Entries for January, 2008

          Okay, for my first post for 2008, I'll be putting up the lyrics of Auld Lang Syne. I have long wondered what the true meaning of this song is, and just recently, I came across a lyric site, Hogmanay.com. They have a very good explanation of what the song really means and they even have a translation table of some foreign words in the song. Here it is:

AULD LANG SYNE

Words adapated from a traditional song
by Rabbie Burns (1759-96)

Should auld acquaintance be forgot,
And never brought to mind?
Should auld acquaintance be forgot,
And auld lang syne?

CHORUS:
For auld lang syne, my dear,
For auld lang syne,
We'll tak a cup of kindness yet,
For auld lang syne!

And surely ye'll be your pint-stowp,
And surely I'll be mine,
And we'll tak a cup o kindness yet,
For auld lang syne!

We twa hae run about the braes,
And pou'd the gowans fine,
But we've wander'd monie a weary fit,
Sin auld lang syne.

We twa hae paidl'd in the burn
Frae morning sun till dine,
But seas between us braid hae roar'd
Sin auld lang syne.

And there's a hand my trusty fiere,
And gie's a hand o thine,
And we'll tak a right guid-willie waught,
For auld lang syne

Meanings

auld lang syne - times gone by
be - pay for
braes - hills
braid - broad
burn - stream
dine - dinner time
fiere - friend
fit - foot
gowans - daisies
guid-willie waught - goodwill drink
monie - many
morning sun - noon
paidl't - paddled
pint-stowp - pint tankard
pou'd - pulled
twa - two

          Yan, ganda ng meaning di ba. So yun, kagagaling lang namin sa MOA by the way and kumain kami sa Hawaian Bar-B-Q. Grand opening ata nila ngayon kasi may nakalagay na "We're On A Dry Run." Hindi ako nasarapan sa pagkain. Actually dapat magpipicnic kami sa Eco Park kaso til 5pm na lang pala yun so dumaan na lang muna kami kina Auntie Cele since dun din sila nakatira sa village na yun. Medyo nagreet greet ng Happy New Year tapos umalis na rin. Ayun, tapos sa MOA nagPowerstation yung mga bata. Tapos ako grabe ewan ko baket hanggang ngayon hilong hilo ako. Anyways yun, a good way to start the 2008 Mr. T! Buo ang family and masaya. Ayt ayt? Update you soon.

Currently listening to: Piano In The Dark by Heart
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on January 1, 2008 at 09:38 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Have you realized Mr. T! that we've been together for almost 4 years now? You witnessed my whole life in college, you personally know who I really am, you've been there when I fell in love and got broken hearted. You were there when the world turned its back on me. I find it so wonderful that despite not having a super duper bestfriend or ugh... *steady* friend, I always have you, online, and just waiting for me to tell stories about my life. So there, enough of the nostalgia, it's January 2, 2008, Nanay's 6th death anniversary. Ang bilis ng panahon. The memory is still fresh in my mind. Anyways, last night I slept over at Mabel's house cause she asked me to. She had to leave early and no one was to look after Kathleen and Kobe when they wake up. So I slept there but couldn't get my sleep right. I just can't sleep in a different house Mr. T! Ayun, mama went to Mr. Santos' funeral, he's dead na pala by the way. Ahaha... I wasn't able to tell you that. Kapitbahay namin siya for the longest time. It's a good thing he died sleeping. He's old na rin naman and may mga stable na siyang anak. Oh, si Tita Evelyn pala sent pictures from the States. Bestfriend siya ni Mama and sa picture, she was with her son and daughter, Richard and Erica respectively. Ayun, in the picture may kasama silang black guy, guess who's the black guy? Asawa ni Erica! Naku, childhood friend ko yun eh, kasing age lang ni Bruno yun and may asawa na! Iba talaga ang America! Tsk tsk. So yun, ano pa ba, I just finished cooking rice! Wow feeling katulong na talaga ako. Sana bumalik na si Sheila! Unti na lang babawiin ko na yung cellphone na binigay ko sa kanya before Christmas! I don't wanna do this anymore... I don't wanna be a katulong! Hahaha... update you soon Ayt?

P.S. Grabe, was watching MYX last night tapos Backstreetboys ang Take 5 nila --- brings back a lot of memories Mr. T! And awhile back, kaninang umaga, saw Cooking Master Boy again! I lurve that show! I think maghahanap ako sa Quiapo ng DVD nung palabas na yun! Hahaha... love you Mr. T! Update you soon.

