Oo Nga Naman, Baket Hindi?
I am not myself for the past few weeks Mr. T! Naguguluhan ako. Ang daming gumugulo sa isipan ko na dapat hindi ko naman pinapansin. Minsan, naiisip ko, parang ang unfair ko na sarili ko eh. Baket? Baket hindi? Minsan I'm giving too much of myself. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Aubrey bago magterm break na totoo tong nararamdaman ko dahil ako raw ang pinakaselfish na taong kilala niya tapos nagbibigay ako ngayon. Siguro nga tama si Aubrey. Swapang ako. Pero sa nakikita ko ngayon, baket ako nagbibigay? Worse ng sarili ko pa at oras? Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon sa totoo lang Mr. T! I don't want to make decisions about things right now Mr. T! Naguguluhan talaga ko. Hindi ko maintindihan kung masaya ako or naiinis ako --- sa sarili ko. Ang labo eh, hindi ko na talaga alam Mr. T! Nababara pa ko ngayon pagnagsasalita. As if hindi ako nababara noon. What if manahimik muna ko? Masyado ko atang sinisiksik sarili ko sa pintuang hindi pa masyadong nakabukas. Pero ang maganda dun, at least nakabukas na siya. Mahirap kumatok kung kani-kaninong pintuan Mr. T!. Hindi mo alam kung pagbubuksan ka o kakainin ka nung tao na nasa loob o pagsasarahan ka pagkabukas. Tama na siguro yung unti unting pagbubukas lang ng pinto. Pero, siguro rin, kailangan ko ng bagong hangin para makahinga muna panandalian. If I keep breathing the same air over and over I won't grow Mr. T! But er... ang air di ba mixture ng iba't ibang air? So malabong hindi ko langhapin ang hanging nilalanghap ko ngayon. Basta, as much as I want to make decisions right now about certain things, I won't dahil naguguluhan nga ako. Hindi ako nagdadrama Mr. T! Nilalabas ko lang kung anong nararamdaman ko right now. Maybe when classes start, everything will be in its normal state again.
Anyways, kasama ko lang si Mama buong gabi sa Galleria Mr. T! kahapon. Sale na naman kasi dun. As usual nanay ko super shopping. Pero bago yun, nasa YM ako nakikipagchikahan kay Muhhh gamit ang YM call. My voice sounds freaky on phone eh? Hahaha... anyways, here's what happened in Galleria:
Pumasok sa F&H
Mama : Sige pili ka na
Jacob : *umiiling, nakikinig sa iPod*
Pumasok sa Mint
Mama : Sige pili ka na
Jacob : *umiiling, nakikinig sa iPod*
Pumasok sa Topshop/Topman
Mama : Sige pili ka na
Jacob : *umiiling, nakikinig sa iPod*
Pumasok sa 50th Avenue
Mama : Sige pili ka na
Jacob : *umiiling, nakikinig sa iPod*
Nabwisit si Mama
Mama : Bwisit ka! Baket ka pa sumama hindi ka naman pumipili ng gusto mo
Jacob : Sumama ko dahil gusto ko ng Chicken Joy!
*binalik ang earphones sa tenga*
Ayun, ang bait ni mama. Kahit gusto niyang magShabu-Shabu kami, tiniis niyang kumain sa Jollibee dahil gusto ko ng Chicken Joy! WTF! Ano ba yan Jacob!
Tapos yun, nagrent ako sa Video City ng mga DVD nung umaga. Eto mga hiniram ko. Sana matapos kong lahat. I'm playing catch-up and back-up (huh?):
- Sound of Music (kinopya ko)
- Willy Wonka and the Chocolate Factory (kinopya ko)
- Closer
- Enchanted
- I Am Legend
- Ang Lihim Ni Antonio (for a particular scene)
- Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros
- Alvin and the Chipmunks
- Flushed Away
- Ratatouille
- Labyrinth
- PS I Love You
- Atonement
- Cloverfield
- Kite Runner
- Dan In Real Life
- Water Horse
Dami kong namiss na movies! Hahahaha... nagtataka kayo baket ang dami? Close kami nung babaeng nagbabantay nung Video City kahit di ko alam pangalan niya. Hahaha... nothing beats original DVD. Tsk... update you soon Mr. T!
mikhailnovich

anong labyrinth to? pan's labyrinth?
love enchanted and closer.