Reverie
I need to tell this story that happened just now.
Jacob kagigising lang around 10:00pm. Papuntang Ministop para bumili ng kung anu ano. Naglakad sa kalsada si Jacob and nakita niya ang kapitbahay na matagal na niyang pinagpapantasyahan. Hindi niya kilala ang kapitbahay na yun dahil bago-bago lang sa lugar ang kapitbahay. Matangkad, moreno, nakasalamin, semi-kalbo and hunk hunkan ang kapitbahay niya ito. So ito ang kwento:
Jacob: *uy shux si pogi san kaya pupunta gabi na*
Tumingin si Jacob kay pogi
Pogi nagsmile
Jacob: *OMG! ano toh! joke? Baket siya nagsmile? Ano gagawin ko?*
Jacob nagsmile back
Pogi : Uy, hi! Taga dito ka rin di ba?
Jacob : Ah, eh, oo. Diyan sa may kalsadang harap ng building niyo
Pogi : Gabi na ah san ka pa pupunta?
Jacob : Ah, diyan sa may Ministop. Bibili lang ng kung anu ano.
Pogi : Ano name mo?
Jacob : *shux, pseudo name ba bibigay ko? malalaman niya rin naman dahil kapitbahay*
Jacob : Jacob name ko
Pogi : Mine is Charles
Jacob : Hello Charles. *:D*
Pogi : Hello Jacob
Jacob : Ikaw late na rin. Baket ka pa nasa labas?
Charles : Ah, papasok pa lang ako sa work
Jacob : Call center ka? San ka work?
Charles : Hindi. IT Specialist ako sa may Eastwood.
Jacob : Wow! Ang taray naman! Kaya pala bihira kita makita *naglandi na*
Charles : Nye. Hindi naman. Oo, lagi kasi akong tulog pag may araw. Ilang taon ka na?
Jacob : 22. Ikaw?
Charles : 26
Jacob : Uy sige may bibilhin talaga ko and gabi na
Charles : Gusto mo sabay na kita
Jacob : Sabay?
Charles : Yep, sa car. Pinagasolinahan ko lang sa driver namin yung car
Jacob : Sus! Wag na! May paa ako and malapit lang naman Ministop!
Charles : Okay lang dali na. May bibilhin din ako sa Ministop.
Jacob : Uhmm... sige sige salamat. If you insist sige
Charles : Ikaw san ka work?
Jacob : Ay! Estudyante pa po ako
Charles : Swerte naman. San?
Jacob : Diyan diyan lang
Charles : San nga?
Jacob : Lasalle lang
Charles : Lang? Ateneo lang din ako
Jacob : Ha? Ateneo? *na naman!!!*
Charles : Wala kong paki sa rivalry hahaha wag ka mag-alala
Jacob : Ako rin naman *buti hindi nag-eenglish*
Sabay dating ng kotse! Sosyal! Prado!
Jacob : Wow! Shushal! Sa yo yan?
Charles : Yep. Binigay lang hehehe
Jacob : Sino nagbigay pakilala mo naman ako. Haha
Charles : Parents ko
Jacob : Hahaha
Pasok sa kotse. May TV at DVD ang kotse!
Charles : Ikaw marunong ka magdrive?
Jacob : Yep. Pero ewan ko kung alam ko pa. Tagal na rin ako di nagdrive
Charles : Gusto mo irefresher course kita
Jacob : Hahaha. Joke ba yan?
Charles : Nope. Seryoso yun
Jacob : Wag na okay lang ako. Hehehe
Charles : O, Ministop na
Bumaba ang dalawa
Charles : Ano ba bibilhin mo?
Jacob: : Chichirya
Charles : Sige libre na kita
Jacob : Ha? Wag na! May pera ako ano ba!
Charles : Ako na! Magagalit ako!
*Kinilig si Jacob*
Jacob : Sige na nga! Hmph!
Pagtapos bumili
Jacob : Sige una na ko
Charles : Nye. Sabay ka na pabalik.
Jacob : May pasok ka pa ah
Charles : Oo nga, ano ba, paEastwood ang pabalik
Jacob : Oo nga naman
Bumaba na sa kalsada
Jacob : Uy, thanks ha
Charles : No problem. Tulog ka na late na
Jacob : Hindi puwede. Marami pa kong gagawin and tatapusin
Charles : Hahaha. Puwede ka magtrabaho sa min. Di ka pala natutulog
Jacob : Ah eh, hahaha
Charles : Exchange numbers?
Jacob : Ha? Er...
Charles : Hahaha. Parang ayaw mo. Sige baka next time tayo magkasalubong ready mo ng ibigay
Jacob : Ah eh, ehehehe
Charles : Sige sige, nice talking with you Jacob
Jacob : Salamat din sa chichirya and sa shushal mong kotse.
Humarurot ang kotse --- hindi pala siya kotse, SUV.
Weird ng mga nangyari... :D