Handa mga gagawin ko sa office bukas. Wahh! Si Ma'am Sid ang daming dinalang papel kay Sir Mikko kanina. Tapos, nung pauwi, ayaw ko mag Fort Bus dahil sobrang OA yung pila, what I did was, nilakad ko galing sa bus station hanggang EDSA --- with my iPod!!! Hahaha! Laban ka? Okay lang palang lakarin. Nakatipid din ako di ba? Tapos parang mas mabilis pa kasi wala ng kung ano anong stopover. Mga 1 hour lang nasa bahay na ko. Di tulad nung nagbus ako sa the Fort. Mga 2 oras pa. Ayun, tapos tingin tingin ulit sa Galleria. At hindi ko magets baket sobrang traffic sa Ortigas??? Shete! As in! Ayun ang patagal sa pag-uwi ko grabe. Tapos dumaan muna ng Pure Gold San Juan at nag-grocery ng kung anu-ano. Pati mga cream at deodorant bumili na rin. Tapos dumaan sa drugstore --- nilakad ko na naman. Pagkauwi ko si Charice and Celine nasa Youtube na. Grabe galing. Tapos sina Mama nasa ospital ulit hindi muna ko sumama. Tapos bumalik ako ng drugstore para may kunin ---- nilakad ko na naman. Grabe, buhay na buhay pa rin ako ano ba toh Mr. T! Hmmm... anyways, pasok na naman bukas. Grabe, wala talaga akong balak magtrabaho sa opisina pagkagraduate ko!!! For sure yan! I have this very big plan Mr. T! *winks* Ahhh, siguro kaya marami pa kong energy kasi may nilaga kanina sa bahay! Hahaha... so yun, sana makalabas na si ate ng ospital Mr. T! :-) Update you soon. :-) At at, grabe 120lbs na naman ako! Wahhh... nakakalungkot!!!!

P.S. I'm nearing my 1000th enty. Ano kaya magandang topic para sa 1000th entry ko? Hmmm...

Night night! :-)

Currently listening to: End of the Sky by Lighthouse Family
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on September 17, 2008 at 10:41 PM in Everyday Drama, Malling, OJT | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.