Tagaytay With Ryanini
Kahit inaantok na ko Mr. T! Iuupdate muna kita. Uhmm... kagagaling lang namin ni Ryanini sa Tagaytay. Pakilala ko muna si Ryan, nagkakilala kami dito sa Tabulas, kakagraduate niya lang sa Ateneo at sa P&G siya ngayong nawowork. O di ba ang close namin? First time pa lang kami nagkita Tagaytay na! Well actually parang sobrang close nga namin kanina dahil sobrang connect mga pinaguusapan namin sa kotse kanina. Mga events, mga tao and mga ka-love-an. Anyways, nagstart umaga, siyempre nagising ako, tapos nagkape, tapos natulog ulit. Tapos nagising, nagonline at naglunch at nagonline ulit. Online si Ryan, ayun, nagwaYM kami and nabring up na magkita at lumayas kami. Hindi ko sineryoso ang suggestion niyang magTagaytay pero dahil sa sobrang bored na rin ako dito sa bahay, napaoo na rin ako. So anyways fastforward, sinundo niya ko sa Galleria around 4pm and from there ang traffic hanggang SLEX! Hahaha... sobrang nasa EDSA pa lang kami ang dami na naming napagusapan. Grabe, marami akong kilalang tao na kilala niya rin and mga taong akala niya na oo pala. Basta ganun. Anyways, traffic talaga Mr. T! Pero sulit naman kasi sa kuwentuhan kahit traffic. Mga funny stories, parallel stories, kabitteran stories. Actually, parang si Barry nga kasama ko kanina eh. Sobrang ganun kami magkwentuhan ni Barry pagkaming 2 lang ang lumalabas. Anyways, sabi ko kay Ryan na baka sa P&G na niya mahanap or makita ang love of his life. Pero sabi niya sinabi niya rin nung HS na baka sa college niya makita yun pero walang dumating. Grabe Mr. T! Hindi ko alam pero gusto ko man tumulong eh hindi ko nga rin matulungan sarili kong problema sa lovelife. So nagdamayan na lang kami. Nakarating naman kami sa Tagaytay ng buhay Mr. T! Akala namin hindi na. Ayun, kumain kami sa may Buon Giorno. Dessert lang kinain namin since kumain na kami sa mga sarili naming bahay. Anyways, ayun, had cheesecake and siya chocolate cake. Una hindi malamig sa Tagaytay pero nung nag-gabi na lumamig na Mr. T! After eating, tuloy ang kwentuhan, ayon nga kay Ryan: "It's a small world". Talaga! Dahil mga kilala ko sa Ateneo kilala niya rin. Mga nafeel niya kay Mike nafeel ko
rin kay Von. Sobrang connect talaga kaya parang matagal na kaming magkakilala. Anyways, ayun, si Tin tumawag na nasa Araneta sila ni Ivan, nagiinvite dahil birthday pala ni Ivan ngayon. Happy birthday Ivan! Pero sayang, wala ako sa Manila. So grineet ko na lang siya. Tapos nun, naisipan na rin namin ni Ryan umalis. Then yun, gusto ko sana dalhan ng Buko Pie yung taong tumaktabo sa isipan ko eh. Pero ewan ko ba hindi ko na lang tinuloy yung pagbili. Anyways, uhmmm.... ayun, kwentuhan til makarating ulit ako sa Galleria. Grabe, lahat ng sinabi ni Ryan nakarelate ako. And ayon sa kanya "Wag patatalo!!!". Hahaha... anyways, sorry kung sobrang gulo ng entry na toh pero nawala ata ko sa sarili ko sa mga nabasa ko sa homepage ko. Hay, so yun Mr. T! Natuwa ako sa isang analogy ni Ryan na ipapakita nila sa yo ang pinto, bubuksan, pero kapag pumasok ka na, tatanungin ka baket ka pumasok. Sana sinabi na lang na wag kang pumasok di ba? It was a joyride Mr. T! Masaya masaya. Niyaya pa ko ni Ryan dalhan ng Big Mac si Cheeseburger ulit. Grabe Ryan, you made me think about him the whole time! Yun lang naman mga nangyari ngayon. At naisip ko gusto ko pa rin ng Cheeseburger kesa sa Cheesecake na kinain ko kanina. Hahaha... thank you Ryan.
P.S. Nakakatawa na naisipan ko na naman iclose ka Mr. T! dahil parang mga taong hindi ko talaga kilala personally eh alam na ang buong buhay ko. Nakakatawa updated si Ryan dahil sa blog ko. Dapat isasara kita ulit pero naisip ko, you've been with me for 4 years, at kung gagawin ko yun, parang tatanggalan ko sarili ko ng outlet para magpahayag ng nararamdaman ko at mga memories ng mga taong dumaan at mga taong importante sa buhay ko. I write for myself and not for others yun lang lilinawin ko. It's fun to read past entries Mr. T! It really is... :) At salamat na lang kung may magcomment sa mga entries ko. Anyways, update you soon. :)