Bihira ako makaramdam ng tunay na lab. Oo, lab, as in love, pagmamahal, romantikong pagmamahal, pag-ibig at kung ano pang tawag ng ibang tao dito. Siguro, isa ito sa mga dahilan kung baket hanggang ngayon hindi pa ko nagkakaroon ng isang tunay at seryosong relasyon. Kung gugustuhin ko, kaya kong magkaroon ng karelasyon ngayong oras din na toh. Hindi ako nagyayabang pero maraming umaaligid ngayon. Pero alam mo yun, mahirap ipagpilit ang hindi talaga kayang ipilit. Marahil maraming beses na ko nagkagusto sa ibang tao. Pagkagusto na ang ibig sabihin ay paghanga o pagtangkilik lamang. Siguro tawag dun eh yung "crush". Oo, yung ganun marami, pero yung tunay na pag-ibig, eh sobrang bihira kong maranasan. Siguro maraming aapila at sasabihing "Bata ka pa, anong alam mo diyan sa pag-ibig na yan" o di kaya'y "Anong alam mo diya? Eh hindi ka pa nga nagkakaroon ng karelasyon?". Oo bata ako. Oo hindi pa ko nagkakarelasyon. Pero basehan ba yun ng pagkatotoo ng nararamdaman ko para sa isang tao? Mali sila dun. Siguro kung hindi kung wala akong alam dun, marami na kong naging karelasyon dahil ang mga walang alam lang naman ang tatalon sa isang bagay na hindi sila sigurado eh. Pero ako, hindi ako tatalon sa isang bagay na hindi ako sigurado. Gusto ko, siguradong sigurado ako. Ilang beses ko lang naramdaman na sigurado akong handang handa ako tumalon sa isang relasyon. Tatlong beses. Ang masaklap lang nito, yung mga taong gusto ko maging karelasyon eh hindi handa para sa kin. Nakakalungkot oo pero ganun talaga siguro. Tinanggap ko na yun. Pati tong pinakahuling pagkahanda ko, unti unti nang lumulubog sa pagkatao ko na wala ng patutunguhan kung ano mang meron kami ngayon.

Mahirap umasa. Oo. Totoo. Isa yan sa mga bagay na unti unti kong natutunan ngayong taon na toh. Masakit dahil minsan kung iisipin mong wala ka namang inaasahan tapos asa ka pa rin ng asa. Pero may magagawa ka ba kung nasasaktan ka? Wala. Kasi dun sa kakaasa mong yun, masasabi mong nagiging masaya ka eh. Eh paano ba naman, kung yung taong inaasahan mo eh parang may pagtingin pa rin sa yo? Pero yun ang masama di ba? Yung bawat ginagawa nung taong yun para sa yo ay nilalagyan mo ng kahulugan at importansya. Eh paano kung gusto niya lang talagang gawin yun. Wala siyang intensyon o palabasin na sweet siya sa yo or nag-aalala? Bilang kaibigan lang naman pala niya ginawa ang lahat ng ginawa niya para sa yo? Ang sakit di ba? Pero ganun ata pag-nagmamahal ka na. Nagiging tanga ka na at ang iisipin mo na lang minsan ay napapasaya ka nung tao kahit alam mong hirap na hirap ka at nasasaktan dahil hindi mo alam kung anong meron talaga kayo. Mahirap ata ilugar ang sarili sa lugar na ikaw lang ang nakakalam. Paano kung wala naman siya sa lugar mo? Labas mo na naman tanga? Na kahit ilang beses ka niyang pagsarahan ng pintuan eh mas pipiliin mo pa ring tumabi sa kanya dahil sigurado kang siya yung taong dapat mong makarelasyon. Na kahit ilang beses na niyang sabihin na hindi ka na niya gusto eh patuloy pa rin at masugid ka pa ring lumalapit at ipinapakita na balang araw ay magkakaroon o babalik yung nararamdaman niya para sa iyo. Mahirap. Nakakatanga. Nakakaawa kung titignan ang sarili. Nakalalungkot. Pero ganun ata siguro, handa kang magpakatanga minsan at magsakripisyo makasama lang yung taong nagpapasaya sa yo, o higit, mahal mo. Pero naisip ba nila yun? Hindi siguro, kasi wala naman sila sa lugar mo.

