090620081444 Fine fine fine! Talo and La Salle. Sige na kayo na muna ihahail ko! Hahaha! Ayun nakakuha kami ng Lower A for 300php! O di ba? Sa susunod sa Patron na kami for 500 dahil kilala ko na yung scalper! Hahaha! With Tin, Deck, Matty and Ivan nanood kami ng UAAP. Si Aubs kasi di nagreply eh! DLSU vs. ADMU. Ganda noh? Oo maganda talaga kasi puros sushal mga tao pag yun ang magkalaban! Puros mayayaman! Mapuputi at makikinis! Hahaha... pero mga balahura pag game time na! Hahaha! It was really fun Mr. T! Kahit talo sobrang saya naman dahil masaya magcheer for your own school lalo na kaharap pa ng ATENEO! Amp! At kahit hindi namin naungusan sila! Pero masaya talaga! Kahit dulas ng dulas si Casio at kahit puros sablay mga tres at tira ng mga players. Kasama sa thrill yun! Hahaha!

Ayun, naghintay ako sa mga kasama ko mahigit isang oras sa loob ng Araneta! Buti na lang nakaupo ako dahil may nagtext sa kin: Suplado! Ayaw mamansin! Amp si J1 yung nagtext at nakasave pa pala number niya sa kin Mr. T!! Kasama si J2 and si J3! Ang mga baklang tago! Magkakasama at lahat nakatingin sa kin at ang suplado ko raw kanina! Sorry naman di ko sila nakitang magkakatabi dahil busy ako sa panonood ng UP vs UST!! So, baket J1, J2 and J3? Masyado silang tago para iblog at baka mabuking pa sila! J lahat nagstastart name nila by the way. And si J1 kinarir ako nung 1st year!

Eksena nung napansin na ni Jacob ang mga g0y (new word I learned from Sir):

Jacob  : Uy kumusta naman kayo jan!!! May ménage à trois ba? Hahaha!
J1     : Gago! Suplado mo ha porket ang pogi mo ngayon in green! Hahaha...
J2     : Oo nga! Kanina pa kami nasa harap mo di ka namamansin!
Jacob  : Henaku! Maari bang hindi ko kayo pansinin kung nakita ko kayo? May nakaupo dun? *points to an empty chair next to J1*
J3     : Sige umupo ka na jan...
Jacob  :Eh may bag na nakalagay?
J1     : Dito oh *pats his lap*
Jacob  : *taas kilay* Gusto mo mo ng black-eye? Hindi ka pa over?
J1     : Sos, ikaw lang may ayaw talaga sa kin...
Jacob  : Tangalin mo yang bag! Bilis!
*Tinaggal ni J1 ang bag at nakaupo si Jacob*

090620081448 So yun, after the game, as usual, kanta kanta ng mga Alma Mater songs ng ADMU at DLSU. Tapos palakpakan para sa bawat school. Nyerks... plastic lang. Una nagbooboohan tapos palakpakan naman! Hahaha! Ang labo lang! Pwede ba, pakiusap ko lang sa mga Atenista, pwede ba alalahanin nila kung nasan yung tamang hati ng Araneta? Sobrang lampas na sila sa semi-circle nila eh! Hindi makatarungan! Nakaupo pala kami malapit na sa Ateneo. At naaliw ako sa isang babaeng Atenista na may hawak nung Fight and Wala na placard nila! Ang arte niya kasi! Nakakatuwa siya! After the game, naisipan namin mag SM Marikina! Since sabi ni Tin kabubukas lang. Took the LRT2 then from Santolan station, we walked til SM Marikina. OA ang tao Mr. T! Kung meron magsspell ng OA yung SM Marikina yung letters kanina. As in! We were supposed to eat but every resto was fully booked. We had to be wait listed! Boo! So we decided to just go home. Good thing the plan to go to Eastwood was dropped. Everyone was tired so I guess it was the best thing to do! I was the one who suggested it by the way! Yep! For the first time I wanted to go home! Hahaha... then yun. Tin and Ivan went ahead tapos the 3 of us took the LRT2 then Deck took LRT1. I walked with Matty til MRT station and from MRT station I headed to San Juan-Cubao jeep terminal. It was a fun and tiring day Mr. T! Anyways, a friend is leaving again to another country tomorrow. Hmmm... we could've bonded a little more. So yun muna update ko Mr. T! Hindi ko alam kung ipupublic ko yung entry ko last night na nabasa na ng iba at prinivate ko pa. Hmmm... kaso baka isipin ng mga tao nagmamaganda na naman ako pag-pinost ko yun! I'll think about it Mr. T! :-) Ganda pa ng title nun entry ko kagabi, The Bachelor(ette)!!! Hahaha... I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya Mr. T! Mwah! Tagal ko na rin di nagmwah sa yo eh! :-)

Currently listening to: Malaya Ka Na by Lani Misalucha
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on September 6, 2008 at 09:58 PM in Everyday Drama, School | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.