Can't Fight The Moonlight
Hello Mr. T! Dami nangyari kahapon. Anyways yun, bilisan ko na lang pag-update. Ilalagay ko na lang lahat ng naaalala ko. So yun, una, sinundo kami nina ate dito sa bahay. Tapos dumiretso kami sa Megamall. Nagmass muna kami. Yey, minsan mangyari na kasama ko pamilya ko magmass ng kasabay. Lagi kasi solo solo kami magsinmba. Nagkakasama nga magsimba kaso malamang Pasko yun or New Year or napunta sa isang probinsya tapos nagmisa. Grabe, ang galing nung pari na nagmisa. Tawa ko ng tawa dun sa pari dahil sobrang aliw at buhay na buhay siya magmass. Ang sarap magmisa pag ganun yung pari. Basta yung topic nung misa tungkol sa mga tatay. Siyempre naman Father's Day kahapon. Sobrang ganda ng natutunan ko Mr. T! na kahit ano raw ang nagawa sa atin ng mga tatay natin kahit masama pa toh, wala raw tayong karapatang husgahan sila. Ang Diyos lang raw ang tanging may karapatan na manghusga sa mga tao. Nice isn't it? Naisip ko tuloy mga tito ko at nung time na galit na galit ako sa tatay ko. Tapos yun, medyo naglakad lakad kami sa Megamall after nun mass. Then nung lunch kumain kami sa Tong Yang. Nakakapagod Mr. T! Kumain! Hahaha... si Kobe pala hindi sumama nung nasa Megamall pa lang kami. Tapos yun, medyo nagkahiwalay hiwalay muna after kumain sa Tong Yang Mr. T! Ako tuloy napunta sa Fitness First nag-inquire. May FF na pala sa Megamall. Mag-eenrol na dapat ako kahapon dahil ang galing magsalit nung lalaking kumakausap sa kin kaso, bigla kong naisip, baka yung market value ko biglang magsky rocket! Hahaha... ayoko nun! May mga pumipigil talaga sa kin sa pag-gygym Mr. T! At isa yun sa mga dahilan. Ayoko ng masayadong napapansin (Ay nagfefeeling!!! hahaha). Basta yun, tapos may cosplay pa sa Mega. Sobra kong naaliw! Hahahah... anyways, after nun, nagikot ikot ulit kami ng magkakasama. Tapos may mga binili sa Toy Kingdom. Then umuwi muna Mr. T! Dahil si ate may kailangang gawin sa bahay niya.
Then, ayun, sinundo si Kobe nung pagkaalis sa bahay nina ate ulit. Then dumiretso kami sa Greenbelt 5 habang kinakain ng pandesal sa kotse --- nakakatuwa noh? Simple things make me super happy. Ayun, first time ng pamilya ko dun. Ako parang ilang beses na nakapunta dun. Hahaha! Then umikot ikot ulit. Greenbelt 3, tapos Greenbelt 4. Nung nasa loob kami ng Louis Vuitton store, tinawag ako ni Kresta. OMG! Dun siya nagtatrabaho na sa S.A. assistant! Nakwento ko na si Kresta dito sa blog ko Mr. T! Nung 2nd year college ako. Classmate ko siya sa FILIPI2 nung kasalukuyang na irregular ako. Ayun, naaliw ako talaga. Ang shushal kasi. Dun siya nagtatrabaho. Parang gusto ko rin! Hahaha! Ayun, kala ko bibili ng bag si ate and mama kaso naisip nilang mas mura kung sa ibang bansa sila bibili or magpapabili. Tapos, hmmm... ayun, tumuloy kami sa Greenbelt 3 ulit. Bumili ng ticket para sa Kung Fu Panda. Grabe! Sobrang laugh trip yung movie Mr. T! Hahaha... pero ang ingay nung nasa harapan kong foreigner. Gusto ko talaga awayin sa sobrang ingay. Tawa rin ng tawa nanay ko at kapatid ko at mga pamangkin ko. Last time ata naming nanood sa moviehouse eh nung Transformers pa ata. Ay kami lang ng mga pamangkin ko ata nun. So yun, pero bago kami pala manood ng movie, kumain muna kami sa Beach Muscle ng Corn Dogs. Hahaha! Nakakatuwa pamilya ko. Tapos iba na yung upuan dun sa Greenbelt 3 na malapit sa glass window. Hindi na siya benches, mga sofa na siya. At stylish! Hahaha! Kaaliw! Ayun then nood ng Kung Fu Panda. Then after manood ng movie, umikot ulit sa Greenbelt 5 naghanap ng kainan kaso busog pa kami. So sa mga tindahan ng mga kung anu ano kami pumasok. Ayun, then wala na ring magawa, bumalik na kami sa parking at umuwi na. Sobrang saya Mr. T! Sobrang mahal ko pamilya ko grabe. Walang tatalo. Kahit hindi kami mayaman nagmamahalan naman kami di ba? Yun ang mahalaga.
Hmmm... so ayun, nagupdate ako kasi tumawag kuya ko at pinapaupload sa kin mga pictures nung birthday ni Kathleen. So eto ako ngayon, gising kahit super antok na. Baka iwan ko nakabukas tong laptop Mr. T! May pasok pa ko bukas. Si papa tumawag din pala ngayon lang. Lahat sila gusto malaman kung ano mga nangyari ngayong araw na toh. Hahaha... basta yun. Super saya Mr. T! Kahit hindi kami kumpleto sa gimmick na toh, okay lang. Marami pa namang panahon para magbonding kami ng buo. Kailangan lang magkasabay ng uwi si papa and kuya. :-) I love my family Mr. T! So eto muna update ko. Sana laging ganito :-) Update you soon. :-) I love ya, I enjoy ya, I appreciate ya! Super antok na ko!