OJT First Day
Hello Mr. T! Shet stressed! Ang layo ng pinag-oOJT-han ko. :-( Bumabagyo pa and hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Masakit ulo ko ngayon. :-( Anyways, yun, had to go to school sooooo early in the morning para mapa-adjust ko na yung subjects ko. Thanks to Matty, pinuntahan niya ko sa school para siya pumila sa office ni Ms. Divine. Before 8am. Bait talaga ni Matty. Nagbreakfast muna ko sa McDo habang nilagay ko na yung bag ko sa Lobby para may place na ko sa line. Ayun, then dating si Matty. Before 8am umalis na ko ng school since kailangan by 8:30am nasa office na ko. Oha! Office! Kung galing sa Taft papuntang office malapit lang. Pero talaga pag dito sa bahay papuntang office malayo. :-( So yun, rode the taxi, buti na lang madiskarte yung driver at alam niya mga pasikot-sikot kung papuntang office. So yun, wearing my corporate attire, plus necktie pa, putik putik na leather shoes, pumasok na ko sa building. Amp! Maling entrance! Withdrawan pala yung pinasukan ko, pinapasok ako nung guard sa kabilang entrance.
Buti na lang yung faux id binigay ko kay Matty at may ID pa kong spare kanina. So, sa HR yung tungo ko agad. Ayun, si Ma'am Joan and Ma'am Raiza were waiting for me. OMG! Hindi ko alam baket ako kinakabahan. Pero yun, pinapasok na ko sa isang room. Quiet room. Ang tagal dumating nung dalawa. Kala ko magtetest. Ayun, medyo may clinarify lang yung dalawa Mr. T! Grabe --- englishing ako kanina! Napalaban ako! Hahaha! Pero yun, the two were fun naman ang accommodating. Tapos grabe, may mga documents na agad na pinirmahan! Shet! Akala ko wala wala lang. At start na pala agad yung work! Amp! Then dinala na nila ko sa department ko.
One floor lower yung pagtratrabahuhan kong department. Henaku talaga, ayun, pinakilala ko sa mga tao. Sorry talaga pero sa daming pinakilala sa kin, hindi ko pa kilala mga names nila. Hindi naman ganun kasharp memory ko Mr. T! Pero siguro as time passes makikilala ko rin sila. Ayun, tapos inorient. Tapos nagtawanan. Pinakita yung system na ii-UAT ko. Amp! So yun, pinagpasa-pasahan ako dun sa mga babaeng makakatrabaho ko. Puros hag-stag mga babae dun! Masaya ito. Pero saka ko ng sasabihing darna ko. Hahahaha! Walang internet Mr. T! Meron nga pero ang daming block na sites! Shet! Yung system lang ata nila magiging friend ko ngayon Mr. T! Hay... tapos tapos sabi pa nung isang supervisor wag raw ako mag-alala di ako malolost dun dahil puros Ateneo and Lasalle lang naman nagtratrabaho dun --- ugh okay... Tapos weird, marami kaming nag-apply sa company na yun, pero baket ako lang nagOJT dun? Huh? Ano ba toh? Raffle draw ng tao? Weird talaga! Ako lang mag-isang nag-oojt dun. Nakakainis lang yung lugar ko kanina nakaharap sa wall! Sana kaharap na lang sa aisle! Hahaha!
Pero alam mo yun feeling na parang wala kang alam? Parang ang bobo mo? Hay... ayun, tapos pina-explore ni Sir Miko, yung supervisor ko for the mean time. Ayun, grabe antok na antok ako Mr. T! Kanina. So since kailangan ko balikan si Matty sa school and kunin yung EAF and ID ko, sabi ko kay Sir Mike, maghahalf day muna ko. Pinayagan naman ako. Sa totoo lang, antok na ko Mr. T! Hahaha! Dapat tutuloy na ko sa bahay nung nasa cab ako pero bumalik ako ng school. Ayun, kinita si Matty tapos kumain sa KFC kami. Napa-adjust niya ko salamat naman. Tapos si Barry tumawag asa school nila siya. So nagkita kami. Kasama si Matty. Eh may gagawin yung dalawa ng 4pm so umikot muna kaming 3 sa HPlaza. Wala lang, naglagalag lang dun Mr. T! Then umuwi na ko and silang dalawa bumalik to their respective schools.
Grabe pagkauwi tulog agad ako. Uhmmm... siguro magiging ganito palagi mangyayari sa kin ngayon Mr. T! At ang init ng ulo ko kanina pagkauwi. Tsk... wah... siguro nag-aadjust pa lang. And I need more long sleeves Mr. T! 3 lang long sleeves ko! Kainis naman baket corporate attire pa kasi kailangan laging isuot eh! Hay... pero pede raw magcasual tomorrow basta may collar. Pwede rin jeans. Yey! Sige sige Mr. T! Update you soon. :-)