Paano ka kakawala sa sarili mong anino
Kung lagi ka namang sinusundan nito?

Paano mo itutuloy and iyong buhay
Kung sa nakaraan ika'y namatay na?

Paano mo mapapadama ang init ng pagmamahal
Kung sa loob mo'y nanlamig ka na?

Paano ka makakalaya sa kadenang
Ikaw mismo ang naglagay sa iyong sarili?

Paano mo sisigahan ang apoy
Kung wala kang makita kung hindi usok?

Paano mo tuturuan ang sarili mong tumigil
Sa isang bagay na hindi mo nga kayang gawin?

Paano mo iiwasan ang iyong kinakatakutan
Kung parte siya ng iyong pagkatao?

Paano matatapos ang isang bagay
Na hindi man lang nagsimula?

Paano mo matutunang kalimutan
Ang isang bagay na hindi man lang naging sa iyo?

Posted by jjcobwebb on May 24, 2008 at 01:20 PM in Everyday Drama, Songs and Poems | 5 comment(s)
Comment posted on May 24th, 2008 at 10:33 PM
"Paano mo matutunang kalimutan
Ang isang bagay na hindi man lang naging sa iyo?"

ack. sakit neto ha!
parang kwento lang ng buhay ko.
andaming tanong. kahit isa wala akong sagot.

subtlebliss (guest)

Comment posted on May 24th, 2008 at 10:35 PM
see, my reply isn't sarcastic :D
Comment posted on May 24th, 2008 at 10:40 PM
I know, i know, Churi. Im uber sensitive these days.
I soooo feel you!!!!

subtlebliss (guest)

Comment posted on May 24th, 2008 at 10:44 PM
hehehe... *apir*
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on May 24th, 2008 at 10:45 PM
Apirzz =)