Wala Akong Karapatang Antukin
Dahil the moment na pagkauwi ko sa bahay kahapon, kumain lang ako at nakatulog agad. Around 8:30 siguro yun. Napagod ata ako mamasyal sa Galleria. Nagising ako ng 12am pero natulog ulit ako. Si Lu nagtext ng 3am para sabihing tapos na thesis nila. Hindi ako nagreply kasi nainggit ako. Hahaha! Pagkagising ko, cellphone ko nasa sahig na at hiwawalay ang battery at takip sa likod. Amp! And nakakainis dream ko! Wahhh... nanalo raw ako ng greet and meet with Mariah tapos may $1,000,000 pa na kasama at limousine! Para sa kin lahat! Ampota! Shet lang talaga! Parang totoo! Pagkagising nakakalungkot! Hahaha! Ngayon, slack na naman ako kahit marami pang dapat tapusin dito. At least tumutunog keyboard ko di ba? Hahaha! Kunwari busy. Hahaha!
Anyways, ano pa ba hmmm... baket parang sa araw araw na pumupunta kong HSBC, parang ang lapit na lang niya. 8:20am ako umalis sa bahay and by 9am andito na ko. Ngayon ko lang narealize malapit lang tong HSBC na to. Salamat ata sa Ortigas at C5 eh. So yun muna, pinalipat ko sa taxi driver kanina yung radio station sa Love Radio! Hahaha... may bago akong paboritong pakinggan ngayon! Hahaha!
Wala na kong balita sa mga kaibigan ko. As in wala. 0, nit, nix, nada, none. Kumusta na kaya yung mga yun??? Magtetext nga sila forwarded naman. Pag nagrereply ako di sumasagot. Wahhh... ano nangyayari sa mundo? Ganito ba ang work-home-work-home na life? Buti til December lang toh. Namiss ko na magcut! And I miss my friends :-( and yung mga cards na binili ko hindi ko alam kung kelan ko mahuhulog. Grabe! Ilang araw na lang birthday na ng pinakamahal kong friend! Amp! Aabot pa kaya toh? Nyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Huwag ka mag-alala, malapit na kita ulit ipublic. Nagtatago lang ako ng mga entries. Hehehe... :-)