Papalayasin Na Raw Ako
Isa pang umuwi akong amoy alak at may tama. Hahaha! Sabi ng nanay ko yan Mr. T! Hahahaha! Sana pala nakitulog na lang ako sa condo ni Tom para nawala man lang yung amoy alak ko at tama. Anyways yun Mr. T! Bored to death raw si Tom kahapon at nagimbita lumabas sa may Morato raw.
Pero pero bago yun Mr. T!, nagdinner muna kami nina Rhitz and Barry sa Promenade sa may Teriyakki Boy. Ayun, dami naming hinabol na kwento Mr. T! Mga plano namin few years from now. Na magququarter life crisis na kami 2 years from now. Planong pumuntang Taiwan. Plano pag-uwi ni Jeffrey na hindi ata namin makikita pag umuwi!!! Hoy Jeffrey! Magpaliwanag ka! Ano yung sinasabi nung dalawa na hindi raw tayo makakalabas pagkabalik mo? Tapos kung ano ano pang mga kuwento at asaran. Ang saya Mr. T! Ang daming tao sa Promenade kagabi. Tapos tapos, naisipan namin magmovie. Pero since sarado na yung mga movie house sa GH, we decide to watch in Greenbelt 3 na lang. So yun, punta kaming GB3. Grabe, forever na ata akong nasa backseat mag-isa! Jeffrey kasi eh! Wala na kong kasama sa backseat! Wahhh! Tapos yun. Kwentuhan pa rin sa loob ng kotse. Til nakapagpark na kami sa GB3. Hmmm... ayun, grabe daming tao kagabi sa GB3 Mr. T! Pati sa movie house ang dami. Gusto ni Rhitz Wanted panoorin namin pero sold out na so Made of Honor na lang kami nauwi. So yun. Feel good yung movie. Pang DVD lang. Hahaha... then tamang tamang nagtext si Tom nung malapit na matapos yung movie. So yun, after nung movie hinatid si Rhitz sa bahay niya. Then ako nagpababa sa Morato kay Barry and mineet si Tom.
Hahaha... si Tom mukhang bored na bored nga sa buhay. Kagagaling lang sa trabaho niya. Hmmm... then yun, sa McDo muna kami tumambay then naglakad lakad sa Morato. Weird, parang walang gumigimik dun kagabi. Tapos yung mga kalsada pa puros ginagawa. Hmmm... then naglakad sa Timog habang nagkukuwentuhan. Then naisipan namin mag-inuman. Hahahaha... nakalimutan ko yung bar na pinasukan namin pero yun. Tawa lang kami ng tawa sa mga kwento ng isa't isa. Wala masyadong drama pinagusapan namin. Kung ano ano lang na maisip pagkwentuhan. Then nung medyo, hilo hilo na ko at hilo hilo na rin si Tom, naisipan na namin lumayas dahil baka sikatan kami ng araw dun sa bar. Malapit lang pala yung condo ni Tom dun sa bar. Sabi ni Tom dun na lang muna ko matulog. Since baka makatulog ako sa cab kung umuwi ako sabi ko sige. So nilakad namin til condo niya. Ayun, pasuray suray kaming naglakad hanggang condo niya. Then nung nasa condo na kami niya, yyun, hindi niya dala yung susi! Hahaha.. tinetext niya yung katulong sa loob pero mukhang tulog na tulog na! So, dahil sa tagal, medyo nawala hilo ko and sabi ko uuwi na lang ako. Ayun, tumawag yung guard sa condo niya ng cab and umuwi na lang ako. Ayun, pagkagising ko kung anu ano pinagsasabi ng nanay ko! Hahaha... bahala siya! Palayasin niya ko sa bahay ako ni Ate titira! Mas masaya dun! Ay ay, bago pala ko pumuntang promenade, nasa bahay ako ni Ate, lumalamon ng Krispy Kreme. Hahaha... so yun Mr. T! Mga naganap kahapon. Hahaha... natatawa na lang ako sa mga nangyari. Shete ano bang naisipan ko baket ako uminom kagabi! Hahaha... basta yun Mr. T! Update you soon! :-)
Barry was asking me for help yesterday nga pala Mr. T! He wants to reconcile with this ex-friend of his back in HS. Hmmm... sabi ko hindi ko alam kung makakatulong ako pero I'll try. Learned your lessons just now Barry? Update you soon. :-)