Repost: Silence Is Music To My Ears Pt. 2
This was a private entry Mr. T! I think I need to repost it para mapatunayan lang na may entry ako for that day. Ayaw kasi maniwala. Pinalitan ko ang pangalan ng taong involved dito Mr. T! Anyways, bago ko umalis, eto na:
April 1, 2008
Silence Is Music To My Ears Pt. 2
Posted at 12:37 AM in Everyday Drama, Private Entries by subtlebliss
Hay Mr. T! Eto isa to sa mga araw na pinakahihintay ko. Yes, yes, yes!!! Nagkita kami, for the second time ni Cheeseburger. After almost 3 months. Grabe sobrang saya ko talaga now. Hindi ko masyadong maeexpress into words kung gaano kasaya pero sobrang saya ko talaga. Anyhows, ayun. Kala ko talaga hindi na naman matutuloy dahil sa sobrang daming attempts ko na pilitin si Cheeseburger na makipagkita sa kin, karaniwan and 100% sure hindi natutuloy. Tulad na lang nung last time na hindi man lang niya sagutin yung phone niya na dapat magkikita kami sa Katipunan. Yung second time naman eh yung dapat magpopost Valentines date kami. Every plan was a mess Mr. T! Siguro nga marami siyang ginagawa nun or hindi talaga siya interesado. Kala ko talaga jinoke niya lang ako nung sinabi niyang Monday 7:30pm sa may A Different Bookstore. Naexcite naman daw ako dun! As in super excited! Feeling ko talaga napilitan lang siya nun dahil sobrang kulit ko na! Basta, ang mahalaga ngayon, nagkita kami kanina sa Eastwood. I chose to mark this entry as private dahil baka sobrang magfeeling na si Cheeseburger. Isipin niya na patay na patay ako sa kanya --- er well, partly true. Anyways, ayun, left the house around 6:30pm. 7:30 and meeting time naming and sa A Different Bookstore kami magkikita. Anyways, dapat magcacab ako pero nakita ko wallet ko medyo wala na siyang laman so I had to take LRT2 then bumaba ako sa Cubao then took the jeepney going to Libis. Grabe Mr. T! Sobrang init at siksikan ng jeep na nasakyan ko! Shux, sayang ang pabango and effort ko sa sarili ko kanina para kay Cheeseburger. Nalanta lang ako sa loob ng jeep. Anyways, ayun, punyeta! Text ako ng text nung una tapos hindi nagrereply. Natakot ako baka magmukha na naman akong tanga dun. Tapos yun, buti na lang nagreply at nauna na naman pala si mokong at nakabili na ng ticket! Nakahinga naman ako ng malalim. Naku talaga Mr. T! Kelan ko ba mauunahan si kalbo? Unfair kasi eh!! Basta yun, Horton Hears A Who pala ang napagusapan naming panoorin. Anyways, akala niya siguro hindi ko alam yung bookstore na sinasabi niya. Sorry siya medyo gala lang talaga ako. Hahahaha! (Wow sayang saya si puta!). Ayun, grabe, nagshave pa ko ng bigote at nagcut ng nails para sa date na toh Mr. T! I really want to look my best para kay Cheeseburger. Hihihi.
Anyways, ayun, nakarating din sa Eastwood ng buhay! Pawis na pawis na ko grabe at may dala pa talaga kong jacket. Wala lang para sa kung sakaling lamigin ako sa sinehan nun and in case of emergency. Hahaha! Anyways, ayun, nakatalikod si pogi nung pumasok ako nung bookstore then umupo muna ako sa sofa nung bookstore. Grabe, may powers ata si Cheeseburger Mr. T! Lumingon at nakita ako! Oh di b a! HINDI AKO LATE!!! Ang usapan 7:30pm ang meeting! I was there before. Naunahan niya lang talaga ako! So yun, then umikot muna kami sa Eastwood Mr. T! Grabe, hindi ko mapaliwanag naramdaman ko Mr. T! Parang gusto ko matunaw sa sobrang kaligayahan. Tapos hindi