Sweet Inspiration
Okay, pambungad, hindi ako magbabanggit ng pangalan sa entry na toh dahil baka ulanin ako ng batikos at intriga kung ilalagay ko ang pangalan ng taong kasama ko kanina. So, itago na lang natin siya sa pangalang Chris
So napag-usapan namin ni Chris kagabi na magkita at magbreakfast sa may Katipunan. Siya pumili ng lugar at oras since late naman ako sa mga nakaraan naming pagkikita. So yun, 9:00am, sa may Chowking Katipunan. Akala ko sa pagkakataong ito, mauunahan ko na sa wakas si Chris dahil may pasok siya ng madaling araw at ang uwian niya ay 8:00am pa. So wala kong pake na magmabagal kanina. Pero shete, nagtext 30 minutes before 9:00am at nandun na raw siya sa Chowking. Nakakainis dahil talo na naman ako! Anyways, dapat magsasapatos ako pero dahil magmumukha na naman akong late, nagtsinelas na lang ako. Ang layo pala nung Chowking sa may Katipunan! Nakakabaliw! Akala ko parang kalevel lang ng McDo kalayo pero lampas lampas Ateneo pa pala yun and sa may Petron pa! Sinisinggil pa ko ng tricycle driver ng 30php pero sabi ko baket ang mahal, binabaan ginagawang 20php! Grabe ha kurakot! So yun, nakarating ako sa Chowking bago mag 9:00am, pero according kay Chris, late ako! Wow ha! Nauna lang siya late na ko! So panalo na naman daw siya! So okay, fine!
Mainit ang araw kanina. Parang nagmumura. 9:00am pa lang talaga pero sobrang init. Since malayo ang kakainan namin, kailangan namin maglakad from Chowking papunta dun sa kakainan namin. Grabe, si Chris gusto na niyang tumawid agad kahit walang Ped Xing o over pass man lang. So ako, ayaw ko talaga tumawid sa hindi tamang lugar. Lapitin ako ng mga sasakyan Mr. T! at marami na kng beses muntik masagasaan. So anyways, nilakad namin ang Petron hanggang sa may MMDA over pass. Ang sweet di ba kahit ang init init pucha! Pagtapos namin tumawid, sumakay kaming tricycle and siya nagsabi sa tricycle driver na dun daw kami ibaba sa may Sweet Inspiration (o di ba parang motel lang ang pangalan!).
So yun, it was a cafe-resto Mr. T! at hindi siya motel. The place was nice, onti lang tao and umalis din sila after a while and naiwan kami ni Chris sa loob. Romantic isn't it? Senti music, malamig and kaming 2 lang ang customer. Hahaha... so we ordered. 2 American Breakfast and tubig lang inorder namin. So yun, usap-usap, tawa tawa, gaguhan, kiligan, titigan. Hay... nakakatuwa Mr. T! Hahaha... as much as I want say kung kelan kami nagkita, magkakaroon lang ng clue mga magbabasa nito kung sino siya! Basta ganun. Then, after kumain, it was my treat naman. Yung mga nakaraang labas kasi namin siya nanlilibre eh so sabi ko ako naman ngayon ang taya. So yun, just when I thought the day was over, naalala ko na ang bahay niya pala was just around the corner.
