Trinoma With Chris Pt. 4
Related Entries:
With guest star Tom! Charan! Hahaha… ayun! Musta Mr. T! Grabe wala pa yung sinend sa king email ni David! Anong ipiprint ko? Umaga na! 5pm yung submission nung papel anong oras na? Sana lang matapos ko ang pagpiprint ng documents namin. So yun, was with Chris and Tom sa North-Malls kahapon. Grabe, hindi ko alam baket lately napapadpad ako sa mga malls sa north. Makati person ako pero nag-iiba na talaga ang panahon! Amp! Anyways, dahil sobrang postponed na yung pagkikita namin ni Tom na umabot na ata halos na isang buwan, napag-usapan naming magkita kahapon. Okay lang raw na isama ko si Cheeseburger sabi ni Tom. So as usual, kinulit ko na naman si Chris para sumama. As usual, pahirapan. Pero buti naman, napapayag ko si Chris. 10:30 am ang usapan sa Fully Booked sa The Block. Wall-E ang panonoorin ng 11:00am.
Wow! Second time. Naunahan ko si Chris. Mwahahaha! Naunahan ko rin si Tom! Mwahahaha! Pero nung pagkadating ko sa Trinoma hindi pa pinapapasok mga tao. Amp! Yan kasi atat! So sa Rustan’s muna ko umikot ikot at bumili ng bagay na nakalimutan kong ilagay sa katawan ko dahil sa kamamadali. Ayun, promise, kaya ako naghihintay dahil nababagot ako. Hahaha.. yung dalawa nagpakaDiva! Grabe, ngayon alam ko ang feeling ng naghihintay. Nakakabagot. Hahaha! So yun, bumaba muna ko sa The Block dahil mga mga nakita kong magagandang pics na nakadisplay. Picture-struck ako. Galing nung mga photographers nung mga shots na yun. Hmmm… ayun tapos sa Fully Booked nagbasa ng mga kung ano ano. Meron pa pala akong kulang na libro ni Bob Ong. Yung McArthur ata yun. Sana binili ko para may binabasa ko sa train! So yun, umikot ikot muna ko, lumabas ng Fully Booked, then nakita ko na si Chris, papuntang Fully Booked. Naglakad ako sa likod ni Chris. Nakita niya ata ako sa salamin. So he turned around. Ayun, may I just say na nauna ako. Hahaha… then nakita ko na rin si Tom, pababa ng escalator then yun. Weird, nakablack kaming tatlo. Parang may production number lang! Hindi magkakilala si Tomas and Chris, pero kailangan nila mag-usap dahil ganun talaga. Hindi sila puwedeng hindi magkibuan dahil magkakasama kami. Hmmm… so yun, bumili muna kami ng ticket. Ayaw nung dalawa sa SM North Cinemas manood. Yung 11am kasi sa SM eh, may 12:10pm sa The Block na Wall-E, so yun pinili namin yun. Si Tom, gutom, ako medyo rin. So nakita ang Chaikofi. Dun kami kumain. Everything was yellow. Hindi ko feel yung food. Si Chris nagkape. Parehas kami ng kinain ni Tom. Hind ko naubos yung sa kin. Tapos yun, usap usap kami. Aba si Chris nagsasalita! Ayun, masaya naman Mr. T! Narealize ko tuloy ang tanda ko na hindi pa rin ako nagtratrabaho ko! Hahaha… shete, naalala ko tuloy mga comment sa Multiply ko na “Hindi ka na bata!”, “Sino nagsabing bata ka pa?”, “Agree ako sa lahat ng sinabi mo, pero tutol ako dun sa ‘bata pa ako’ ” --- shete! Hahaha… then nanood na ng movie.
Wall-E was nice. Feel good movie. Yung tipong lalabas ka ng cinema na nakasmile. As usual, ako tuwang tuwa dahil kid’s movie yun. I’m a sucker for those kinds of films tapos CGI pa! Walt Disney pa! Si Chris naman tawa ng tawa! Naaliw naman ako. Hmmm… ang lamig sa loob ng cinema. Ilang beses kaming 3 nagCR. Siguro kasi unti pa yung tao sa loob ng cinema. Then yun, we were all smiling pagkalabos. Ang chick flick pota! Hahaha…
Then umikot ikot sa The Block, SM. Tapos naghanap si Tom ng ATM. Grabe, ang hahaba ng mga pila kahapon sa mga ATM. Sa labas kami ng The Block nagwithdraw. Pati ako nagwithdraw just in case kasi magRed Box. Hahaha! So yun, then naglakad sa Trinoma. Naginquire sa Red Box kung may free na room. Kasi booked lahat. Sana talaga nag pawait list na kami nung pagkatanong namin.