Currently listening to: Nunca Te Haré Llorar by Backstreetboys
Currently reading: Eivan Ching's YM Window
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on January 2, 2008 at 01:05 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Naku Mr. T! Dami ko na namang pimples! Ano ba ito! Nakakaiyak na! Hindi na ko teenager nagkakapimples pa rin ako, tsk. Anyways, went to school kanina tapos sa LRT1 stranded na naman dahil may sunog raw somewhere. So yun baba ako ng Avenida, naghahanap ng taxi. Parang 30 minutes ako nagabang, while under the sun, imagine mo ha, 11:30am na yun. So yun, naglalakad haban naghihintay. Inisip ko tuloy na magjeep nalang pero nakakapanget! Buti na lang umabot akong Carriedo Station kalalakad sa Avenida. Tapos yun, sabi gumagana na ulit pero sobrang tagal ng intervals nung trainsets. Ayun, sa sobrang tagal mejo natulog tulog ako sa loob ng train. Buti nakaupo ako. Tapos kung anu ano tuloy pumasok sa isip ko. Ayun, nakarating din ng La Salle salamat naman sa Diyos. Tapos yun, yaw na tanggapin ID ko nung scanner kasi di pa raw ako enrolled so visitor ako muna tapos dumiretso na ko Gox para kunin EAF ko. Buti andun si Ms. Kaishan kanina. Si Joshua Gan yung guy before me bago ko nakausap si Ms. Kaishan. May problem din ata siya sa EAF niya. Anyways yun, thanks to my immortality, 27 units na ko pero hindi na ko makikick out ever! Hahaha. So yun, sobrang bait ni Ms. Kaishan kausap, sayang never ko pa siya naging teacher sa kahit anong subject. Tapos yun, uwi, tapos hugas ng kinainan. Pauwi na raw si Sheila sa wakas naman para may katulong na ulit. Tapos nagYM nakachat muna si Jeffrey. Tapos natulog. Around 5:30pm ginising ni Ate, pinagbantay ako ng Medihealth. Grabe, so yun, wala kong magawa, nagcashier na naman ako dun sa forever haggard na drugstore na hindi na nawalan ng bumibili kaloka talaga! Ayun, si Michelle and Brian kasama ko dun. Tapos si Erwin nung dumating ako umuwi na. Hmmm... ayun, grabe, hindi kami makapagdinner dun sa drugstore na yun sa sobrang effort sa mga customers. Tapos may dumating pang friend si Brian na gay, name niya Darius, kinukuha number ko kay Brian pero hindi niya binigay. Good. Ayun, tapos eto kauuwi ko lang. Ay oo nga pala, 2 subjects lang nakalagay sa EAF ko Mr. T! Super adjust tuloy ako sa Monday nito... tsk tsk. Hay, sana umabot sa 12 units kahit papaano yung subjects ko or else LOA ako. Ahahaha... so yun, I'll update you soon Mr. T! Ayt? Mwah!
Currently listening to: the wind
Currently reading: Rhitz's YM Window
Currently feeling: ugly
Posted by jjcobwebb on January 3, 2008 at 11:34 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)
         Hahaha, the whole day nagdedesign ako ng new layout mo Mr. T! Hahaha... fun fun fun. Malapit ko na palapitan tong violet na toh. Pati naman tuloy ako naexcite.
Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on January 4, 2008 at 08:21 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Katatapos lang ng PBB Celebrity Edition 2 kanina Mr. T! And just I suspected, yung underdog na naman ang nanalo. The following won, fourth si Will, third si Gabby, second si Riza and big winner si Ruben. Ayun, kagagalin ko lang rin ng Drugstore nagbantay kami ni Mabel. Matumal ang benta ngayon. Puros tubig binibili ng mga tao. Si Sheila bumalik na rin pala kahapon sa wakas! May katulong na ulit! The luxury of having a kasambahay. Tapos yung package ni Kenneth from States dumating na and binuksan na. May sapatos for me and for the people here may mga binigay rin siya. Mostly de-lata ang laman kaloka. Ano pa ba, ayun, andito na naman si Kathleen and Kobe sa bahay kanina, parang ako na lang palagi tagasaway. Ayun, wala naman masyadong nangyari ngayon Mr. T! Ay naku, eto pahabol, nagemail sa kin si Karol na super wala pa raw akong writeup para sa META! HS Yearbook na long overdue yun Mr. T! Naku talaga grabe as in! Isusuper effort ko yun bukas. Buti na lang yung write up sa kin ni Adrian before nilagay niya sa Friendster. Anyhows yun, si Aubrey and Deck nakabalik ng Manila. Ako naman sa Monday super aagahan ko ang pagpunta sa school para magsuper adjust ng mga subjects ko. Hindi ko talaga maubos maisip baket 2 lang nakastate sa EAF ko. Alam ko talaga nagenrol ako sa JAPALA1 and ELEMFRE! Tsk talaga Mr. T! So yun, I'll update you as soon as possible. Ayt, ayt. Maya maya iba na layout mo Mr. T! :)
