Hindi ako pumunta dun sa interview kanina! Ang aga naman kasi! Hahaha! Hindi ko pa alam yung building!At birthday ni Aubrey ngayon! Happy birthday Bhengotz! Mwah mwah! Ice skating kami sa Friday sabi ni Aubrey! Yey!

Hindi rin ako umattend ng consultation. Nabara raw mga thesis mates ko ni Dr. Lloyd! Buti na lang wala ako! Hahaha! Finals kanina sa WIRTECH. Di ko alam kung anong naisipan ko at baket nagfinals pa ko eh wala naman akong alam sa pinagsasagot ko.

Habang papasok, kumakain ako ng Choco Mucho na binili ko sa 7-11. 5 na Choco Mucho kinain ko ang mura kasi. Sumakit lalamunan ko Mr. T! Umuulan pa kanina nung papunta kong school. Tapos nagtubig ng malupit para mapawi yung tamis. Kaya siguro sobrang energetic ako kanina.

Habang papasok din, nakita ko na naman si Mark and Miguel namagkasama. Pag nakakasalubong ko yung dalawang yung nagssmile sila sa kin. Ako rin, napapasmile, hindi lang dahil nagssmile sila sa kin, kung hindi dahil sila ang patunay ko na puwedeng magtagal ang isang same-sex na relasyon whatever it takes. Siguro, 2 years na sila Mr. T! Galing noh! Grabe, parang pag nakikita ko sila lagi lang silang nakaupo somewhere sa school. Nagkukuwentuhan, minsan naglalaptop, minsan nagtatawanan. Minsan magkatabi lang sila walang ginagawa. Minsan sa Conserv, sa sahig sa Yuchengco, sa SJ etc. Napapasigh ako Mr. T! Naalala ko tuloy nung nagkaroon ng problema yung dalawang yun, alam ko ang buong details dahil kinwento sa kin ni Mark. I'm living vicariously through them. Hay... kelan ako magkakaroon ng sarili kong love story --- NA TUNAY? Masarap makinig at malaman ang love story ng iba, pero mas masarap siguro kung may sarili akong love story na maiikuwento sa iba di ba? Hmmm...

After WIRTECH, sinamahan ko WIRTECH groupmates ko mag-integrate nung program namin sa ibang WIRTECH groups. Galing talaga ni Deck! Wala na talagang elective na open next term Mr. T! Ano ba yan! Gusto pa naman yung AD-FOTO para may dahilan ako para magpabili ng SLR! Hahaha! Tapos kumain sa Eric's. Nasabihan pa ko ni Ivan sa Eric's kung taga EGI Condo lang ako dahil mukha raw akong bagong gising! Musta naman! Oo na mukha akong sabog! Hahaha!

Nakita ko si Sherry. Grabe, natuwa ako! Hahaha! Pag nakikita ko si Sherry sumasaya ako. Ayun, with Deck, kasama ko siya maglakad sa SJ palabas ng school. Gabi na kami nakauwi before 8pm siguro. Si Deck nagbus, kami ni Sherry, nagLRT1 tulad lang ng dati. May dalang DigiCam si Sherry. Hahaha... ang sikip sikip kanina sa LRT1, nagpicturan kami. Hindi pa online si Sherry kaya di ko makuha mga pics. Tapos nagpapicture din kami dun sa streamer ni Gloria Arroyo! Hahaha!

At yung isa kong friend na kasama ko kahapon ayaw pa ipost mga pics online. Natatakot ata baka ipost ko! Patay kami! Hahaha...

Walang pagkain sa bahay so sa Jollibee ako kumain. May Refill Deal Mr. T! Pag nagGo Large ka, puwede ka magparefill ng isang beses! Yey! Nalunod ako sa Coke!

Habang pauwi, nakakita ng aso na nasagasaan ng jeep. Nalungkot ako grabe. Hindi man nagstop yung jeepney driver nung patawid yung aso. Grabe, nalungkot ako dun para sa aso. Sarap patayin nung jeepney driver Mr. T! Hay... nakakatatak sa utak ko kung paano nasagasaan yung aso. :-(

May nalaman akong bago, habang nakikinig kanina sa iPod, natabi ko yung cellphone ko sa iPod. Eh yung iPod ko nakaleather case na may magnet. Pagkakita ko sa cellphone ko, nagrotate yung resolution ng phone ko! Naging landscape! Naglalandscape lang yun pag inoopen yung Media buttons. Tapos ilang beses ko inulit Mr. T! Nagrorotate talaga! Tapos, nagconclude kami ng kapatid ko na baka magnet nga ang nagtitrigger sa accelerometer ng N95! Galing!

Tanong ng tanong kapatid ko kung san makabibili ng Eraserheads na ticket! Grabe wala akong alam! Ako pa tinanong sa ganyan! Paki ko ba sa Eraserheads di ba? Kung diva pa siguro ang Eraserheads alam ko! At buti naman hindi na libre yung concert na yun. Sabi ng kapatid ko, at least masasala at wala na masyadong jologs sa upcoming concert nila.

Update you soon Mr. T! Ang saya kasi kasama ko si Sherry kanina! Hahaha! Parang pagkasama ko si Sherry balik 1st year college lang kami ulit. So many memories with Sherry grabe. Sobrang mas carefree dati at mas walang paki sa buhay. Nagbabago talaga ang panahon Mr. T! and I'm trying to catch up with time dahil alam kong naiiwan ako --- or sadyang nagpapaiwan ako? Hmmm... sige sige

XOXO, 

Currently listening to: Unfaithful by Rihanna
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on August 27, 2008 at 11:23 PM in Everyday Drama, School | 2 comment(s)

muhh (guest)

Comment posted on August 28th, 2008 at 01:32 AM
"ang sikip sikip kanina sa LRT1, nagpicturan kami"

good job :D

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 28th, 2008 at 01:52 AM
oo nga eh. feeling ko asar na mga nasa likod namin kanina. hahaha... at katabi...at kaharap... at nasa gilid... hahaha...
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.