Tapos, umupo kami ng Coffee Bean. Ayun, umupo lang! Shushal di ba? Hahaha… then since si Tom, may pupuntahan birthday party, sinamahan namin siya ni Chris sa The Spa. Bumili ng Gift Certicate sa The Spa si Tomas. Ayun, sa loob ng The Spa, may nagsuswing na kama sa receiving area. Haha, naupo muna kami ni Chris dun habang may inasikaso si Tom sa front desk. Ang sarap dun sa nagsuswing na kama na yun.
Magic carpet nga sabi ni Chris. Tapos yun, ikot ikot, naisipang kumain. Bumalik sa Red Box, this time sinulat ko na pangalan ko sa wait list pero forever ako nagwait sa text pero di dumating. Sayang may videoke pa naman daw si Chris with officemates kinabukasan, sana nakapagpractice siya! Hahaha! Ikot ikot! To my skwater-nature, nagpapicture ako kay Eva, Wall-E at sa buong main cast ng High School Musical 3. Hahaha, tapos naghanap ng makakainan. Kumain kami sa Red Ribbon. Parehas kaming nagpalabok ni Chris, si Tom spaghetti. Ayun, usap usap ulit. Kinukulit naming dalawa 2 si Tom. Si Tom, withdraw ng withdraw ang yaman! Hahaha… tapos kailangan na ni Tom umalis para sa party niya. Nakita ko mga pinsan kong sina Jo-an and Katrina sa Trinoma kumakain. Tapos yun, si Tom nagcab then kami ni Chris nagMRT.
Kailangan ko ng mga 2 ream or more ng short bond paper. Sa Cubao, nagpasama muna ko kay Chris sa National Bookstore bumili. Wala. Puros A4. Sa Office Supply na store wala rin. Si Chris, hindi nagsasalita, may mga short bond paper pala! Ayun, so pumunta ko condo niya para kunin yung mga papel. Pero ang lakas ng ulan. Naghintay kami sa Gateway ng Taxi. Pero balahuraan yung paghihintay. Wala sistema. Amp, si Chris naisipang magLRT2 na lang kami. So yun, sa Katipunan ang lakas ng ulan. Shushal! Parang baket paglumalabas kami ni Chris nauulanan kami? Naalala ko tuloy nung nagSerendra kami! Amp! Since yaw talaga tumila nung ulan, hala si Chris naglakad na, sunod namin ako. Thanks to my friendly nature, nakipayong ako sa isang estudyanteng taga-UP. Buti pumayag na payungan ko siya. Hahaha… si Chris walang payong. Kawawa naman. Hahaha… so yun, nabasa rin nung nasa Mini-stop na. Super basa. Amp! Nakarating naman sa condo ni Chris na buhay pa. Basang basa kaming dalawa. Oh di ba, Tuwing Umuulan ang theme song dapat namin! Amp! Hahaha… ayun, hinubad ko muna mga damit ko at nakiligo at pinatuyo ko muna damit ko. Nanghiram muna ko ng damit kay Chris pero, boxers lang ang binigay sa kin. Parang nananadya, binuksan pa yung Aircon! Wah… so habang nagpapatuyo, natulog si Chris and ako nakihiga rin. Andun sa sa likod ni Chris nakakumot. Amp! Pagod na pagod si Chris grabe parang patay as in tulog na tulog! Feeling ko magkakasakit yung sira na yun. Hindi man lang naligo nung pagkadating sa bahay niya! Tsk tsk… so yun. Nung natuyo na mga damit ko at nakapagpahinga na, binigay na ni Chris ng sandamakmak na bond paper. Tapos nung pauwi, malakas pa rin ulan, pinahirama kong payong ni Chris. Payong na may tatak na ATENEO! Yak! Hahaha… ayun, grabe napagod ako kakaprotekta dun sa bond paper Mr. T! Sira pa yung LRT2. Wala kasing cab. Til Cubao lang yung LRT2. So sa Cubao nagjeep ako til bahay. Ayun, tuyo naman yung bond paper pag-uwi ko. Mabasa na ko wag lang yung papel at at yung cellphone ko. Hahaha… so yun. Nakakapagod protektahan yung papel! Amp! Masaya masaya! :-) Sana laging ganito. Sana makaabot ako ng Trinoma With Chris Pt. 10000 hahahaha! Pasok na ko!
wanderingheart

Aubrey (guest)
subtlebliss (guest)
cheeseburger (guest)
Tom (guest)
cheeseburger (guest)
subtlebliss (guest)
subtlebliss (guest)
muhh (guest)

subtlebliss (guest)
muhh (guest)

subtlebliss (guest)