Currently feeling: tired
Posted by jjcobwebb on January 5, 2008 at 11:20 PM in Everyday Drama | Post a comment
           New Layout Mr. T! Happy 2008!!! Ahihihi! Naupload ko rin sa wakas. After 2 days of working on this layout, finally it's up! Yehey!!! Ang bilis, version 5 ka na kaagad... hmmm... naging green ka na, yellow, blue, violet... ngayon... hmmm... hindi ko madetermine eh... siguro gray. Sige sige tulog na ko Mr. T! 2:48am na. Just passed by para sa layout. :) 
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on January 6, 2008 at 02:50 AM in Everyday Drama | Post a comment
          Hello Mr. T! Kagagaling ko lang ng SM Megamall. Kasama ko si Tom manood ng Desperadas kanina. Out of the blue kasi niyaya niya ko so go naman ako since walang gagawin dito sa bahay. Sobrang nakakaaliw yung Desperadas, starring, Ruffa Mae Quinto, Ruffa Gutierrez, Isa Calzado and Marian Rivera. Sobrang nakakatawa siya Mr. T! Kwento ng maghahalf sisters na may kanya kanyang problema, alitan and kagagahan. In the end, sila sila rin nagtulungan kahit ano pa at iba iba pa ang tatay nila dahil sa simpleng magkapatid sila. Ayun, after watching kumain kami ni Tom sa El Pollo Loco, grabe parang 10 years na ko na di nakakain sa resto na yun. Anyways, ewan ko kung naiba yung lasa or ganun pa rin. I can't remember the taste anyways. So yun, before pala kami magkita since nauna ko before Tom sa Mega, pumunta kong Bioresearch at tumingin ng mga Hamster and cages. Ubos na yung Teddy Bear Hamster kaya hindi na muna ako bumili. Sayang... tsk tsk. Anyhows yun Mr. T! Pasukan na naman bukas. Medyo excited ako na hindi. Ewan ko ba, nakakamiss tuloy mga friends kong si Rhitz and Jeffrey --- wah baket graduate na sila! Kami na lang ni Barry forever magsasama. Ayun, baka maging super close kami ni Barry nito hahaha. So yun, umalis na naman mga magulang at wala sila dito sa bahay. San kaya sila nagpunta ---hmmm. Ayun, sana talaga Mr. T! May mga subjects akong puwedeng pasukan pa and enrollan or else deado ako at LOA ako. Wah! Ipagpipilitan ko kay Ms. Divine na ipasok ako kahit 40 na ang students sa class... hahaha. So yun, ay ang weird may bata kanina sa AM BLVD na hinawakan yung nipples ko! Ahahah... naaliw siya sa Tshirt ko kasi Vitruvian man yung design ng tshirts ko. Tinry niyang hawakan yung hands, ayun sakto sa nipples ko! Grabe natawa si Tom. So yun, I'll update you soon Mr. T! Ang lamig nung bus na sinakyan namin pauwi. Olright? Sige sige, goodluck sa kin tomorrow! :)
Currently listening to: One Last Cry by Brian McKnight
Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on January 6, 2008 at 10:08 PM in Everyday Drama | Post a comment
         Well dapat Mr. T! adjustment dapat yan hindi classes. Naku grabe, imagine mo, gumising ako ng pagkaaga aga, nasira ang train, haba sobra ng pila sa adjustment, buti nakapila na si Aubrey and Deck kaya medyo nakasingit ako and si Tin dumating din magkasunod kami. Tapos, yun, pinabalik kami ng 2pm since ubos na yung number para sa umaga. So what we did was nagpunta na lang kamng RP, kumain sa Chowking, nabuhusan ko ng Iced Tea si Aubrey tapos nagTimezone videoke. Dami bagong kanta sa videoke room, Umbrella, Unfaitful, Big Girls Don't Cry etc. etc. Tapos yun, mga 1:30pm we headed back sa school via taxi. Grabe pagkabalik namin, ang dami ng singit. Uminit ulo ko. Pero buti nakakuha kami ng number at hindi naman masyado kaming nausog sa linya. Dumating din si Matty. Ayun, word of the day, "ngab-ngab" --- ahahaha. Tapos yun, may Wiggles si Tin na dala and si Aubrey yung Lay's na Ketchup flavor na sa Saudi lang ata meron. Tapos hmmm... pumunta kong registrar (tinakbo ko) para ayusin immortality ko dahil ineligible ako magenrol kanina. So yun, buti naayos. Tapos nung ako na magpapaadjust kay Ms. O Holy Night Divine, grabe, walang mga subjects na puwede akong isingit. Spanish, Japanese, French --- lahat closed. So, INTPHIL, METHODS and PRTEMAN ang inadjust ko. Puta lahat back subjects. So yun, after nun, punta conserve bayad ng tumataginting na 