Bagyo Sa Boracay
Hello Mr. T! Baket ganito na lang parati! May bagyo tuwing nagbabakasyon ako. Naalala mo bat oh? Bagyo Sa Splash Island. Oh di ba? Same month and same day! Tsk tsk tsk. Naku, ngayon lang ulit nakatakas sa mga mapang-utos kong mga kasama dito sa Boracay. Ako na nagbuhat mga bagahe at tapos kanina pa ko naghuhugas, nagsasaing, nagliligpit ng mga pinagdamitan ng pamangkin ko, nagmomop ng tinutuluyan namin at nag-aayos ng kobre-kama. Hay Mr. T! Epal ang bagyo! Panira ng buhay at kasiyahan! So yun lang naman Mr. T! Nakapagswimming ako nung tapos ko na gawin mga gawaing bahay dito! Nakapagswimming na rin sa dagat at sa pool. Kala ko kanina titila na yung ulan kasi medyo maaraw na, naku hindi pa rin pala. Nagpaatat lang yung araw. Ang dami pa naman naming plano dito sa Boracay! Nauwi lang sa wala. Station 1 na lang hindi kami nakakapagstay Mr. T! Station 2 and Station 3 checked na. Sa susunod na punta ko dito sa Station 1 naman at kasama ko na jowa ko! (as if meron at magkakaroon ka Jacob! Asa ka!) Ayun, eto nasa loob ako ng kubo sa labas nung tinutuluyan namin. Ang payapa dito sa lugar na toh. Puros kuliglig at alitaptap lang naririnig mo. Pero sushal kasi may Wifi!!! Hehehe...ayun, nanood lang ng Paano Kita Iibigin sa TV kanina habang namalengke sina ate at nagsuswimming mga pamagkin ko. Tapos nanood ng Serendipity at Across The Universe sa iPod. Ayun, hmmm... sarap dito sa lugar na pinagtataypan ko ngayon Mr. T! Nakakarelax. Ay, oo nga pala, sumunod yung kaibigan ng ate ko na si Milet dito sa Boracay kanina. Nadelay din flight nila kanina. Ayun, dahil sobrang badtrip na kami, uuwi na kami bukas at hindi na kami magpapatagal dito. At nagtext pa yung magaling kong kapatid na naiwan sa bahay dahil may duty siya na magkakaroon daw ng malakas na earthquake at baka magkaroon ng tsunami! Aba nanakot pa si loko! Porket hindi nakasama! Gusto ko na rin umuwi sa totoo lang. At matulog at matulog at matulog. Medyo naguguluhan na si ate kung baket sa gabi raw ako gising. Sa totoo lang hindi ko rin alam baket... hmmm... anyways... hindi pa rin ako over sa nangyari nung last Saturday night and early Sunday morning. I’m looking forward to more dates like that. Hehehe... ayun... hmmm... nilalamig na ko dito sa kubo na to at pinapapak na ko ng lamok. So yun lang naman Mr. T! Next update ko baka nasa Manila na ko. Maganda lang dito dahil tahimik at onti ang tao. This is solitude at its best...
A scene from Paano Kita Iibigin
Regine: Ibig bang sabihin nyan mahal mo rin ako?
Piolo: I'm getting there.
Regine: Makakarating ka naman diba?
Piolo: Malapit na...
Nakakakilig di ba Mr. T!? Naku... ngiting ngiti ako kanina habang nanonood ng TV dito sa Boracay. Nakakakilig at nakakatuwa isipin. Hay, minsan ang buhay parang pelikula rin. Yun nga lang, walang script, bawal ang retake, walang director at producer at ikaw na bahala kung magiging kontra bida or bida ka. Ikaw ang gagawa ng sarili mong kuwento. :D Gusto ko ako yung bida at happy ending yung magiging buhay ko Mr. T! Siyempre kilala mo na kung sino yung kalove team ko! Hahaha... anyways, yun lang naman Mr. T! Update you soon. Ayt ayt?
XOXO
Rey Piñoco (guest)
subtlebliss (guest)