Hello Mr. T! Kagigising ko lang. Sobrang antok ako kanina pagtapos ko mag-enroll sa school. Pagtapos mag-enroll medyo nagtour sa loob ng DLSU kasama ang isang kaibigan. Then, kumain sa Jollibee. Tapos pagkauwi super tulog. Ayun lang naman nangyari buong araw. Kung sa tingin mong boring yung araw, HINDI! Sorry ka Mr. T! Sobrang saya ko kaya kahit yan lang mga nangyari ngayong araw.

Minsan, ang pinakamahirap mong kalaban eh yung nararamdaman mo. Sa totoo lang, kahit anong gawin mong pagpapanggap at pagtanggi Mr. T!, mahirap siya labanan. Mahirap pigilan kung ano man ang nararamdaman mo. Kung kaya ng utak sabihin sa yo ang dapat gawin, hindi kaya gawin yun ng nararamdaman mo eh. Parang kunwari, pinapaso ka, kaya sabihin ng utak mo na hindi ka napapaso eh, pero yung tunay na nararamdaman mo eh napapaso ka talaga. Nagets mo ba? Basta ganun. Pero kahit ganun, masaya ako. 

Pagkababa ko pala ng LRT2 kanina sa Gimore, ang lakas nung stereo ng isang store dun. Stickwitu pinapatugtog...

"You know how to appreciate me.
I must stickwitu my baby
Nobody ever makes me feel this way
I must stickwitu"

Napaisip tuloy ako. Sobrang sakto yung nararamdaman ko kanina pagkababa ko ng train Mr. T! Minsan talaga, kahit hindi sabihin ng isang tao yung nararamdaman niya, mararamdaman at mararamdaman mo yung nararamdaman niya sa mga ginagawa niya. At kung yun lang ang iisipin ko, dapat makuntento na ko sa mga nangyayari siguro. Dapat hindi na ko humiling ng mas higit pa sa mga nangyayari ngayon. The best thing that I can do right now, is to be happy and be contented na lang. Napapasmile ako pagnaiisip ko Mr. T! Iba yung feeling, para kang nasa clouds above.  Hindi natin alam Mr. T! di ba, sa ganitong paraan, baka may mabuo, may maramdaman, may makita, may mapagtanto, may kahinatnan... :)

Text ng kaibigan ko pagkababa ng train...

"May nakita ako kaninang lumabas sa Gilmore station na naka yellow na lalaki. Matanda na siya pero parang bagong tuli maglakad. Hahaha"

Wow ako yun! Pasensiya na, hindi pa fully recovered paa ko sa pagtakbo sa holdpan! Hahaha...

Ako nagtext kay friend

Jacob  : "Nobody ever made me feel this way I must stickwitu :P"

Friend : Nyay, 2log nko. Nakaidlip na ko eh. Madali nga magstick ang dalawang may arina. Hahaha

Hmmm... ano kaya ibig sabihin niya dun??? Hay... ang saya ko. Sana hindi matapos toh Mr. T! I won't expect na, I'll just hope... :)

Currently listening to: Pagdating Ng Panahon by Aiza Seguerra
Currently reading: Bittorrent progress bar
Currently feeling: sobrang saya
Posted by jjcobwebb on May 23, 2008 at 06:00 PM in Everyday Drama, School | 1 comment(s)

idontwantmyname (guest)

Comment posted on May 24th, 2008 at 12:49 AM
yikeeee!!! kilala ko kung sino yan. pag di mo binabanggit yung name for sure, siya yun! ;P
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.