220php, no pay no ID kanina! Grabe, reprint lang 220php! Tapos kuha form for special class sa Mobicom. Then, balik kay Gwen para kunin ang ID. Then naglakad kami to Quirino station, nakita pa namin yung si Dino Emperial sa may Sherwood. Ang aligasgas ng mukha Mr. T! Baket sa TV and flawless niya! Anyways yun, nagstop over muna kami sa isang carenderia para magCoke, libre ko. Tapos yun, Qurino station to Bambang. Nagpasama si Aubrey bumili ng scrubsuit dun eh. So yun, nakabili siya. Daming tao sa Bambang lahat ata Nursing students. Tapos yun, medyo umambon. Kami ni Tin ang Jeep and Lakad  after papuntang LRT2 tapos si Aubrey sumakay sa Bambang station to Central. So yun, buti hindi tumuloy yung ulan pero ang alinsangan. Pagkauwi, tulog! At sa wakas, di ko na kailangan manghiram ng DSL dahil kinabitan at naapprove na rin sa wakas yung DSL sa bahay! Yey! So yun anyways, nagbantay ng Drugstore pagkagising and yun... hmmm. Update you soon Mr. T! Ayt? Love ya! Mwah!
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on January 7, 2008 at 11:16 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Kumusta talaga Mr. T! Hindi na ko pumasok ng EM-TECH hindi pa rin ako pumasok ng EBISNES. Anyways, narealize ko na wala naman dapat ikabahala since first day lang naman eh. Ayun, tumawag si Tin habang nasa LRT2 ako sabi magTrinoma na lang. Since madali naman akong mahila kung san san, ayun, Sali ako. Ahahaha. Nagkita kami sa may KFC, andun si Deck, Aubrey, Tin and Matty. Tapos kausap din ni Matty yung friend niyang gay. Grabe isa siyang goddess. As in ang ganda niya and at the same time guwapo niya. Tangkad pa. Anyways yun, sakay ng LRT1 til EDSA and then bumili kami ng 2 ticket sa MRT para pagbalik from Trinoma effortless na sa pagpila. So yun, nakakatuwa kasi first time kumpleto lahat pumunta sa isang mall. Hehehe. Tapos yun, mineet naming yung friend muna ni Aubrey na si Kat sa may Jollibee kasama yung asawa at anak niya. Cute nung baby niya name Kevin. Hindi ko alam name nung asawa niya. Anyways, since lahat na sila kumain, ako hindi pa, kumain muna tuloy ako dun sa Jollibee ng 2 pcs. Chicken Joy habang nilalaro nila yung baby. And then, after I ate, ako naman naglaro dun sa baby. Ahahaha, cute nung baby tingin at smile ng smile sa kin. Hahaha, and tawa ng tawa yung baby pag nalulula. Cute. So yun, afterwards, pumunta kami dun sa may taas na park sa Trinoma. Umupo muna habang nagkumakain ng Blizzard si Tin. Ayun, pahinga onti and then Timezone. Kaaliw, una Dance Maniax ako magisa tapos sila Tokyo Drift. Tapos pinasali ako ni Tin and Deck sa Tokyo Drift --- hahaha --- lagi akong panalo. May talent pala ako sa racing na arcade. So yun, sabi ni Tin may Tokyo Drift na Motorcycle naman yung gamit, so punta kami sa kabilang Timezone. Ayun, kaaliw din! Hindi ko masyadong feel kasi talo ako palagi. Si Tin nagFirst pa. Sumali rin sa game si Matty and Deck. So yun, ang saya di ba? It was time for Kat to leave na so ayun babay babay na. Tapos kami umikot muna. Yung Bloomfields andun sa Central Area ng Trinoma nagperform. Ayun, tapos si Tin, bumili ng damit sa People Are People, ako nagfit ng kung anu ano hindi naman bumili. Tapos ayun, lakad lakad, pumasok ng Diego, F&H, Bench, etc. Wala lang magawa sa mga buhay. Tapos si  Deck may pinaayos sa Globe dahil pumasok din kami sa Globe. So yun Mr. T! Tapos uwian na. May nabili pa kong yema sa may tulay na napakasarap. MRT na ulit kami and kaming 2 ni Tin sa Cubao bumaba and the rest sa EDSA. So yun Mr. T! Tapos si Tin hindi na nagLRT2, nagFX siya til Antipolo tapos ako bumili muna ng PC mic sa CDRKING and nagLRT2 na. Ayun, grabe may guy kanina sa LRT2 na sobrang puti! Parang lumaklak ng Glutathione! Ahahaah... anyways, yun, I’ll update you soon Mr. T! Nabaliw pala ako baket ayaw maconnect sa internet nung laptop ko, nakaproxy pala sa DLSU kaya naman pala. Hahaha--- update you soon Mr. T! Mwah!
Currently listening to: I Am Not My Hair by India.Arie
Currently feeling: nangangalay
Posted by jjcobwebb on January 8, 2008 at 07:30 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Was searching for India.Arie songs, and I found this. Inupload ko sa Imeem ko tapos nilagay ko dito. Sobrang ganda...

