Ang OA ng Iisa Pa Lamang kainis! Tsk!

Anyways, aliw kanina sa office. Nagchichismisan sila dun ng kung anu ano:

Ms. Lei     : Naku si Jacob tatahitahimik pero nakikinig yan! Hahaha...
Ms. Jags   : Oo nga baka bukas mabasa na natin sa Inquirer toh! Dinadiary niya pala!
Jacob       : Nyi, hindi naman. Hahaha...

Kung alam niyo lang na may blog ako! Hahaha... so yun. May pizza na naman sa office kanina. Matatapos ko na rin yung pinagagawa sa kin since Tuesday pa. Ang kulit kanina ng mga tao sa HUB grabe. Tulad nito:

Ms. Lei    : Kaya ikaw kung magtatrabaho ko na dito huwag ka gagaya sa iba tanong ng tanong!
Jacob      : Hahaha!
Ms. Jen  : Naku kayang kaya ni Jacob yan!
Jacob      : Malabo yun walang kinalaman sa course ko mga credit at debit cards. Hahaha!
Ms. Jags  : Ano ba course mo ulit?
Jacob      : ICTM parang IT
Ms. Jags  : Part ng HUB ang IT!
Jacob      : Hahaha!
Ms. Jags  : Bukas ikaw na gumawa ng mga ginagawa ko! Hahaha!
Jacob      : Hindi ko pa nga tapos tong pinapagawa ni Ms. Lyn eh! Hahaha!

Masaya naman sa department kung san ako nagiintern. Makukulit sila kahit di ko sila kasing-age. Mga kasing-age sila ng mga nakakatanda kong kapatid eh. Pero click naman dahil cool sila. Lalo na si Ms. Lei kahit sing-age ni Mama, tawa ng tawa yun. Walang ginawang araw ang Diyos na hindi tumatawa. Aliw aliw! May bago akong friend kanina sa Tabulas. Tapos si Jeffrey buti naman ginigising ako sa text kanina sobrang bored na rin ako sa office eh. Buti na lang bored din siya sa office ng mom niya!  Si Barry ang weird. Bigla na lang nagtatanong kung may whistle ako! Naman! Kailangan daw nila sa PE. Ano ko pulis? PE teacher? Ang out of the blue ng tanong. Natawa ko mag-isa kanina. Haha! Parang shet! Anong whistle at para san? Hahaha!

After work derecho agad ako umuwi. Pero medyo nagala lang sa Galleria. May nakasalubong ako familiar face. Tumango siya, so napatango na rin ako ng ulo. Shucks. Di ko maalala kung sino yun.  Tapos yung mga taong nakakasalubong nagssmile sa kin! Grabe! Nakasmile pala ko the whole time kong pinakikinggan yung Whatever It Takes ni Leona Lewis! Amp amp! Kala siguro nila iniismilan ko sila. Pero nakakaaliw dahil mga tao nagssmile din! It really wasn't my intention to smile at them. Pero nagssmile back sila! It felt good naman kahit weird.

Yung bus sa EDSA grabe ang init Mr. T! Yung sa Ortigas naman ang lamig! Grabe! Anyways, ganda nung graffiti dun sa Ortigas malapit Santolan. Kailangan ko talaga siyang picturan!

101620081715

Hahaha! Natutuwa ako pag-napapadaan ako diyan! Ganda noh? Akalain mo bang may magvavandalize ng ganyang kaganda? Shucks! Anyways yun lang naman Mr. T! Update you soon. Super antok na ko!

Currently listening to: Whatever It Takes by Leona Lewis
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on October 16, 2008 at 10:28 PM in Everyday Drama, OJT | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.