niya pala alam na may hikaw na ko parang nagulat pa siya. Anyways, ayun, tapos medyo umakyat na kami sa cinema tapos medyo kumain muna. Nakakahiya, parang ang takaw takaw ko kanina Mr. T! Naghotdog on sandwich na ko tapos sa NYFD pa ko! Parang patay gutom lang dib a! Tapos ako na bumili ng Popcorn naming dalawa. Oh di ba ang sweet? And then habang andun usap usap. Wala kong masabing matino or makwento. Masyado kong natuwa dahil nagkita ulit kami. Tapos yun, wehad to go inside the cinema na dahil magsisimula na ang movie. At first akala ko unti yung tao. *Thinks: I can hold his hands pag di pa rin dumami ang tao pagstart ng movie* Sadly dumami! Tsk. Kelan ko kaya mahahawakan kamay niya? Ayun, the movie was sooo uber nice. Hindi ko maexplain kung gaano kaganda yun movie at kung ano ako kasaya dahil dun sa katabi ko.
Hay... sa tingin mo Mr. T!, nababaliw na ko? Anyways, may 30 minutes plus pa si Cheeseburger bago pumunta sa work niya so umikot ikot muna kami sa Eastwood ulit. Nagtataka siya baket raw ang tahimik ko unlike nung una kaming nagkita. Ewan ko ba, para kong na starstruck. Hahaha. Sobrang kaligayahan ata. Ayun, tapos bumili muna ko ng water na 1L. Nakakahiya na talaga baka isipin ni Cheeseburger yung tiyan ko hindi napupuno! Hahaha, ayun, tapos nalaman ko na nagyoyosi pala siya before and then inistop niya! Hay, he’s so lovely Mr. T! Gusto ko siya isquish kanina. Anyways, umupo at pinatay naming ang oras sa may McDonald’s. Umupo kami sa may labas ang medyo nagkwentuhan. Ewan ko ba, mas gusto ko tumunganga sa harapan niya kanina kesa magkwento. Sa tingin mo Mr.T! Baliw na ko? Basta yun, kung ano ano lang pinagusapan. Medyo wala ngang pumasok sa utak ko kasi ewan ko ba. Hahaha... Gusto ko ishave kanina bigote ni Cheeseburger Mr. T! Ang haba eh. Pero either way, ang cute niya! (Hahaha, ang landi ko shet!). Absent na naman daw yung supervisor niya. So baka marami na naman daw siyang gagawin. Buntis raw ata kasi. Anyways, kailangan niya na magtrabaho, siyempre para sa future namin! Hahaha! Nananigip ng gising! (Hoy Jacob gising!). So, hinintay niya ko makakuha ng taxi bago siya umalis. (Sweet ha!) Then grabe sobrang bilis dahil 10 minutes lang nasa bahay na agad ako.
It was a splendid night Mr. T! Kung pwede lang kumanta ng A Whole New World kanina eh. Hay, ewan ko ba Mr. T! Kahit ineepal na niya ko minsan at ginagago, hindi ko magawang i un-like siya. Yung ginagawa niya makes me like him more and m ore eh. Ang emo ko ba? Basta it was awwww... kung puwede lang talaga maging kami eh. Pero I don’t know, maghintay hintay na lang muna talaga ako til I don’t know when. Mahirap ata makagetover sa taong minahal mo ha. I really like him. Anyways, sana di natapos yung gabi kanina. Sana panaginip na lang yun at hindi na ko nagising... *puts hands on cheeks*. I’ll wait Cheeseburger. I’ll wait.
Currently listening to: Underneath the Stars by Mariah Carey
Currently feeling: high
Ayan. Okay? :D
subtlebliss (guest)
ryanini

hahahahaha..
ryan... : o )
mikhailnovich

sino ba si cheeseburger?
isa ba siyang heredero ng villa santibañez?
isa ba siyang artistang nagtatago sa pangalang piolo?
o isa ba siyang...pagkain na nabibili sa mcdo?
abangan.
aldrich

cheeseburger (guest)
cheeseburger (guest)
cheeseburger: ba't may butas sa kili-kili yang t-shirt mo?
subtlebliss: onga, napansin ko nasa jeep na ako.
hehe. :p