Yung 4 previous entries na sunod sunod bago tong entry na toh eh hindi ako naupdate nun. Si Chris may kagagawan nun Mr. T! Pero, okay lang dahil onti na lang ikukuwento ko since parang pagbinasa ko yun, maalala ko mga nangyaring kagaguhan namin sa Coffee Bean. At at, nagpoprotesta ko! Madugas si Chris! Hindi pa rin tamang magtext siya kung san magkikita kung nandun na siya sa meeting place! It's just plain unfair! Hahaha! So yun... after tumambay sa Coffee Bean, naghanap kami ng makakainan. Ay nagCR muna pala si Chris sa may CR dun sa Gateway Cinema. Tumae ata! Wahahaha! Then naghanap kami ng makakainan. Nagpadpad kami sa Teriyakki Boy. Ang dami na naman naming kinain. Si Chris na naman nagbayad ng mga kinain namin. Kinukuha ko yung bill pero ayaw ibigay at ayaw paagaw at tinatago pa. So yun, tawanan, kwentuhan habang kumakain. Hintayan ng mga Coke Zero at Iced Tea. Ang paglagay ni Chris ng malaking chunk ng wasabi sa Uni sashimi! Yung kanin na hindi ko naubos. At ung gyoza ni Chris na siya rin ang umubos! Sobrang bagal ng service sa Teriyakki Boy Gateway talaga Mr. T! Hmmm... tapos, pinakamasayang part eh nung pumasok kami sa F&H. Hahaha... pinatry ko kay Chris isang brown na fitted polo shirt. Hahaha... sayang sana nung nafit niya kinunan ko ng pic! Saya! Hahaha... mukhang suman si Chris nung finit niya Mr. T! Tawa na lang kami ng tawa. Ayun, then dahil baka umulan, kailangan na namin din umuwi. May dala pang laptop si Chris kasi at wala siyang dalang payong. So yun Mr. T! Pagkauwi ko tulog. Anyways, yung pic below eh yung pagkain namin ni Chris nung naubos.

Ngayon kachat ko si Jeffrey after 1 Million years! Sige sige... update you soon! Kapal ng mukha ko may midterm exam ako sa Monday hindi pa ko nag-aaral! Hahaha... mamaya ng madaling araw! Mwah!

Currently listening to: I'll Be Lovin' You Long Time by Mariah Carey
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on July 5, 2008 at 09:47 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 2 comment(s)

Anonymous (guest)

Comment posted on July 6th, 2008 at 12:05 PM
the point is, late ka pa rin. LATE! :p
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

subtlebliss (guest)

Comment posted on July 6th, 2008 at 12:34 PM
ika nga ni james ingram "i did my best, my i guess my best wasn't good enough..."