Kung mahirap umasa, mahirap din ang magpaasa. Ako, masasabi ko na mas gugustuhin kong umasa na lang sa taong mahal ko kaysa sa paasahin ang taong nagmamahal sa kin. Baket? Simple lang, dahil ayoko makasakit ng ibang tao. Siguro may mga nasaktan akong tao sa nakalipas buwan o taon o kung ano pa. Pero hindi ko sinadya yun. Alam ng ibang tao ngayon kung nasan akong lugar ngayon. Kung nakanino ang puso ko. Pinaliwanag ko yun. Ikinuwento ko pa. Binigyan ko sila ng pagkakataon. Pero inuulit ko, mahirap pilitin ang hindi kaya ipagpilit. Kung nakasakit man ako, sinigurado kong hindi baon yung sakit na magagawa ko sa ibang tao. Mas masakit kasi kung baon na baon yung sakit. Naghintay sa wala yung ibang tao ng matagal. Umasa at pinagmukhang tanga lang. Hindi ako ganun. Mas gusto ko, kung sasaktan ko man ang isang tao, sasaktan ko na siya ngayon mismo para hindi na lumalim pa ang kung anong sugat ang matatamo niya. Hindi ako rin ako marunong manggamit ng ibang tao. Hindi ko kailangan ng ibang tao para makalimot lang sa ibang taong gusto kong makalimutan. Mahilig ako makipagusap sa ibang tao. Kahit di ko kilala. Yun ang totoo. Kung ninais man ng ibang taong pumasok sa buhay ko, pinapasok ko sila ng walang hadlang at kahit anong pagkukubli. Hindi ako nagsinungaling. Dahil natutunan ko na mas maganda ang nagsasabi ng totoo. Kung ano man ang nagawa ng ibang tao para sa kin, salamat. Ikinalugod ko lahat yun. Ipinakita ko rin naman na interesado ako sa mga taong ito pero mahirap talagang maging hinog sa pilit. Kung nakasakit man ako, patawad. Kung sa tingin ng iba nagpaasa ako, patawad muli. At kung sa tingin ng iba nanggamit lang ako, luluhod na ko sa inyo para manhinggi lang ng kapatawaran. Hindi ako nanggamit. Hindi ako nagpaasa. Hindi ko intenyong manakit. Hindi ako ganun.

Masarap magmahal. Oo. Pero hindi ko pa nararanasan yung mahalin ng taong mahal ko. Gusto ko maranansan yun kahit sandali lang. Kung sa tingin ng tao hindi ako marunong magmahal, tingin nila yun. Iba siguro ang pananaw nila ng pagmamahal sa alam ko. Ganun eh, ayun ang alam kong paraan kung paano magmahal. Ayun ang alam ko kung paano ipakita na mahal ko ang tao. Kung nagkamali man ako sa tingin ng iba sa paraan ng pagmamahal ko, patawad. Yun lang kasi ang alam ko. Salamat sa pagsabi na hindi ganun ang paraan ng pagmamahal na gusto ng ibang tao. Pinag-aaralan ko kahit huli na ang lahat. Hindi man akong siguradong magugustuhan nila ako muli. Panahon na lang ang makakapagsabi. Naghintay ako. Umasa. Nasaktan. Natututo. Panahon na lang talaga ang makakapagsabi kung may pag-asa pa. Kung magiging kami pa ng taong gusto ko. Pero alam mo yun, kahit ganito, hindi pa rin ako tumitigil sa paniniwala sa mga fairytales. Isang araw, naniniwala ako, magkakaroon din ako ng happily ever after ko... 

