Makikibahagi ako sa Blog Action Day 2008 dahil ilang years na rin naman ako nagboblog blogan. Yan, lagay ko na lang yung link, wala akong kuwentong pang ganyan pero anyways, sana nakatulong paglagay ko ng link. Shucks ang walang kuwenta ko talaga. So yun ivisit niyo na lang and makijoin kayo. Shucks, gusto ko man magkuwento about dito wala akong maisip.

Pero I'll try. Sige eto,

Hindi naman kami mayaman, hindi rin kami OA sa hirap. Naguguilty kasi ako magsulat ng kung ano ano dito kasi yung ibang blog nagkukuwento kesyo wala silang ganito at ganun. Eh paano ba yun meron ako nun? Hmmm... let's just say na we live a normal life. Yep, our family. Tama lang. Hindi mayaman at hindi OA sa hirap. Pero ang pamilya ko madaling lapitan pag may nanganga-ilangan ng tulong. Tulad na lang pagnilalapitan kami ng mga kamag-anak namin na kapos din. Mabait si Mama, Papa, Ate, Kuya and si Bruno. Oo ako lang ang masama. Joke! Mabait din naman ako. Ayoko lang sinasabi na mabait talaga ko! Wow labo. We care about the poor people. Pero pamilya namin ayaw sa mga taong naghihirap hirapan  pero pwede namang magtrabaho. Gets mo ba? Hahaha! Anyways yun. Yan ang part ko. Oo maraming mahirap ngayon and kailangan tayo gumawa ng paraan. We can start with ourselves. Spread the word na lang mga friends. We cab help in our own way. And yeah, kung meron man tayo, let's share na lang our blessings. And just like what my Ate and Mamay say, babalik din sa tin yun ng doble pa. :-)

Anyways, ang aking bunsong kapatid ay nagsesembreak na! Swerte shete! Dun na muna siya kina Ate nakatira. Lalabas na pala si Ate sa hospital ngayong araw sabi ni Mama. Buti naman. Dadalaw dapat kami kahapon pero super tulog si Ate. Nabanggit ko pala ang aking bunsong kapatid dahil nalaman kong may Clinique Happy for Men siya sa cabinet niya! Tinatago niya from me! Hahaha! Alam niyang paborito kong perfume yun. Feeling ko padala ni Papa yun at gusto niya solohin. Pero hindi ko masisi si Bruno kung itago niya yun. Isa akong big bad brother I know. Hahaha!

Naeexcite na ko sa pag-uwi ni Jeffrey. Weird. Baket ako naeexcite? Hahaha! Dapat hindi ako maexcite! Joke! Anyways, kung anong plano for the weekend sana mangyari. Shucks. Tulad nga ng text ni Jeffrey, huwag raw kami magpaplano dahil for sure hindi matutuloy. Sana bumisita dito si Jeffrey sa the Fort. Gusto ko rin lahat sila pumunta dito!

Nakausap ko kagabi so phone si Barry. At grabe, ang daming chismis. Chikadora talaga eh noh! Hahaha! Gusto ko na ibaba yung phone kasi kung anu ano na kinukuwento eh isang topic lang naman tinanong ko! Musta naman! Yung nanay ko nagulat pa nung hawak ko yung phone. Himala raw at naglalandline ako. Sobrang bihira kasi ako gumamit ng landline sa bahay. Mas okay sa kin magtype na lang sa YM! Hahaha!

Nabuburaot na ko sa opisina. Mga kailangan kong gawin tapos na. Susme, nakaka 150+ hours pa lang ako dito. Grabe -520=370 hours pa! Diyos ko naman Lord ano ba toh!

May wishlist na ko for my birthday and Christmas and for next year Mr. T! Hay... post ko bukas. Minsan talaga be careful what we wish for, kasi baka makuha natin lahat eh. Hahaha! Shucks. Gusto ko nung bagong Mac Book aluminum... wahhhh...

 

Currently listening to: mice clicking
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on October 15, 2008 at 12:17 PM in Everyday Drama, OJT | 2 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

GHV2 (guest)

Comment posted on October 15th, 2008 at 06:19 PM
Beauty with a purpose ka na rin. Pero princess lang muna ang ranggo ha, bata ka pa naman. Haha!
So paano ung usapan natin? Text mo na!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 16th, 2008 at 09:52 AM
matagal na kong beauty with a purpose. hahaha... ayoko lang masyadong ipaalam na nagkakawang gawa rin ako kasi hindi kapani paniwala. hehehe...