Katatapos ko lang maglunch and first time ko kumain sa cafeteria ng HSBC. Sarap pala ng ulam dun. Tapos lalo na yung dessert na Mango Sago! Grabe sarap talaga! Parang gusto ko pa umilit. Siguro dun na lang ako lagi bibili ng food para hindi na ko lalabas at maiinitan at maarawan at para hindi rin puros fastfood kinakain ko. At dito na lang din ako kakain sa work area ko. Anyways, nakalimutan ko mag-update kahapon. Nakalimutan kong may blog pala ako. Hahaha!

Wala naman masyadong nangyari kahapon. Parang buong araw lang ako nagYM. Grabe, kung kelan ako nakaYM buong araw hindi naman sumusulpot yung isa kong kaibigan diyan! Tsk tsk. Anyways, tapos hindi ako sumama sa Galleria pero  buti pagkauwi nina Mama may dalang bucket ng KFC at pinag-agawan pa namin ng magaling kong kapatid.

The iPhone is overrated. As in over over. Super over. Meron na si Ate na iPhone and kinalkal ko siya, tsk, napagod lang ako. Wala naman masyadong magawa. Pagmalaki daliri mo dun ang  hirap magtext. Super extra cautious ka dapat kasi baka mali maling letters mapindot mo. Nakakangawit pang hawakan. Pero infairness naman sa iPhone, masarap siya paglaruan at kutingtingin. 2Mpixels yung cam. Walang MMS. Wala ring video and walang front camera. My n95 still wins! Pero parang gusto ko rin ng iPhone para may kinukutingting din ako. Or iPod touch na lang kaya?  Wahhh... si Kuya naka-iPhone na! Si Ate rin! Paano namana ako!!!! Hahaha... I need to graduate fast para magkapera na ko!!! Hahaha!

Ang ganda ni Antonette Taus kahapon sa Showbiz Central grabe! Totoo kayang sila pa rin ni Dingdong? Eh ano yung Dingdong-Karylle love team? Tapos di makaimik si Antonette pagtinatanong about kay Karylle. Pero pagMarianne okay naman mga sagot! Shucks, ang saya naman ng love story nila. Pero kung ako tatanungin, kay Antonette Taus ako! Hahaha...

All's well that ends well Mr. T! Ayun, siyempre as usual, may mga taong nagalit sa kin dahil wala na naman ako sa lugar mag-react. Super express na naman ako ng feelings ko. Ugali ko na siguro yun. Parang ako na yun eh. Pero salamat na lang at naiintindihan yun ng ibang tao. Minsan ganun lang talaga ko. Saka ko na lang inaanalyze mga bagay pagtapos na siguro yung initial reaction ko. Yes, everybody is weird and peculiar. And I agree. Ang lamig dito sa table ko shet!

Kagabi, gusto ko magworld cruise! Wahhh! Labo, pero ang mahal mahal naman! Susme paano ako makakaipon ng kalahating milyon! Minimum pa lang yun! Shete! Pero naisip ko, yung mga tao sa barko ng world cruise eh di ba yun yung mga matatandang kareretire lang? Hahaha... shucks, gusto ko makita ang mundo habang bata pa lang ako!

Iniisip ko na talaga ngayon kung ano ang pagagastusan ko pag nagtrabaho na ko. Kuryente? Tubig? Telephone? Cable? Alam ko na, tubig! Hahaha! Ngayon pa lang dinadahilan ko na sa nanay ko na mag-iipon ako para yumaman ako. Andiyan naman si kuya and ate! Mga anak niya rin yun at established na! Dun muna siya manghingi ng tulong di ba? Hahahaha! Grabe napakawalang kwenta kong anak! Hahaha...

Tumawag pala si Kuya and nagusap kami sa phone. I rarely talk on the phone pero kapamilya naman so sige go go go. The conversation went like this:

Kuya   : O kumusta naman OJT mo?
Jacob  : Okay lang. Hassle lang sa pagpunta dun
Kuya   : Baket di ka kasi magdrive na lang papunta dun?
Jacob  : Mahal ang gas. At pagod ka na magdadrive ka pa pauwi
Kuya   : Ayaw mo nun, pagnakita ka nilang nakakotse baka hindi ka na nila utusan dahil sushal ka na...
Jacob  : Tungak! Adik ka lang?
Kuya   : Baket ayaw mo ba kasi magdrive? Ayaw mo nun, masasakay mo rin boypren mo sa kotse...
Jacob  : *Thinks* Ay oo nga, pahinging kotse
Kuya   : Kay ate manghiram ka...
Jacob  : Ay wag na rin. Gusto ko bilhan mo ko!
Kuya   : Ulol!
Jacob  : Ulol ka rin! Hahaha... sa graduation ko ha! Wag kalimutan! Hahaha!

Buti talaga maayos na relasyon namin ng kuya ko. Grabe, dati lagi kami nag-aaway niyan. Buti ngayon wala na rin siyang pakialam kung magkajowa ko ng lalake. Hahaha! I love my brother!

Nagtext si Rhitz yesterday kung free ako. Hello Sunday naman! Diyos nga nagpahinga ng Linggo eh! Napagod ako sa video na dinowload ko kahapon grabe. As in literal na napagod! Siomai!

Ang cool ng taxi driver na nasakyan ko kanina. First time, nakaLove Radio ang taxi sa umaga. Lagi kang naka-AM station mga taxi na nasasakyan ko papasok eh. Grabe, aliw na aliw ako kay Christsuper at Nicoliehiyala! Sobrang aliw na aliw ako habang nag-uusap sila. Tapos may mga facts about guys pa silang pinag-usapan. Eto mga naremember ko:

  1. Mahilig makipagflirt ang guys pero at the end of the day at bago matulog, yung kaisa isang babae lang nasa utak nila. --- True! At applicable din siya sa mga bading. Hahaha...
  2. Hindi lang pinapakita ng mga guys at dinadaan sa inom inom at paglandi pero  mas matagal daw maget over sila kesa mga girls --- Pwede! Pwede rin  toh sa mga bading!
  3. Mahilig magsabi ang guys ng CUTE, HOT, SEXY sa ibang gurls. Pero sa taong gustong gusto nila at mahal nila, MAGANDA ang word na ginagamit nila! --- Maari muli! Hahaha... pero sa gays HOT, SARAP, DELICIOUS, PAPABLE etc. At sa taong gustong gusto nila at mahal nila, POGI at GWAPO. Aw!
  4. Pagnagseryoso na raw magsalita ang mga guys, makinig ka na dahil totoo yun! Bihira raw maging seryoso ang mga lalake! --- And I agree.
  5. At ang pinakathe best. Top 5 kasi yun eh, eto yung top 1, kapag nagsasacrifice na raw yung guy ng oras niya kahit antok na antok na siya at marami pa siyang kailangang gawin para makasama lang sayo, like ka daw nung guy. Sumang-ayon si Christsuper dun. ---  At ang reaction ko? Umabot hanggang tenga ang aking ngiti! Weird...

NakaYM ko rin isa kong kaibigan kahapon. Pero mamaya na yung storya niya kasi matatapos na lunch break ko eh. OA na ko sa break at update! Hahaha... sige sige mamaya na lang ulit Mr. T! :-)

P.S. Hindi gumana yung portable YM dito sa office shete! Kalungkot! At ang lakas ng kulog! Grabe!

Currently listening to: Come What May by Ewan McGregor and Nicole Kidman
Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on October 6, 2008 at 01:02 PM in Everyday Drama, OJT | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.