Hello Mr. T! Kagigising ko lang! O di ba update agad. Ayun, sobrang antok and pagod ako kahapon so dumaan lang ako dito sandali kahapon. Pero at least di ba nagudpate ako. :) So yun, alam mo Mr. T!, kung panaginip man ang lahat ng nangyayari lately, for the past weeks, past months, sana huwag na ko magising. Basta, tuwing naiisip ko mga nangyayari lately, napapangiti na lang ako. Parang laging tumatalon puso ko sa kaligayahan. I'm not exaggerating. Ang saya saya saya saya to the next level. :-D And yeah, dami ko ng kwento tungkol kay Chris dito sa blog ko, hindi ko lang binabanggit name niya. Pero ngayon, hindi ko na siya itatago kasi wala naman kailangang itago. At gusto ko mainggit mga tao kasi wala silang Chris. Hahaha...

Yesterday was so wonderful Mr. T! It was not the first time Chris and I went out or had a date --- I want to call it a date. As usual, late na naman ako! Sige na! Talo na ko! Lagi na lang akong late paglumalabas kami! Hahahaha --- but I'm loving the race everytime. :D So kumakain ako, at may tinanong ako kay Chris, at kung anu ano ang pinagsasabi habang kumakain ako! Okay na okay talaga yung mga sinabi niya. Napaka lunch-time friendly! Hahaha... so yun, hanggang sa nagkayayaan manood ng Sex and the City. 2pm, at 12:30nn ata nun. So super madali na ko dahil for sure, isang karera na naman ang papuntang Trinoma.

Okay, ayun, nauna na naman siya! Wahhh... kelan kaya ako mauuna Mr. T!? So yun, sa Starbucks kami nagkita. Nasa labas siya ang init init di ba? Ako naman pawis na pawis kamamadali! At ayun, usap usap muna. Nakabili na si Chris ng tickets para sa movie. Ayaw sabihin kung magkano so bahala siya hindi ko binayaran! Hahaha! 2:15pm dapat kami manonood pero nafeel niya talagang malalate ako so 5:10pm na ticket na yung binili niya. So yun, hindi na namin kailangan magkamustahan sa totoo lang. Sa araw araw na ginawa ng Diyos magkausap kami! So yun, buti may lumabas na customer dun sa loob ng Starbucks so lumipat kami sa loob. So kumain ako muna dun sa Starbucks, ng Cinnamon na mukha raw tae,  at Iced Tea. Usap usap. At ang kulit ni Chris Mr. T! Picture ng picture ng mga picture na hindi dapat makita ng mga tao! Mga panget kong pictures! Hahahha... mukha lang gago! Pero kahit ganun ang saya saya pa rin! Hahaha... so umalis na kami ng Starbucks at hindi pa pala naglulunch si Chris. Sana hindi na ko bumili ng pagkain sa Starbucks.

Naisipan namin magTimeZone Mr. T! Hahaha... itatry ata ni Chris yung powers niya sa pagsuntok! Pero sayang, walang ganung system dun sa TimeZone Trinoma. So tinry ko na lang yun may hinhampas. Basta yung parans Samurai ka, naku naman, hindi gumagana! So yun, naglakad lakad muna kami ni Chris Mr. T! Hanggan naisipan ni Chris maghanap ng bowling area. Wala sa Trinoma. Akala rin namin meron sa SM North so pumunta kami ng SM North. So yun, parang ilang beses pa lang akong nakatapak sa SM North at dun sa The Block Mr. T! Hahaha...  so medyo umikot ikot ulit kami dun. Nagkukulitan, harutan, at kung anu ano. Hahaha. Kaso wala ring bowling area sa SM North. So naghanap na lang si Chris ng kainan sa The Block.

While walking, may lalaking nasa likod namin may kausap sa phone. Ang lakas ng bibig:

Guy   : Andito ko ngayon sa Makati pinamimili ko ang bata...

Wow! Wala siyang kasamang bata at lalong wala siya sa Makati! Nasa QUEZON CITY ho kayo manong! Grabe ang laking sinungaling nakakabuwisit!!!

So yun, sobra lang akong affected dun sa mamang buwisit! Ayun, habang naglalakad lakad, sabi ko kay Chris hindi ako kakain since wala talaga akong pera. Baon ko lang ang dala ko nun! Hehehe. Pero ayun, nagpumilit pa rin kumain kahit tinatako talaga ako na ako raw magbabayad ng kakainin namin! Hahaha. Ang napili niyang kainan ay Burgoo. Ayaw kong umorder Mr. T! Nahihiya talaga ako. Parang ang pulubi ko tuloy kahapon. Pero Chris kept on insisting. So sabi ko siya na lang ang bahala. So ano ang inorder niya para sa kin? Isang napakalaking hamburger at yung para sa kanya naman, steak. At at, may Calamares and potato wedges pa! Date kun date di ba Mr. T! Ayun, nilagay ni Chris yung ibang potato wedges niya sa plato ko since malakas raw ako kumain! Shete, bundat na bundat na ko dun sa hamburger Mr. T! What more kung kinain ko yung patatas nun! Hahahaha... tapos ang kulit na naman ni Chris! Nagpipicture na naman ng mga kagagahang picture! But I love it! :-D Ayun, wala ngang arina yung Burgoo pero ang tagal naman ng service pa rin nila. Hindi na nagbago! Yung paalis na kami humingi lang ako ng tubig parang habambuhay pa bago iserve eh ihing ihi na si Chris so sa Coffee Bean na lang ako nakiinom.

