5:02am
Hindi pa ko makatulog. Kanina pa ko paikot-ikot sa kama. Daming gumugulo sa utak ko ngayon. Natatakot ako. Natatakot ako dahil masyadong nagmamadali ang oras. Bawat segundong pumapatak kinakabahan ako sa puwedeng mangyari sa hinaharap. Bawat minutong lumilipas natatakot ako sa mga puwedeng maganap. Wala kong magagawa. Mga mangyayari bukas o mamaya ay mga epekto lamang ng ginagawa ko ngayon. Sabi nga ang epekto ay nangyayari na lang pagtapos na ang nagawa. Hindi ba puwede patigilin muna ang oras? Natatakot ako. Natatakot talaga ako. Gusto kong ibalik mga nasayang na oras. Nahihirapan na kong magpanggap na walang pakialam. Ayoko ng magpanggap na lagi akong masaya. Sa totoo lang takot na ko sa hinaharap. Kung minsan natatahimik ako bigla sa harapan ng ibang tao, kasi gumugulo sa isip ko mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip. Takot na takot na ko. Pagtapos na ang lahat ng toh, anong uri ng simula ang haharapin ko? Masyado ba kong nagwalang bahala? Hindi ako malakas sa ganitong bagay. Hindi ko alam kung san magsisimula. Mas mainam pa ata munang magpadala sa ihip ng hangin...