Trinoma With Chris Pt. 3
Hello Mr. T! Eto nabinat ata ako kakalayas. Hindi na ko sumama ngayon magsimba kasama ng family dahil hindi ko na talaga kaya gumala. For sure gagala pa yung mga yun after magsimba. Anyways, eto na yung update ko sa nangyari bago ako sumunod sa birthday celebration ni Barry kagabi. And yes, for the first time on my blog, masisilayan mo na Mr. T! kung sino si Cheeseburger, aka, Chris.
Sobrang bilis ng taon Mr. T! August na. Unang kita namin ni Chris eh January pa Mr. T! Nakakatuwa dahil hanggang ngayon walang naiba sa pagkakaibigan namin though ang daming dramang nangyari sa aming dalawa. Hindi na ko umaasa. Kung ano na lang siguro mangyari Mr. T! Basta masaya ko dahil hanggang ngayon andiyan pa rin si Cheeseburger, aka Chris. Kakukuha ko lang ng yearbook and si Chris nagtext na kagigising niya lang daw. Tanghaling tapat. Gustong gusto ko manood ng sine. Lahat ng taong kilala ko busy and may mga ginagawa or may trabahong gagawin. So, buti na lang si Chris, walang gagawin at salamat naman sa Diyos at hindi siya busy. Ewan ko Mr. T!, siguro paboritong mall siguro ni Chris ang Trinoma. Sinuggest ko kasi sa Gateway na lang kami manood pero ayaw ni Chris dun dahil puros straight daw dun. So sige, pumayag akong sa Trinoma. To cut everything short, I was late! As usual! Kahit anong effort ko sa pagmamadali, wala talaga. Wala na ata akong magagawa dun Mr. T! dahil isang MALAKING early bird si Chris. Amp! Oo na, oo na! Forever late na ko! Nyeta! Hahaha! Ayun, nasa McDo si Chris, as usual, grand entrance na naman ako. Katatapos lang niya kumain sa McDo Mr. T! Ayun, umupo muna kami sa McDo. OA ng tao sa Trinoma grabe! Ang dami talagang tao. Nakakapagod na agad kung pagmamasdan yung dami ng tao. Then, pumila na kami sa ticket booth.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
7:25 ang Zohan and 6:25 yung Batman, same ng ending time. Napanood na ni Chris yung Batman, sayang lang so Zohan, at andun din ang aking idol na si Mariah. Yep, first time, ako naman nanlibre kay Chris. Lahat kasi ng lakad namin siya nanlilibre eh. So ako naman. Ayon nga sa kanya, baka mahurt Atenean pride niya! Ampness lang! Walang ganun dapat! So yun, Zohan pinili namin. Since, mahaba yung time bago magsstart yung movie, naghanap kami ng gagawin. Dapat magareRedbox kami kaso puno. Sabi ko kain na lang kami. Gusto ko ng Chicken Noodle Soup kahapon Mr. T! dahil sa sipon ko. Naisip kong may Pho Hoa sa Trinoma. Muntik na kong magtanong sa guard kung may Pho Hoa sa Trinoma. Buti hindi ako nagtanong dahil kaharap na pala namin yung Pho Hoa. Amp! So yun, nagSweet and Sour and Spicy Noodles si Chris, ako Chicken Noodle Soup. Kuwentuhan, kulitan, asaran at kung anu ano. Nagevolve na yung tahimik na Chris na kilala ko nung una kaming nagTrinoma. Nakakatuwa lang Mr. T! Sobrang komportable na kami sa isa’t isa ngayon. Masaya masaya. :-) Ayun, kodakan moments after kumain. Nakakatuwa yung lights sa Pho Hoa. Hahaha! Ayun, tapos nagawa ko rin yung matagal ko ng gawin, ako naman nagbayad ng bill. Ayun, masaya feeling kasi sa lahat ng lakad namin si Chris nanlilibre eh. Nahuhurt naman yung Lasallian pride ko kung siya lagi! Hahaha… joke lang. Wala kong Lasallian pride, ayon nga kay Chris wala akong hiya! Hahaha… ayun, gusto magdessert ni Chris, siyempre gusto ko rin. If I know talaga, hindi lang ako ang matakaw, si Chris din Mr. T! Ayun, umakyat kaming Trinoma and sa Cafe Breton kami nagdessert. Crepe. We had crepe. Sarap. Sabi ko iorder ni Chris yung crepe na umaapoy! Inorder niya nga. Sobrang aliw ako sa crepe na yun eh. 2 crepe inorder ni Chris and nilantakan namin yung 2 crepe na yun. Tapos may kutob akong closet Mariah fan si Chris. Dahil mga trivia tungkol kay Mariah alam niya! Amp! So yun, magsstart na yung movie nung naubos namin yung crepe. Libre naman ni Chris ngayon yung mga crepe! Sweet --- nung crepe! Amp! So we headed to the cinemas.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Walang kwenta si Mariah Mr. T! Hahaha… sobrang natatawa ko nung lumabas siya sa Zohan. Amp! Hahaha… ang loser talaga ng role ni Mariah dun. Yung movie naman okay lang. Pwede ng pangDVD. Pero okay na rin na sa movie house namin pinanood dahil andun si Mariah kahit ang patapon niya sa palabas. Last na nakita ko si Mariah sa big screen eh nung Glitter pa. Sobrang ihing ihi ako nung nanonood kami. Dami ko ata kasing nainom na tubig. So yun, natapos yung movie around 9. Sabay text si Barry and si Mama. Nasa Amici sina Barry and sina Mama nasa Serendra. Sobrang torn in between ako kung san ako pupunta. Since narealize ko pagabi na rin yun and for sure uuwi na rin pamilya ko from Serendra, I chose Barry. Pero sabi ni Barry sa GB3 na lang kami magkita. So yun, took the MRT with Chris. Tapos lahat ng pics namin sinend ko sa kanya via Bluetooth. Nakakatawa kasi akala namin hindi mag 100% yung mga sending pero bago umabot ng Cubao, nag100% yung sending ng mga pics! Nakakaaliw. Ayun. Masaya Mr. T! Masaya. Hindi pa rin daw ako nagbabago dahil late pa rin ako. Isa lang masasabi ko, ang daming paligoy ligoy ni Chris sa text! Yun pala paalis na si loko! Amp! Paanong hindi siya mauuna! Wahhh… kung anu mang meron kami ni Chris ngayon, masaya na ko dun Mr. T! Hindi ko man alam kung anong meron kami pero masaya na talaga ako kung ano man yon. Sana marami pang Trinoma With Chris ang maikwento ko dito Mr. T!. Nobody knows what the future holds ika nga and yes, natututo na ko Mr. T! Ayon nga kay Chris “the best way to hold a handful of sand is to open your hands, the firmer you hold them the more they slip away…”. I’m learning. I’m learning.
Last Saturday and Sunday: I slept over at Chris’ condo (Wala pong nangyari sa min to make things clear lang). This is what you get when you put 2 camwhores together:
![]() |
![]() |
P.S. Nagtext si Mama na sumunod daw ako kung asan sila. Baka sumunod ako kung asan sila ngayon! Amp!
jokefan (guest)
idontwantmyname (guest)
subtlebliss (guest)
reirei (guest)
onga eh back up ko files ko sa external hd then reformat ko na si laptop. hayyy tagal...
subtlebliss (guest)
Aubrey (guest)
haha nde nman pala camera shy tong c chris eh.;) haay ang saya saya ni jacob.:)
subtlebliss (guest)