Kasi, unti ang tao. Malamig na ang simbahan at nakakahiya sa Diyos kung umaga ko magsisimba tapos makakagawa ako ng kasalanan sa buong araw. Hahaha... anyways ang tagal gumamit ng internet ng kapatid ko kaya eto ngayon lang ako nakapagupdate. Wala naman masyadong nangyari ngayong araw Mr. T! Super kinig lang ako sa radyo buong umaga. Tapos, nagpapasta ng ngipin. Tapos pagkauwi, natulog. Tapos namili ng marshmallows sa may Pure Gold. Tapos pagkauwi ko, yung kapatid ko bumili rin ng marshmallows! Eh di parang may marshmallows party kanina dito. Tapos nag-isaw muna ko sa may kanto. Hahaha... tapos nagsimba. Weird nung ostiya kanina, ang init niya sa bibig! Ewan ko ba baket ganun. Hindi ako mahilig magCommunion Mr. T! Parang last na Communion ko eh nung Simbang Gabi pa! Basta mainit yung host kanina. Yay! Tapos kinanta favorite Mass song ko kanina yung Lord I Offer My Life To you!! Yes saya kumanta kanina! Tapos may bago kong nalaman na kanta na matagal ko na rin naririnig, "Hesus" yung title. Yung may lyrics na "siya noon bukas ngayon". Ganda ganda ng mga songs kanina Mr. T! Shine Jesus Shine pa kanina yung ending song. O di ba ang active nung song? Hahaha! Namiss ko tuloy maging member ng choir.  Anyways, yun lang naman mga kaganapan Mr. T! Baket ganun, lagi akong inaantok! And minsan, ayaw ko nang pinagmumukhang tanga. Kanina habang naglalakad habang kinakain yung marshmallows ko, iniisip ko na simple lang ang nagbibigay sa kin ng kaligayahan aside sa mga taong nakapaligid sa kin:

  • Marshmallows
  • Butterfinger

Hehehe, ewan ko parang sumasaya ko pag yang 2 yan ang kinakain ko Mr. T! Naalala ko tuloy dati sa Duty Free naubos ko isang bag ng Butterfinger!!! Tsk tsk, kaya nasisira ngipin ko eh! Hahaha! Sige yan muna update ko Mr. T!

Currently listening to: With You by Levi Kreis
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: I don't know
Posted by jjcobwebb on April 27, 2008 at 11:12 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 2 comment(s)

Aubrey (guest)

Comment posted on April 28th, 2008 at 01:32 PM
yan ba ung, "Siya ay c Hesus, sa habang panahon.."

nice nga ung song na yan.:) at iba ang feeling talaga pag nakakasimba ka. ung seryosong simba ha :D

subtlebliss (guest)

Comment posted on April 29th, 2008 at 12:27 AM
oo yun ung kanta! grabe! naaliw ako. alam ko pala siya pero di ko alam yung title. super kanta naman ako sa simbahan nun.
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.