kanina pagkagising. Sad Mr. T! Pero ganun naman talaga ang buhay. Lahat tayo pupunta dun. The only question is kung sino ang susunod. Yay! Ako muntik na kanina. Hindi pa namin alam kung san ibuburol pero at least isipin na lang natin tapos na hirap niya.
Ang tahimik dito sa office. Naglulunchbreak na kasi lahat. Grabe, gusto ko na umuwi muna at matulog para may powers ako mamaya makipagbonding with friendships.
To Barry, Jeffrey, Rhitz and Luis, ayoko mag "neighbor". Grabe. Wag ngayon. Not anytime soon. Magbonding na lang tayo sa somewhere payapa. Basta ayoko sa "neighbor".
After 10 years, may number 1 song na ulit si Britney! Yey! Hahaha! Natuwa naman daw ako!
Ang dami ko palang contact na bading sa Multiply na hindi ko naman kilala. Ngayon ko lang siya napansin actually dahil lagi akong napapaMultiply dito sa office. Baka magclean up drive ako nito ng contacts mamaya Mr. T!
Si Ate nasa bahay na nila. Hindi pa ko nakapunta house nila kasi anong oras na ko nakakauwi. Grabe talaga yung babaeng yun, may powers agad. Parang hindi inoperahan. Mag-aAmerica raw siya sa November bago magChristmas uuwi. Wow! Sarap batukan at ipaalala na kakaopera niya pa lang! Alam ko 6 months yung rest para makapagtravel ang isang inoperang tao. Yay!
Anyways, update you soon. Sobrang inaantok ako grabe. As in super antok. Wahhh... thesis meeting pa bukas ng umaga sa bahay ni Sheila sa Tondo! Bawal raw after 12pm pumunta kasi aalis siya. So malamang umaga! Kala ko makakatulog ako ng mahimbing bukas. Tsk! Anyways. Yun muna for now Mr. T! :-)