Eto ang pinaka-epal na part ng story. He wanted me to leave na para hindi ko malaman kung san siya nakatira. Pero, sorry talaga siya dahil vacation na kami and kahit anong oras pwede ako magstay. So sabi niya, sasakay kaming magkahiwalay na tricycle ang maghahabulan! Sweet ba to or gaguhan? Hahaha. So he walked, sumusunod ako. Lakad ---- Lakad ---- Lakad ---- until makarating siya sa isang bangko. Nagwithdraw siya pero offline daw. So --- lakad ---- lakad ---- lakad. At nakakabuwisit nagpahabol pa! Sobrang pakiramdam ko kanina Mr. T! mukha kong tanga kanina kasusunod sa kanya and siya talaga walang pakialam na sumusunod ako! Hindi man lang ako sinabayang maglakad. Pero okay lang talaga wala kong paki. So nakahanap na siya ng bangko and nakapagwithdraw na rin. So, lakad --- lakad --- lakad and hindi rin ata kinaya maglakad pa dahil pumasok na rin kami building ng bahay niya. Sumakay ng elevator and bumaba sa floor ng bahay niya. Ayaw niya talaga ako papasukin dahil madumi raw. So umupo kami sa may upuan dun sa harap ng elevator. Sabi ko mga 11am na ko aalis. Hindi ko raw malalaman kung san siya dun sa floor na yun. So ayun,
THEN THERE WAS SILENCE
Parang hindi kami magkakilala nung nakaupo kami dun sa hallway. Feeling ko rin kanina mukha na kong tanga habang nakaupo dun. Hay... pero bahala na rin sabi ko sarili ko. Gusto ko rin naman yung ginagawa kong katangahan kanina. Mukha kong desperate sa totoo lang kanina pero hindi ko talaga iniinda. Pero madaya dahil I should have been there before nung inistood up niya ko. Nung tawag ako ng tawag sa kanya nun pero hindi niya sinasagot! Pero wala na sa kin yun. Dahil kahit andun lang kami, andun naman yung presence niya. Masaya na ko. Hihihi. Kahit natutuliling na tenga ko sa katahimikan! Siguro iniisip niya kung papasukin niya ko sa bahay niya, baka gahasain ko siya! Hello! Kumusta naman di ba Mr. T! Sabi ko naiihi ako kanina, pero sabi niya may CR daw sa first floor! Wrong excuse! Hahaha! Anyways, dumating ang 11:00am and still nagmamatigas siya na hindi siya papasok until andun ako. Since kailangan ko naman talagang umalis ng 11:00am, sabi ko aalis na ko. Grabe 30 minutes kaming nakatunganga sa hallway! Nakaidlip pa tuloy ako! Nalungkot ako somehow pero okay lang. Sabi ko kahit man lang ihatid ako sa labas pero ayaw ni Chris! Hinahatid niya na raw ako kanina pero ayaw ko pa sumakay ng tricycle! So fine! Sabi ko sa elevator na lang! So yun, sumakay akong elevator pababa and sa ground floor dahil hindi ako makali dahil kung hindi ko malalaman kung san siya, natalo na ko 2 beses and kung hindi ko malalaman kung san siya dun sa floor na yun baka maiyak na ko pauwi. So...
Jacob : Sir, san ho dito si
Front Desk : ?
Jacob : Oho
Front Desk : Ah, Room *** po
Jacob : Oh... salamat.
Hahahaha... I also won! At kala ko uuwi ako ng luhaan. Dahil nauna na naman daw si Chris, siya raw magdedecide kung when and where kami ulit magkikita! Sabi niya na sa April 11, 2009 na raw kami ulit magkita sa Powerplant! Wah... huhuhu! Ang tagal naman nun di ba?!? And so yun, sobrang init pa rin sa Katipunan nung pauwi ako puta. Pero okay lang talaga hahaha... shete baket bigla akong sumaya nung pauwi! Hahaha... can't wait to see Chris again! :D
OMG! Tapos nung nasa train ako may nakatabi akong Muslim parang nagdadasal at may binabasang Arabic. Ewan ko para kong paranoid. Isip ako ng isip na baka suicide bomber siya at nagdadasal na siya para bigyan siya ng kapatawaran ng Allah. Gusto ko na nga bumaba dun sa trainset na yun eh kahit wala pa ko sa station ko! Pero buti na lang talaga walang masamang nangyari. Hahaha... paranoid ko shet!
And now kagigising ko lang and si Barry nag-iinvite na lumabas mamayang gabi. Naku, wala ko sa mood pero depende sa pupuntahan at kung may kotse! Hahaha... update you soon Mr. T! What a morning! Hay... naku talaga, hurt me now or hurt me never... :P
rey pinyoko (guest)
"Sinisinggil pa ko ng tricycle driver ng 30php" - sinisingil?
"Lapitin ako ng mga sasakyan Mr. T!" - pati ba naman sasakyan? lapitin ka na nga ng mga lalaki. wala ka ng pinatawad.
"Hindi man lang ako sinabayang maglakad." - baka naman ang bagal mo maglakad kahit ang init init.
"dumating ang 11:00am and still nagmamatigas siya" - ayan naman pala, may hard-on siya.
Kung si Brad Pitt siya, ikaw si Angelina Jolie?