Bus, Bus, Bus
Kagagaling lang namin sa ospital binisita si Ate. Grabe parang may party sa kwarto ng ate ko nung dumating kami. Ang daming pagkain at ang daming bisita. Amp! Tapos nireklamo pa kami ng kabilang room dahil sobrang ingay namin.
Actually kauuwi ko lang nung pinasama ko ni Mama sa ospital. Kasama rin sina Tita Nene and Ate Bibing. Naospital na naman si Ate. Pero okay na siya. Tapos, grabe, pauwi galing sa HSBC nag bus ako. 3 bus bali. Ung The Fort Bus, yung sa EDSA and yung sa Ortigas. Grabe! Wahhh! Ayaw ko ng ganitong buhay! Tapos bukas sa ibang department naman ako ilalagay ni Sir Mico kasi wala siyang maisip na ipagawa sa kin. Hahaha! Hmmm... tapos mageMRT pala ako dapat kanina pero OA yung pila so nagbus ako. Dapat sa Cubao ako bababa pero nagsstop over pala yung bus sa may Galleria. So dun na ko bumaba and para iwas traffic na rin sa may Santolan. Then medyo umikot sa Galleria. Then uwi. Then kain. Wow. May buhay na rin ako sa wakas. Hindi na lahat ng oras ko para sa kin. Somebody was inviting me to have dinner kanina pero tumanggi ako dahil ang onti na lang ng oras ko para sa sarili ko makikipagdinner pa ko. Shet ako ba toh? Hahaha! Then yun, masarap pala minsan manahimik. Nakakapag-isip isip ka. Hmmm... dahil sa My Husband's Woman na palabas. Puros love pinag-usapan ng mga Tita at Nanay ko sa Van.
Sa Van nag-uusap mga oldies:
Tita Nene : Naku, ang sakit talaga pagsinabihan kang hindi na attracted sa yo ang asawa mo...
Ate Bibing : Oo, pero ganun talaga. Minsan nawawala pagmamahal mo sa isang tao. Di maiiwasan yun.
Ako : Hindi ka naman dati mahal ng asawa mo eh. Ganun din yun pag nawala. Kaya ka niya ulit mahalin. Nasa sayo na lang yun kung ipapakita mong kamahal mahal ka ulit...
Mama : In love ka? Parang may sense ka ngayon anak...
Ako : In love? Hindi na...
So planado na ang Tagaytay sa October. At nag-oo na yung isa naming friend diyan na binigyan ng kapatid niya ng link dun sa commercial ng KFC! Hahaha! Umamin ka na raw! Okay lang, ate mo naman yun! Magegets ka nun! Wag lang sa kuya mo! Hahaha!
Si Aldrich daw nasa diyaryo: Cosmetics firm taps talents via student competition . Sushal ka ha! Hahahaha....
Proof na marami akong ginagawa sa OJT:
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Oh di ba? Marami akong pose! Sabog na at sobrang basag na ko niyan! Hala sige picture pa rin! Hirap magpanggap ng may ginagawa ka kahit wala naman talaga! Hahaha!
Update you soon Mr. T! :-)