Walang pasok ngayon Mr. T! Naisipan namin ni Cathy magGreenhills. Ayun, ang anghang talaga nung sauce nung Shawarma dun sa Food Channel sa Greenhills! Pero masarap! Wahhh... kung puwede lang umapoy kanina ng bibig ko umapoy na siya. Imagine, hindi pa kami nakuntento ni Cathy, pinsan ko, sa hot sauce ng Taco dun sa Camico's sa may Shoppesville, inupakan pa namin yung hot sauce ng Shawarma dun sa Food Channel. Pero ang sarap talaga. Lumabas mga sipon ko kanina! Hahaha! Basta ang sarap ng feeling nung mga hot sauce na yun shete! Sana inuwi namin! Hahaha! Ayun, tumingin tingin lang kami ni Cathy kanina ng damit at bumili siya ng jacket sa Greenhills. Ako, ayaw ko bumili, pabibili ko na lang sa nanay ko mga tinignan ko kanina pag pagnapadpad kami sa Greenhills next time. Hahaha! After nung Shawarma nag Sylvanas sa Razon's kanina sa Greenhills din. Para naman makatikim ng matamis yung dila namin after naming sunugin! God bless sa redefense namin bukas Mr. T! Hay... eto na ang finale. Do or die na toh. Hmmm... masama kutob ko. :-( Pero handa na ko sa kung ano man ang mangyayari bukas. Yun na muna Mr. T! Update you soon. Matagal tagal akong online mamaya so baka may ipost ako ulit na kung ano. Anyways, eto muna...

Currently listening to: Long Ago by Mariah Carey
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on August 18, 2008 at 07:54 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 4 comment(s)
Comment posted on August 19th, 2008 at 12:08 AM
gudlak sa defense.

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 19th, 2008 at 12:10 AM
salamat :-D
Comment posted on August 18th, 2008 at 08:53 PM
kami walang pasok sa work bukas bilang Quezon City day pero maglalako ako ng paninda naming plays sa Mandaluyong so tuloy pa rin sa pagtatrabaho at baka mamakla ako sa hapon, ehehe.

break a leg sa redefense nyo. go for the goal! ;)

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 18th, 2008 at 08:58 PM
iprivate message mo nga sa kin YM mo! hahaha... naaliw ako sa yo!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.