Oo! Ako toh! Baket nagulat ka? Hindi na ko yung Jacob na kilala niyo nung highschool! Yung panget, yung api, yung laging mukhang haggard! Madaming pimples! Ibahin niyo na ko ngayon! Gwapo na ko ngayon! Feeling lang!

Hahaha, nagbobrowse kasi ako ngayon ng Ponds website and naisipan ko ishare my products na nagamit ko since highschool:

Clean & Clear Facial Toner

 Huwag niyo gagamitin toh! OMG! Lumabas lahat ng pimples ko diyan nung Grade 7 ako! Nakakatakot yan! Hahaha! Dati kasi oily sobra nung skin ko, so kala ko marereduce nito yung oiliness! I was mistaken! Lumalala itsura ko! Super pimples ako here and there and everyhere! Tsk tsk tsk.

Verdict: Basta wag niyo gagamitin yan! Hahaha...

Neutrogena Oil-Free Acne Wash

 Expensive is not always effective. Yun lang masasabi ko dito sa facial wash na toh! 400php siya ha! Ang bigat sa bulsa ng isang Grade 7! Grabe ha, kala ko mawawala mga pimples ko nun, hindi rin naman pala! Parang hindi ka naghilamos sa facial wash na toh eh! Parang hindi mo binanlawawan mukha mo kasi yung feeling nung sinasabon mo mukha mo and feeling nung pagtapos banlawan same lang. Tsk tsk.

Verdict: Huwag gamitin! Mahal pa!

The Body Shop - Oatmeal and Honey Facial Mask

 Mga second year higschool ko to ginamit! Mahal rin siya OMG! 700php ata ito nun ewan ko kung magkano na siya ngayon. Mas okay toh compared dun sa dalawang nasa itaas. Nagwhiten yun mga blemishes ng pimples ko nun dahil dito. Pero naalala ko, yung biggest pimple ko ever nun, eh dahil dito ata.

Verdict: Gamitin pero wag araw-arawin dahil mahal!

St. Ives Apricot Srub

 Eto okay toh kasi, yung price tama lang and effective pa siya! Wala akong masasabi dito. Mga anik anik ng mukha mo talaga matatanggal sa pagamit nito. Yung mga maliliit na bumps natatanggal din! Hats off ako sa product na toh!

Verdict: Gamitin

and the winner is...

Ponds Products

 Kahit anong product ng Ponds Mr. T! na ipagamit mo sa kin, 99% effective siya. Kahit yung toner, facial wash, cream at fluid. Been using this for 6 years now ang masasabi ko naging maayos ang itsura ko dahil sa Ponds... thanks Ponds... cries.

Verdict: Gamitin ng gamitin... hahaha

Hahaha --- wala lang, bored lang ako Mr. T! at pagpasensiyahan mo na ko. Narealize ko lang na ang dami ko ng ginamit sa mukha ko para umayos lang itsura ko pero wala pa rin naman nagawang improvements! Ako at ako pa rin toh. Hindi naman magiiba tingin ng tao kung nag-iba itsura. Sometimes, you just have to love yourself di ba? Naniwala ako dun sa quote na "Beauty is skin deep". Kahit ano naman kasing ipaglalagay ng tao sa mukha niya eh in the end, pagkatao pa rin niya ang magshishine. Di ba? Wala lang, narealize ko toh and opinion ko lang naman. :) Hindi kasi ako gwapo eh! Hahaha...

Posted by jjcobwebb on February 25, 2008 at 03:26 PM in Features | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.