Posted by jjcobwebb on January 8, 2008 at 08:21 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Ayun, kakaINTPHIL ko lang Mr.T! Andito ko ComLab ngayon. NagriRihanna music video festival. Maaga kami dinismiss kanina, wala pang 9am dismissed na. May binigay lang na papel tapos sa Monday na yung disussion anyways. Have fun na lang sa videos.
Currently watching: Don't Stop The Music by Rihanna
Currently feeling: nilalamig
Posted by jjcobwebb on January 9, 2008 at 10:44 AM in Everyday Drama | Post a comment
          Ayun, had PRTEMAN ulit! For the second time in DLSU. Ahaha, sipag ko kasi pumasok. Anyhows, si Mr. Sipin ulit yung teacher. Hay, eefortin ko na talaga toh. Tapos yun, punta muna kaming 3 nina Tin, Deck and Aubrey sa RP para maglunch since gutom na kami. Sa Hotshots kami kumain. First time ko kumain dito Mr. T! Shete ang hirap ko noh! Pero yun, sabi ni Tin isang burger lang busog ka na. So go, Cheese Burger inorder ko. Ayun, bitin. Hahaha, not enough for my appetite. Ang dami palang tibo kanina dun sa kainan na yun ano ba yun. So yun, after kumain, lakad lakad muna. Tapos hanggang DLSU nilakad namin. Nagpatagtag kami ng mga kinain. So yun, pagkadating sa DLSU, on time for METHODS --- yes all over again. Nasabi ko ba sa yo Mr. T! na hindi nacredit yung METHODS ko last term? Yes, nadrop ako ng hindi ko sinasadya. Buti na lang talaga dahil dagdag bagsak na naman yun sa TOR. Anyways, umiyak iyak pa ko hindi pala ko enrolled. Hahaha. Pero kung pumasa pala rin kami, iiyak din ako dahil kailangan ko pa rin siya iretake sa rason na hindi nga ako enrolled. So yun, ay oo nga pala, pinuntahan ko kanina si Mam Kat sa COSCA, yung refund daw sa January 29-30. Nakalakagay sa Bulleting Board 250php yung refund! Haller, 1300php yung binayad ko tapos ganun yun refund? Naku naman! Sabi ni Mam minus 50php lang. Anyways yun, kakausapin ko siya about that. Pagtapos ng METHODS, ay oo nga pala, si Angelica and Jobet nakita ko for the first time ngayong term --- happy new year sa kanila. Tapos yun, umuwi na kami. Si Aubrey nagbayad muna ng tuition bago kami umuwi tapos yun. Mukha na raw akong rockstar sa itsura sabi nila --- plus the bigote and goatee --- ick! So yun, LRT1 and LRT2 with Tin and Aubs, baba si Aubs sa Central. Tapos yun katabi namin ni Tin sa LRT2 paypay pa ng paypay! 2 sila ha! Naku naman, ang lamig lamig nung aircon sa train kanina, swerte siguro namin kung mainit nun. Ayun, kagigising ko lang kani-kanina. Dumating na rin yung laptop na pinadala ni Kuya kay ate. Ganda ng itsura, Dell siya, Vostro 1000. Kaso hindi Intel, AMD siya. So yun muna update ko Mr. T! Pinainstallan ng office sa kin. So yun, update you soon ayt Mr. T! Ay oo nga pala, may proposal ako sa mga breaks ko tuwing Monday and Wednesday --- magswiswimming kami. Game naman si Deck. Sana magmaterialize. Hehehe --- Mwah!
Currently listening to: Here I Am by Leona Lewis
Currently feeling: fresh dahil kaliligo lang
Posted by jjcobwebb on January 9, 2008 at 11:49 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun Mr. T! Kauuwi ko lang. Sana maiksi lang tong entry ko kahit sobrang dami ng nangyari ngayong araw na toh. Well una, had EM-TECH na rin, sobrang funny ni Mr. Oli Malabanan! Super fun siya kanina habang nagdidiscuss ng development ng computers. Grabe, hindi ako mahilig sa mga lalaking teacher but I think I'm gonna like him. Sobrang laughtrip kanina sa class. And then break, lunch time na, met up with Matty and Deck sa Conserv tapos yun hanap ng makakainan. Grabe Mr. T! Wala na palang WOK DIS WAY, sinira na siya, nalugi ata or nirerenovate. So yun, sa TULYASE na lang kami kumain. Sobrang tipid Mr. T! 65php may 2 ulam ka na, rice, drinks and dessert. Solve naman dahil marami na mura pa. And then after nun since 12:50pm pa next class namin and marami pang time mga 1 hour left pa, nagCEREALICIOUS muna kami. Ayun, umorder ako ng CHOCO LISA SMILE --- weird name. Yung kay Aubrey I forgot. Yeah, kasama rin pala namin si Tin. Kailangan namin bumili para may seating rights naman kami. Afterwards, nagEBISNES na kami. It's miss Mavic again. Grabe, lamig ng classroom so binuksan ko lahat ng bintana. Nabangga ko pa ng elbow ko si Carmz sa ulo nung sinubmit ko kay Ms. Mavic yung groupings namin. Tapos yun, super bored. Hindi ko namalayan ngklase. Hahaha, doodle lang ako ng doodle sa notebook ko tapos dismissal na. And then nagtext si Rhitz na alis raw kami. Sabi ko go. Kasama si Barry.