Nakalimutan ko salamin ko sa Burgoo --- so binalikan ko. After nun, bumalik na kaming Trinoma para manood na ng Sex and the City. Since nakapila pa mga tao para pumasok, naglakad lakad muna kami ni Chris at kung ano anong pagkain inooffer sa kin Mr. T! Please, susuka na ko kung may papasok pa sa bituka ko kahapon! Hahahahaha... then went inside the cinema.

Hindi ako mahilig magspoil or magreview ng mga palabas pero ang masasabi ko lang sa Sex and the City --- nakakatawa sobra at ang daming cut dahil lumalabo bigla or wala man lang transition ang isang scene to the next. Ayun, kinain ko yung potato wedges na tinake-out namin sa Burgoo. Sayang naman kasi, pera ni Chris yun. Ayaw ko masayang kahit super busog pa rin ako nun. :-D

So yun, inaantok na si Chris at inaantok na rin ako kagabi. So umuwi kami dali dali after manood nung movie. 3 MRT train ata yung lumampas ng North station bago kami nakasakay. Then LRT2, binigay pa ni Chris sa kin ang spare niyang ticket since alam niyang pipila na naman ako sa ticket counter. So yun, it was a night.

Hay ang saya saya Mr. T! Sorry kung kulang ng details tong post ko ngayon. Pero sana maintindihan mo, nasa alapaap pa rin ako. Hehehehe... what matters is kasama ko si Chris kahapon --- na naman! At sana wala mabago sa mga nangyayari. I'm loving every minute of my life lately. Wala kong masabi. Babawi ako kay Chris Mr. T! pag may trabaho na ko. Nakakahiya talaga! Pero hindi naman ako nagpalibre. Okay na sa kin yung kasama ko lang siya. I'm happy, extremely happy. :) I can't ask for more kahit alam mo na ;) Thanks Chris! Like what I said, I don't need to worry about the rest cause I have the best ;-P Ang sarap hawakan ng buhok ni Chris! Bagong pakalbo kasi Mr. T! Hehehe...

Ganito ata maglambing si Chris:

  • Sinusuntok niya ko
  • Pinapatid niya ko
  • Tinutulak niya ko
  • Tinusok niya sa kin yung espadang ginamit ko sa TimeZone
  • Pinasasabog niya tiyan ko sa kabusugan
  • Nagiging madaldal na siya...

Hahahaha... saya saya ko Mr. T! Hay... and uhmm... yeah... Cheeseburger is Chris. Chris is Cheeseburger :-P Mamatay na lang ang mga readers sa inggit! Hahaha...

Sige alis muna kami ng family ko. Punta kaming Tagaytay! Update you soon!

Currently listening to: That's How You Know by Amy Adams
Currently feeling: super happy
Posted by jjcobwebb on June 1, 2008 at 11:02 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining as a favorite post | 8 comment(s)

R_Ocelot (guest)

Comment posted on June 3rd, 2008 at 05:14 AM
Pix, nice ^^
Interesting...you are not replying to your comments.
Unusual...

subtlebliss (guest)

Comment posted on June 3rd, 2008 at 12:29 PM
kasi wala akong masabi...

Jeff (guest)

Comment posted on June 2nd, 2008 at 06:24 PM
Wow! Late ka na naman... Super labo ng last pic. Natatawa ako. Nakaharap ka at nakalikod siya. Huh? Ano yun, magkikiss kayo? Hahahaa!

Nakakainggit sobra. Hindi sa inyo (feel mo ha) kung hindi sa pagkain. Grabe ang sarap ng pagkain niyo jan ha. Yum yum...

Anyways, masaya ako para sa inyo... Ingat lagi! :D

deck (guest)

Comment posted on June 2nd, 2008 at 09:11 AM
ok.. hindi ako ngayon magiging KONTRABULATE para sayo.. hahaha!

pustahan nasa cloud 9 ka parin at siguradong di ka namin makaka-usap ng matino sa sobrang saya mo. hahaha!

buti naman at sinabi mo na sa madlang pipol kung sino si cheeseburger! at ang lakas na ng loob mo ngayon! AWARD! hahaha!

masaya ka na at buti naman... pero malandi ka pa rin! hahaha!

Kristine (guest)

Comment posted on June 2nd, 2008 at 09:05 AM
:)) parang kinikiliti sa...

jay, kahit makulit kami, *AKO* lalo na.. wala pa ring ibang makapagpapasaya sakin pagdating sayo kundi yung masaya ka.. nakuha mo yon? ^_^ tandaan mo yun..

you deserve to be that happy kasi sobrang madami kang napapahappy. yuch anlandi *napapahappy* :)) o wag kang iiyak ;P

Aubrey (guest)

Comment posted on June 2nd, 2008 at 08:46 AM
LANDI!:D ayan ok yan masaya ka na landi landi hahahaha :)))

goddess (guest)

Comment posted on June 1st, 2008 at 11:49 PM
aw... ang sweet naman! i am very happy for you darling! even though i was not there, i felt every pulse of happiness, that you were experiencing, while reading the blog. hahaha! Lerky sobra maging kayo na para matigil na ang kahibangang ito. Natutuwa ako na masayang masaya si jacob. Sana naman makilala namin si Chris para magrub-off yung konti sweetness and joy niyo sa amin kasi yung isa diyan stressed sa love life para naman makaexperience lang siya paminsan. hahahaha! JOKE!

Happy Happy to you both!

Bottomline... Jacob ito na! Game na! Wag bitawan, wag pakawalan ammmhhh...
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Barry!!!! (guest)

Comment posted on June 1st, 2008 at 11:28 PM
hahaha

tama lang yang ginagawa mo noh...i mean u deserve to be happy dba?? sana lang makilala pa namin ang mysterious na CHEESEBURGER..ay may name na pla....Chris....=) you two are so cute together...jacob maybe we can meet him for lunch or dinner sometime????