This Is Getting Repetitive
Sa office, dami na namang ginawa. Pagod. Dapat imemeet si Gary and Mike sa Galleria kaso tinamad na ko dahil sobrang pagod. Libre pa naman daw ni Gary sayang. Eto ako super antok na. Sa Jollibee kanina nakita ko slacks ko puros putik. Nanhiram ako ng basahan sa isang crew para punasan pants ko. Tapos ang lamig sobra nung bus na nasakakyan ko pauuwi. Sarap! Umulan bigla ng malakas nung malapit na ko sa bahay Mr. T! Kung kahapon may siopao sa office, kanina may chocolate cake, palabok at ice cream. After lunch nagmuni muni ako mag isa sa 7-11. Kaya ayoko na magblog pagtapos grumaduate eh kasi, boring na ang buhay sa opisina. Hay... bigla kong namiss ang pagiging bum agad! At 2 linggo pa lang toh ha! Amp! Update you soon Mr. T! Night! :-)