          Ayun, hinatid ko sina Tin, Deck and Aubrey sa Qurino station tapos pumunta kong CSB para sunduin si Barry. Nung pagkalabas ni Barry mismo, sabay dating si Rhitz. Ayun, we hailed a cab, dumaan muna sa Prudential Life dahil may kukunin si Barry, tapos nagGreenbelt 1, nakita namin si Martin Nieverra, tapos yun, Greenbelt 5. Grabe, ang bilis magawa ng mall Mr. T! Parang last last month lang hindi pa siya open tapos ngayon bukas na siya. Though hindi pa naman masyadong ayos pero operating na siya. Ayun, hotel-like ang itsura niya. Masyadong formal ang ambiance nung mall. Puros kainan, tapos mga art gallery. Magaganda ang chandeliers, yung landscape ng mga halaman sa labas, yung pond, maganda maganda. Parang Greenbelt 3 na  mataas lang ang ceiling. Ayun, yung ibang part amoy pintura pa Mr. T! pero okay na rin, nalibot namin lahat. May nakita kong palaka na buhay sa mga halaman dun sa malapit sa bridge from GB3 to GB5, nagulat ako kasi hindi ko feel mga palaka eh. Anyhows, yun, tapos dapat bibili muna kaming MRT ticket para di makasabay sa rush hour --- kaso si Barry nagutom, ayun, kumain kami muna sa Food Choices and then ako rin tuloy napakain. Si Barry and Rhitz kumain sa Evergreen tapos ako sa German Sausage Factory. Hahaha, saya. Ayun, tapos nung pagtapos ko kainin food ko, nainggit ako dun sa kangkong na kinakain nung foreigner so bumili ako ng sakin. Hahaha --- sa Evergreen ko binili. Tapos yun, dapat manonood kaming Sakal, Sakali, Saklolo kaso ayaw ni Barry so hindi na lang. So nagTimezone G4 na lang kami. Ayun, nag Fast and Furious Biker kami, tapos Mario Cart. Si Barry sabi sa Timezone GB3 naman so yun punta kami, nag Fast Furious Raw Thrill kami. Grabe, ang sarap pala ng mga racing games Mr. T! Baket ganun --- ang saya saya. Ngayon ko lang nafeel toh. Tapos ayun, nag Pirates of the Carribean Pinball din ako. Grabe, kung andito si Jeffrey siguro nagDance Maniax kami and nag Videoke. Anyhows yun, magsi 6 na rin so bali uwi na ulit. Marami pang Thursday na dadating. Hahahaha, pero before umuwi bumili muna kaming candy sa Candy Store, yung per gram na candy. Ayun, tapos MRT. Naground trip kami ni Barry since sobrang sikip going to North. So yun, nakaupo kami the whole time papuntang North --- thanks sa round tripping. Ayun Mr. T! Tapos dumaan muna si Barry ng Salazar's namili ng mga chicha, tapos ako sa Watson's para bumili ng tweezers. Ayun, tapos LRT2 pauwi na ako. Sobrang dami ng nangyari Mr. T! Parang ang haba ng araw. Nagsimula lang nung nagisin ako at breakfast eh yung Daing na Bangus na sobrang sarap tapos tuloy tuloy na. Ayun, lagas na pera ko Mr. T! As in L-A-G-A-S --- lagas! Wahhh... so yun. Update you soon Mr. T! Ayt? Mwah!

