Galleria With Lawrence
Hello Mr. T! My body clock is completely busted! It’s almost 5am and still can’t sleep. This is probably the effect of the coffee Lawrence gave me a while ago! Hahaha! Ayun, baket english? Anways ayun, hindi ito date, this is a friendly meet-up mga kaibigan, uunahan ko na kayo. At sino si Lawrence, papakilala ko…
Si Sir Lawrence (nasanay akong itawag sa kanya yun kasi si Rhodge yun pakilala sa kin eh), ay sir ni Rhodge na napadpad sa blog ko Mr. T! Yep yep, this is his blog by the way. Nakikita niya raw yung sarili niya sa kin nung kasing-age ko siya. Pero nung mga may kinuwento ko na hindi dapat kinukwento sabi niya, ay hindi na pala! Hahaha! Hindi niya kinaya powers ko! We’ve been chatting for more than one month na and I can say na marami na rin kami nakwento about ourselves sa isa’t isa. Hmmm… dapat magmemeet na kami ni Law before nun sa Makati kaso hindi ako puwede nun. So we tried setting another date which is kahapon. Magaan loob ko kay Law since ang dami ko ng nakwento siguro pati mga kwento nung bata pa ko hahaha! Makwento rin naman kasi si Law. And isa siya sa mga taong naiintindihan ako kung baket sobrang positive na lang ako mag-isip sa buhay. Pero siyempre mas marami siyang alam so minsan nagpagtatanungan ko rin siya ng kung anu-ano. Ayun, simulan na natin ang nangyari kahapon:
Since kapapanganak pa lang ng kapatid si Law sa Medical City, sa Galleria na lang kami nagkita. Ayun, habang nag-aabang ako ng us papuntang Galleria, biglang bumuhos ang ulan. OA lang dahil soaking wet talaga ko Mr. T! Wahhh… pero buti may dumaang bus agad kung hindi para siguro akong nilublob sa tubig kung natagalan yung paghihintay ko. Kasi naman nung umalis ako ng bahay wala namang ulan! Tsk! So yun, buhay pa naman ako nung nakarating sa Galleria. Kaso sobrang basa. Si Law nasa Bestsellers na bookstore. Ayun, kahit wala kong dalang salamin kanina naaninagan ko na siya yun. Bumili siya nung Sandman na hardbound na 50% off ata. So yun, pagkakita namin ang daldal agad namin hahaha! Nagulat siya kasi kala niya siguro 5’6 lang ako. Kasi yun naman talaga akala kong height ko eh. Pero sabi niya parang mas matangkad pa raw ako sa kanya. Or feeling matangkad lang siya. Hahaha! Sabi niya kasi 5’8 siya eh… hmmm… baka nakaheels siya nun. Hahaha! Joke! Anyways, yun, malamang dinner time na kanina, so gutom. Pinaiisip niya ko ng gagawin and yun lang naman alam kong gawin, kumain!
I wanted soup dahil sobrang naulanan ako Mr. T! So sabi ko Pho Bac. Pero parang carenderia pala yung Pho Bac sa Galleria so sabi ko Rai Rai Ken na lang. So yun, punyemas, nawala sa utak ko yung soup nung nakakita ko nga mga Sashimi sa menu! Hahaha… so yun inorder and potato balls. Si Law nag gyoza and don. Ayun, habang naghihintay, super kuwentuhan. About sa ex ni Law at kung anu-ano pa. Wala naman akong ma-ishare dahil wala naman akong love story. Pero we got along just fine dahil galing magpaflow ng conversation ni Law. Ayun, tapos nagtext ex si Law! Aw! Gusto magdate daw sila! Shete kinilig ako! Hahaha! See I told you may fairytales talaga! Pero sana magkabalikan sila di ba Mr. T! Ang saya siguro ni Law pagnangyari yun. May nakita pa kaming buhok sa potato balls ko so pinalitan kunwari. After eating, ewan ko baket ko nasend kay Law yung kinanta ko dati para sa CCS Icon! Nalagay niya raw sa MP3 player niyang sushal at nagulat siya. So sabi niya after eating videoke kami. Tamang tama may Timezone sa Galleria.
Unfortunately, walang vacant room sa Timezone. So wala, napalaro kami ng Fast and Furious ni Law! Hahaha… at nakakaaliw dahil naglalaro talaga si Law sa Timezone dahil mahilig daw siya sa shooting games. O di ba? Aliw! Tapos yun, nagDeal or No Deal kami. Since kailangan niyang dalhan ng food yun ate niya sa hospital, we had to call it a night. Pero, pagkadating namin sa labas ng Galleria, malakas ang ulan. Mahaba rin ang pila sa cab. We decided, we stay first sa Starbucks. Ayun, kwentuhan na naman ng kung anu-ano Mr. T! Tapos pinakita niya yung binili niyang MP3 player ng Samsung na Bluetooth capable. Tapos andun din yung Nokia Bluetooth headset na binili niya! Naaliw ako sa headset kaso ayaw magconnect sa phone ko! Amp!
Then nagtext na mom niya na kailangan na talaga siya. We decide to wait for the taxi waiting line. Amp! Sobrang haba… eto malupit, si Law sabi sa Mega mas maiksi ata ang pila so nagFX kami papunta sa Mega. Effort pa yung mga FX ayaw ng Mega lang buti may dumating at nagpasakay na rin. Sa Mega, mas mahaba ang pila… SHET talaga! Hahaha! Pero buti maparaan si Sir Law at nakaharang siya ng cab elsewhere. At ayun, sumabay na ko papuntang Med City and dun na rin ako sana sasakay kaso wala rin cab dun. So sinamahan ko muna si Law sa bilihan ng food. North Park na lang ang natatanging bukas so dun kami. Then ang ganda ng lighting dun so nagpicturan kami! Hahaha! Then ayun, hinintay ako si Law makasakay ng cab tapos bumalik na siya sa Hospital.
Alam kong sobrang daming details ang namiss ko pero siguro nakwento ko naman mga dapat nakwento. It was nice talking and being with Lawrence kanina Mr. T! Parang puros positive energy nakukuha ko sa kanya! Hahaha! Wish ko lang sana magkabalikan sila ng Ex niya. I’d be very happy for them. And yeah, natatawa ko kasi kahit sino raw na gusto ako maging makarelasyon eh magdadalawang isip kasi raw may pagkamalikot ako! Huh? Hahahaha! Sadyang lapitin lang talaga ko ng mga admirers siguro! Hahaha… anways, masaya kausap si Law, walang dull moments. Ahahaha… galing pa magspot ng cutie! Hahaha! Salamat Sir Lawrence sa libre pala! Hahaha!
P.S. Ayaw ni Law ipost pic niya na mataba. Wala siyang choice lahat mataba! Hahaha! At sabi niya tataba rin ako pagnaging ka-age ko na siya! Wahhhh…
Masaya masaya Mr. T! :)
jokefan (guest)
subtlebliss (guest)
idontwantmyname (guest)
GHV2 (guest)
subtlebliss (guest)