Ang sarap grabe! Kaso ang labnaw nung bagoong. Pero ang sarap talaga. Nakakilig yung asim. Parang ngayon lang ulit ako nakakain ng manggang hilaw. Anyways, ayun, nakapagp resent na rin kami sa WIRTECH Mr. T! Galing galing talaga ni Deck. Pwedeng pwede talaga sa HP! Patatayuan ko ng monumento sa pagpoprogram! Ganda nung mga scores namin sa mga naunang deliverables. Thanks Deck! May sunog na naman sa isang Mall sa Baclaran at malapit na naman sa LRT1. Buti na lang sa Baclaran at hindi naantala ang D.Jose – V. Cruz na biyahe. Si Aubrey nasa school kanina. Kumuha ng application form na hindi ko alam para kanino. Si Deck naman kumuha ng transfer form para dun sa friend niyang engineering na taga-Cebu na lilipat sa DLSU na 5th year na. Amp! May kinausap ako kanina dun sa Admin pero di ko alam yung name nung girl. Hahaha… kilala pala ni Aubrey. Minsan super friendly ako kahit face lang kilala ko kinakausap ko Mr. T! Ano ba yan sabi ng ni Aubrey! Hahaha! Walang ID si Aubs, so super kuha kami ng entry permit pala. Tapos since lunchbreak nung napadpad kami sa Andrew nagLunch muna kami sa canteen dun. Wifi na rin sa wakas ang Andrew, in short, saang sulok man ng DLSU ka tumambay ngayon, nakaWifi ka na! Shushal! Tapos masama kami kanina dahil pinagtritripan namin mga blog ng kung sinu-sinong tao! Hahaha… bad bad. Tapos, may, may, may pogi kanina sa canteen! Shet! Bihira ako mapogian sa hindi kalbo. Pero ang pogi kanina nung guy sa canteen. Nakasabay sana namin siya sa elevator pababa kung hindi si Aubrey nagpumilit magstairs! Amp! Hahaha… basta natuwa ako sa kanya dahil mukha siyang artista! Baka ako lang napogi-an! Amp! Tapos yun, malaki pa rin problema sa thesis Mr. T! Parang tanggap ko ng next term sabay ang OJT sa Thesis! Amp! At hindi pa pala ko nakakapag-enrol! Shet! Ayun, pagkauwi namin ni Aubrey, si Deck nagOJT pa rin dahil may kulang pa palang siyang oras. Si Aubs and Tin tapos na sa OJT. Tapos, tapos, yung train na sinakyan namin ni Aubs, amoy sunog! Shet talaga. Namiss ko magLRT kasama si Aubs. Buong term kasi halos ako lang mag-isa palagi nagtetrain. So yun, pagkauwi, tulog. Eto naguupdate na naman. Hmmm… masaya ko pag 11th day of the month Mr. T! Actually masaya ko mga panahong toh kahit alam kong pabagsak na kami sa thesis! Wah! Ayoko na malungkot parang awa. Hmm… masarap pala magmukhang basura papasok ng school. Hahaha… ang sarap ng hindi nakaayos at loose ang damit at pants. Mas presko! Hahaha… so yan muna update ko Mr. T! Ayoko muna ng drama ngayon. Baket cycling shorts na yung suot ng mga lalake sa Olympics ngayon at hindi na bikini-cut trunks? Corny!

Currently listening to: Better In Time by Leona Lewis
Currently reading: The Actor's Guide To Adultery
Currently feeling: steady lang
Posted by jjcobwebb on August 11, 2008 at 09:07 PM in Everyday Drama, School | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.