Epilogue

Sa MRT may mamang nagbabasa ng Time Magazine, may picture ng isang guy sa isang page at nakaharap kina Jacob and Barry yung page...

Jacob: Barry, Barry tignan mo yung Time Magazine, yung guy na nakalagay
Barry: Baket?
Jacob: Tignan mo sino kahawig...
Barry: OMG, si Jeffrey ba yan
Jacob: Hahaha --- shux, kahawig, the hair, shape ng face, yung tayo
Barry: Hahaha --- oo nga...
Jacob: Ano ito? Jeffrey Apparition part 2?
Barry: Shux --- hahaha...

--END---

P.S. Pinasasama ko ni Mama sa Baguio bukas... wah... wala ako sa mood dahil until now may ubo at sipon ako Mr. T! Wahhh....

Currently listening to: Pilgrim's Theme by Bukas Palad
Currently reading: Luis' YM Window
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on January 10, 2008 at 08:40 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

          May nabasa kong quote Mr. T! sa isang magazine sa Gox na kinuha ni Deck the other day. Parang TECH magazine ewan ko baket may quote na ganito. METHODS period toh, since bored, nagbasa ng mag and sobrang natamaan ako sa quote na ito. Nakakainis nga eh, pero somehow, tama yung quotes --- or sinasabi ko lang tama yung quote kahit hindi ako payag sa quote ---- hahaha --- either way eto siya:

        "Giving someone all your love is never an assurance that they'll love you back. Don't expect love in return, just wait for it to grow in their hearts. But if it doesn't be content it grew in yours"

           Ganda di ba Mr. T!? So yun, sabi sa quote makuntento na lang ako dahil may umusbong na pag-ibig sa lecheng pusong toh. Basta yun, alam mo naman kung baket Mr. T! Di ba... hahaha... pero past is past and fast. Hahaha ---  I gotta get movin'... and moving on... hahaha... labo...

Posted by jjcobwebb on January 11, 2008 at 12:21 AM in Everyday Drama | Post a comment

          Hey Mr. T! I'm alive. Hahaha, just woke up. Galing akong Trinoma kaninang tanghali and kasama ko si Chris. Anyhows, yun, sobrang antok ako gumising kanina, nalate pa ko nakakahiya. Hindi na fashionable ang pagiging late ko grabe na toh. Sobra na eh. So yun, bago pumunta sa Trinoma nagJeep and MRT ako. Sa jeep grabe may sobrang cute na batang babae tapos may hawak na teddy bear shux, ang sarap iadopt. Tapos sa MRT OA naman yung pila ng bilihan ng ticket. Naubusan pa ko ng load kaya nagpasave muna ko sa pila sa mamang hindi ko naman kilala.

