Baket side effects? Kasi, ang dami namin kinain ni Chris nung Saturday tapos, kahapon, dami pa rin naman kinain ng pamilya ko sa bahay ni Ate and sa Tagaytay! Anyways yun, hindi na ko nakapagupdate kahapon Mr. T! sa kadahilanang pagod na pagod na ko at antok na ko dahil 12am na kami halos nakauwi from Tagaytay. So anong ginawa namin sa Tagaytay? Tumingin si Ate ng lupa dun tapos binisita si Philip and Tita Carmen (mahabang storya baket Tita) at nagsimba. Ang laki ng bahay ni Tita Carmen Mr. T! Ang sarap maging mayaman grabe! Ang laki ng hacienda niya Mr. T! So nagpost post kami sa bahay niya at nagpakuha na kunwari kami nakatira dun! Shete, ang hirap namin. Anyways, ang dami ng pagkain kina Ate nung naghihintay kami, tapos dun kina Tita Carmen ang dami pa rin. Grabe, sasabog na yung tiyan ko talaga kahapon pero GO pa rin! Hahahahaha... sarap kumain shete. Sa bahay ni Ate may steak, macaroni, salad, ice cream at ampalaya, sa Tagaytay may spaghetti, fried chicken, sotanghon, puto at merengue. Naku nakakabundat talaga! Tapos dami pang hayop dun sa hacienda Mr. T! Hahahah...ayun, tapos nagsimba. May relic si Padre Pio dun sa simbahan that time so pumila kami nakivenerate. Then hindi pa kami nakuntento, nung nasa C5 na kami, nagdinner muna kami sa San Jacinto Panciteria. Ayun kumain tapos uwi. Wala ko masyadong alam sa pinag-usapan nung nasa van kami, tulog kasi ako! Hahahah! Ay kasama pala si Lola and Tita Beth sa Tagaytay kahapon. Ayun, grabe ang takaw namin! Kaya eto ang sakit ng tiyan ko! Sana lumabas na siya! Hahahaha.... yak!

Sa WIRTECH class:

Val   : Daddy mo ba kasama mo nung Friday sa G4?
Jacob : *naisip si Barry. Napatigil* Hindi. Friend ko yun.
Val   : Ah okay...

Wala naman nangyari sa school kanina Mr. T! May weirdo lang na tagaSan Beda na nakatitig sa kin sa LRT2. Gusto ko sana magtaas ng kilay kaso narealize ko hindi pala ko marunong, so kinunutan ko siya ng noo. Aba! Nagsmile! Kabaliw di ba? So umiwas na ko ng tingin. Buti sa Legarda bumaba. Baka hindi ako bumaba kung sa Recto siya bumaba. Ayun tapos late ako for JAPALA1. Shete, mukha kong basura kanina kaya ang sabi ni Sensei "Genki des ka?" sabi ko "Genki ja nai". Hahaha, tawa rin si Sensei. Sabi sa kin mukha nga dahil mukha akong sabog! Then yun WIRTECH. Tapos nakigulo sa thesis room kina Sherry. Tinry ung facial recognition thesis nila. Parang hindi gumagana sa mukha ko! Sabi ni Sherry sa kin lang daw ganun yun dahil weird yun mukha ko at sumasabog yung mga points sa kilay at bibig ko! Whatafriend! Sabi ko defective lang talaga kaya hindi sila pumasa! Hahaha! Dapat iinvite ko maglunch si Sherry kaso di siya pwede. Nakakamiss tuloy yung dati itetext ko lang sina Rhitz, Barry and Jeffrey tapos andun na agad sila sa South Gate at maglulunch na kami! Huhuhu... so yun, umuwi na rin after kalikutin thesis nina Sherry and ngayon kagigising lang at pinasusunod na naman ng pamilya ko sa Galleria dahil kakaini na naman kami! O di ba? The family that eats together stays together! Hahaha... anyways, naaliw ako sa last post ko! Parang lahat ng kaibigan kong tunay nagcomment for the first time sa blog ko! Si Jeffrey na lang kulang at puwede na magkaroon ng kasalan! Parang everybody's celebrating! Hahahaha... nice to know masaya friends ko for me. Ang tanong, masaya kaya si Chris? Hahahaha... update you soon Mr. T! Mwah! Gagawa na naman ako ng screens for thesis mamaya. Goodluck sa kin!

Currently listening to: For The Record by Mariah Carey
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on June 2, 2008 at 06:43 PM in Everyday Drama, School | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.