Completely
Ako nagclose ng drugstore. Parang nanood lang ako ng Gossip Girl pagkauwi at pumunta na ng drugstore pagkagaling sa HSBC. Grabe, nagcocompute ako kung hanggang kelan ako sa HSBC at mukhang 3rd week pa ng December ako matatapos dun! Shet. Ayoko na po talaga! Tas yun, wala, grabe ano ba, ang sarap nung tuyo na dinner namin kanina! O di ba! Mayaman! Hahaha! Pero shete ang sarap ng tuyo pag matagal ka ng hindi nakakakain ng tuyo. Ayun, wala na kong time sa sarili ko. Grabe, pa hard working kuno pa ko. Hay. Sige sige, update you soon Mr. T! At sobrang lamig sa HSBC. Nakatulog ako! Wahhh... buti naman hindi ko na kailangan mag-explain ng kung anu ano sa mga kaibigan ko. Pinaubaya ko na sa pinakamamahal kong friend ang explanation. Stress lang talaga kung iintindihin ko yun. Hmmm... and nakasabay ko si Ms. Jags sa elevator and nag-usap kami. Ang bait bait. Si Jamie rin, Atenista, maganda, lagi niya kong inissmile-an pagdumadaan sa desk ko! Pati ako nagssmile. And sina Chari and Giselle kinakausap na rin ako. Ayun, pero sobrang antok na talaga ko Mr. T! Kanina grabe! At natulog talaga ko ang kapal ng mukha ko! Yung table ko pa naman kitang kita ng buong bayan dahil dinaraanan ng mga tao. At yung allergy ko pala kanina nabuhay! Binigyan ako ni Ms. Diane ng mask. Si Sir Mikko may pinagawa rin sa kin. So yun, wala kong makwento grabe. At ang ganda pala nung song ni Michael Bolton na Completely! Kanina ko lang ulit narinig at nafeel nung nasa bus ako. Ang lamig din nung mga bus na nasakyan ko! And, and aga ko nakauwi kanina! Hindi masyadong traffice sa Ortigas. Kasi, 7pm nasa Galleria na ko eh! Eps lang talaga ang Ortigas laging traffic! So yun, update you soon! Marami akong kwento pero di ko maisip eh. At salamat Holiday bukas! Grabe! Kaya pala mga empleyado sayang saya pagHoliday! Now I know! Hahaha...