Sa sobrang dami ng nangyari kahapon, mahihirapan ako ikuwento lahat lahat ng nanyari. So eto na lang, iphophoto blog ko na lang sila Mr. T! Buti na lang at marami akong nakuhang picture kahapon.
Naghintay sina Aubs and Tin matapos ang WIRTECH namin ni Deck. At feeling ko ang taas ng nakuha namin sa Final MP Demo kahapon!
Bus and Congo Grille
Sa bus, papunta kina Deck. May dinala muna si Deck sa bahay nila sa Las Pinas! Yan, kumpleto ang sang buong barkadahan! At si Angelica buhay!!! Hahaha…
|
Sa Congo Grille kami nauwi kumain. Amp! Nagbunutan pa eh halos majority naman gusto dito! Labo rin eh!
|
Baket ako ang nasa gitna? Eh si Aubs ang may birthday! Hahahaha…
|
Pagtapos busugin ang aming mga sarili, papicture muna. Tapos dumaan Toy Kingdom dahil binili si Tin.
|
MOA Ice Skating Rink
May libreng Ice Skates ticket yung biniling laruan ni Tin. Ayun, nakamenos si Aubs sa panlilibre ng Ice Skating namin. Pag-isipan niyo na lang kung ano ginagawa nila sa pic na toh. Mukhang hirap na hirap ba sila. Unang sampa nila sa Ice Skating rink yan. Hahaha…
|
The celebrant fell flat on her ass. Well, everybody din. Hahaha… nagpatulong siya sa kin magpatayo pero hinila ko pa siya habang nakaupo! Hahaha… nabasa tuloy pants niya!
|
Ayan, kumpleto kami sa pictures. Thanks to my friendliness may naconvince akong kumuha ng picture namin! Weee… tapos hilahan, takbuhan, takutan, dulasan at kung ano ano pang pinag-gagawa namin sa rink.
|
Nag-iisip ba kayo baket wala na si Tin sa pics? Kasi, napagod na siya. Sumakit yung paa! Kaiinis corniness! Pero namaga nga talaga paa niya. At after almost 1 hour, nakakaIce Skates na nang maayos ang aking mga kaibigan
|
Bahay Nina Aubrey
Sa van na kulorum. Dun kami sumakay papunta bahay nina Aubs sa Cavite. Tapos, ang layo. Ang dilim ng mga kalsada. Namalengke muna kami sa Cavite bago tumuloy sa bahay nina Aubs.
|
Ayan, pasakalye lang yan Mr. T! Grabe, hindi ako sanay uminom ng mga ganyang inumin pero kinaya ko! Hahaha… infairness, naubos namin yang pansunog baga na mga inumin na yan! Hahaha… at marami pang chichiryang dumating…
|
Yan, kumpleto. Si Ivan, dumating din. Medyo weird na magiisip yung mga tao niyan. Hahaha… nagtatawanan na lahat. Sabog na ang iba Mr. T! Ako hilo lang…
|
Eto ang sabog! Tignan mo ayaw na magpakuha! Hahaha… the best talaga si Angelica tamaan!
|
Bago Matulog
Sina Matty, Tin, Ivan and Deck umuwi since sa South lang mga nakatira yun. At si Tin and Ivan, hmmm… basta. Si Ange kasi bangenge eh kaya natulog na dun. Eh ako San Juan pa kaya di ko rin kaya magcommute ng 11pm ng gabi galing Caviter! Scary. So yun, kita niyo bang naglalandian kami sa pics! Hahaha…
|
Fresh kaming lahat jan actually dahil kaliligo lang namin. Threesome ba ito? Yak! Hahaha… til 2am nagkukuwntuhan kami. Si Ange okay rin magkwento. Tapos ako rin nagkwento. Hanggang nag-umaga at nagkape at hinatid na kami ni Aubrey sa terminal ng bus.
|
Salamat Bheng! Ayun, tapos sa Baclaran Mr. T! naglakad kami ni Angelica! Grabe ang init ha! Hahaha! Buti at buhay akong nakauwi galing Cavite. Hmmm… sige yan muna update Mr. T! Bakasyon na!!!! Wheeee…
Currently feeling: sleepy