Sa Last Mass Ako Lagi Nagsisimba...
Kasi, unti ang tao. Malamig na ang simbahan at nakakahiya sa Diyos kung umaga ko magsisimba tapos makakagawa ako ng kasalanan sa buong araw. Hahaha... anyways ang tagal gumamit ng internet ng kapatid ko kaya eto ngayon lang ako nakapagupdate. Wala naman masyadong nangyari ngayong araw Mr. T! Super kinig lang ako sa radyo buong umaga. Tapos, nagpapasta ng ngipin. Tapos pagkauwi, natulog. Tapos namili ng marshmallows sa may Pure Gold. Tapos pagkauwi ko, yung kapatid ko bumili rin ng marshmallows! Eh di parang may marshmallows party kanina dito. Tapos nag-isaw muna ko sa may kanto. Hahaha... tapos nagsimba. Weird nung ostiya kanina, ang init niya sa bibig! Ewan ko ba baket ganun. Hindi ako mahilig magCommunion Mr. T! Parang last na Communion ko eh nung Simbang Gabi pa! Basta mainit yung host kanina. Yay! Tapos kinanta favorite Mass song ko kanina yung Lord I Offer My Life To you!! Yes saya kumanta kanina! Tapos may bago kong nalaman na kanta na matagal ko na rin naririnig, "Hesus" yung title. Yung may lyrics na "siya noon bukas ngayon". Ganda ganda ng mga songs kanina Mr. T! Shine Jesus Shine pa kanina yung ending song. O di ba ang active nung song? Hahaha! Namiss ko tuloy maging member ng choir. Anyways, yun lang naman mga kaganapan Mr. T! Baket ganun, lagi akong inaantok! And minsan, ayaw ko nang pinagmumukhang tanga. Kanina habang naglalakad habang kinakain yung marshmallows ko, iniisip ko na simple lang ang nagbibigay sa kin ng kaligayahan aside sa mga taong nakapaligid sa kin:
- Marshmallows
- Butterfinger
Hehehe, ewan ko parang sumasaya ko pag yang 2 yan ang kinakain ko Mr. T! Naalala ko tuloy dati sa Duty Free naubos ko isang bag ng Butterfinger!!! Tsk tsk, kaya nasisira ngipin ko eh! Hahaha! Sige yan muna update ko Mr. T!