Currently listening to: So Close by John McLaughlin
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on August 13, 2008 at 05:14 AM in Everyday Drama, Randomness as a favorite post | 20 comment(s)

UST (guest)

Comment posted on August 14th, 2008 at 11:12 PM
ang drama naman nito. na utot sabay tae tuloy ako. :))

critic (guest)

Comment posted on August 14th, 2008 at 10:58 PM
ah ok..

jokefan (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 07:05 PM
Ang kyut kyut. Yun lang masasabi ko. =) Basta Jacob, "If it makes you happy, It can't be that bad."
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 10:31 PM
yep yep. tama ka dun sa if it makes me happy :-)

muhh (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 12:37 PM
a year's 8 months of drama, tapos, title mo 'sana gutom lang toh'? ... well, parang nga :)) ... if you know what i mean (you're a little selfish: you want things to happen your way. pero kebs lang, mabuti ka naman eh :D).<p>
'basa mo na ba 'yung the road less traveled? well, duh, siguro naman. pero, la lang. basahin mo kung 'di mo pa 'yun nababasa. maganda raw. m. scott peck 'yung author.<p>
if this stings, isipin mo na lang nagproproject lang ako. kasi, nagproproject lang ako :D

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 06:39 PM
hahahaha.... yes, eto ang drama entry of the year siguro. puta ka kung ano ano na naman pinagsasabi mo! amp.

not sure kung nbasa ko na yang librong yan. check ko ulit. hahaha...

and yes, isa kang malaking projector! nyeta ka!

gusto ko makita yang virgin mary hair mo in person! magpakita ka sa kin!!!!

muhh (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 12:38 PM
pony-eta, ano nangyari sa <strike>?! kala ko ba post comment as html?!

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 06:41 PM
Ganito ba sinasabi mo?

Aubrey (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 08:37 AM
Mahilig ako makipagusap sa ibang tao. Kahit di ko kilala. Yun ang totoo. ---> trux! ms. congeniality yan nga ang title mo hahaha

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 06:44 PM
hahaha... grabe, may nakikipagchat nga sa kin kagabi di ko kilala. amp! may award talaga ko sa pakikipagfriend sa mga strangers! hahaha....
Comment posted on August 13th, 2008 at 08:35 AM
oh, if youre a guy, then i mean girl.. =p

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 06:38 PM
kahit ano... haha...
Comment posted on August 13th, 2008 at 08:34 AM
by experience, you wouldnt wanna meet the guy youll love more than your life this early... or else, happiness will be limited and hurts and aches will be there already.. not unless he feel exactly as you feel..

but if not.. youll regret..

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 06:36 PM
hmmm... parang tanda mo na magsalita. amp. well experienced ka ata sa mga ganito ah... hahaha....

aieo21 (guest)

Comment posted on August 14th, 2008 at 09:23 AM
hahah!! by experience i must say!!! lets just say na mabilis lang akong matuto at matauhan!! =p

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 14th, 2008 at 01:22 PM
mukha nga...
Comment posted on August 13th, 2008 at 08:31 AM
hala, hirap talaga ng ganiyang sitwasyon. Easy ka lang sa sarili mo. Sabi wag hanapin at darating ( pero sa akin di nga applicable to, panay na ang hintay walang dumarating heheheheh) choice na rin siguro natin ang lahat ng nangyayari. At oo naman, sa dulo may darating na happily ever after... good luck

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 06:34 PM
easy lang naman ako sa sarili ko eh. and hindi rin ako naghahanap amp. oo naman choice natin lahat ng nangyayari. naging tao pa tayo kung hindi tayo pipili. and yeah... may ever ever after... hahaha... salamat sa pagdaan...

Clark Can't (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 05:42 AM
Ang kyut mo talaga! Oo, bata ka pa siguro talaga. Darating din yang happily ever after na minimithi mo, like everyone else will...Relax ka lang. Dont expect too much..San na pala yung Bodyguard mo? I thought there'd be something romantic going on na between u 2...

subtlebliss (guest)

Comment posted on August 13th, 2008 at 05:48 AM
we're friends. :) pakibasa paragraph 3. :)