          So yun, dapat 11:00am kami magkikita, Chris was there ng maaga, ako 11:30am nakarating. Nagkita kami sa may Mister Donut and yun, umikot kami ng Trinoma. Ayun, usap usap, kuwentuhan, well, in my part parang the whole time ako lang ang nagsasalita. What's new Mr. T!? Di ba? Hahaha --- alam ko namang madaldal ako eh pero medyo nakakainis kasi sobrang tahimik ni Chris --- boo! Pasalamat siya at maganda ang smile niya! Hahaha. So yun, gusto niya manood ng movie, well so pumayag naman ako, at ako namili ng movie which was Sakal, Sakali, Saklolo. Tapos the movie was to start around 12:45pm, nakabili na kami ng tickets so we still had 1 hour left. Ayun, shucks, nakalimutan ko palang bayaran si Chris dun sa movie. Nawala sa isip ko shux talaga. Moving on, ayun, since 1 hour pa nga, kumain muna kami. Naku, nagtuturuaan pa kami kung sino mamimili kung san kakain so yung unang kainan na nakita ko dun na lang kami kumain --- sa Tokyo Tokyo.  Ayun, nagdouble meal kami nung Pork Tongkatsu. Grabe, parang nag-ulam kami ng arina Mr. T! As in, pero okay naman nabusog rin ako somehow. Tapos yun, kuwentuhan, usap, tawanan while eating. Naku, parang puros kuwento ko ata ang naaalala ko dahil smile lang ng smile si Chris. Hindi ko alam kung nilalayo niya lang sarili niya or tahimik lang talaga siya. Which is weird dahil sa chat naman hindi naman siya ganun katahimik. Pero okay lang, buti na lang talaga maganda smile niya --- oh di ba may consolation. So yun, umihi muna kami bago manood ng Sakal, Sakali, Saklolo. Tapos yun, nood na. Sa middle ng movie shux naihi pa ko. May namiss tuloy akong scene. Either way, tapos rin naman namin yung movie. Well yun movie sequel siya nung Kasal, Kasali, Kasalo. Ayun, kuwento ng buhay mag-asawa, pagiging asawa, magulang and anak at the same time. So yun, natapos din, tapos nagCR ulit si Chris sa may malapit sa movie house tapos yun, ikot ikot ulit kami. Tapos naisipan ko na namang magTimeZone. Sabi ni Chris hindi na raw niya age yun. Hello, ano ba siya 50 years old? Hahaha. So yun, as usual, addict na ata ako sa Fast and Furious Mr. T! Ayun, buti napilit ko ring maglaro si Chris. Hahaha, tapos meron pa isang guy dun akala niya mauunahan niya ko sa racing ha --- well, I finished 3rd and he finished 5th --- leche siya pinagod niya ko. So yun, umikot na naman kami. Nagkuwento ako dahil ganun ata talaga. Wala siyang kuwento. Tapos ayun, nagCR na naman ako. Grabe ano ba tong pantog ko na toh ihi ng iha. Anyhows, inantok na ko. Hahaha, so sabi ko magGateway na kami. Ayun, mabait naman si Chris, sabi niya magpahinga na rin ako. So yun, sabay kaming nagMRT and LRT2. Lahat ata ng LRT line merong ticket si Chris. Nung sa MRT and LRT2 naghihintay lang palagi siya sa kin para matapos bumili ng ticket. So yun, okay naman, paKatipunan siya and paJ.Ruiz station naman ako. Medyo umulan nung pauwi na ko. Suwerte ni Chris may payong na dala.

           So yun, pagkauwi ko, hindi muna ako natulog, may adobo sa bahay so kumain muna ako. And ang palabas sa TV eh isa sa mga paborito kong Tagalog movie, Hiram na Mukha starring Nanette Medved, Christopher de Leon and Cesar Montano. Hahaha, tapos yun, tulog til 9:00pm. Hmmm... kasasara ko lang ng Drugstore Mr. T! Hindi pala natuloy kanina sina Mama umalis, mamayang madaling araw na lang raw sila aalis. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasama ako Mr. T! Kaso baka magpiyesta dito sa bahay si Reamaur at lugi ako. Hahaha --- sige sige update you soon Mr. T! Ayt?

Currently listening to: Changes In My Life by Mark Sherman
Currently reading: Chris' text message
Currently feeling: fresh and wide awake
Posted by jjcobwebb on January 11, 2008 at 10:35 PM in Everyday Drama as a favorite post | 1 comment(s)
          Grabe Mr. T! Hindi ako makagetover sa Hiram Na Mukha! Yung original ha! Hindi yung kay heart! Napasearch tuloy ako ng video sa Youtube and may lumabas 1 lang and yung favorite scene ko pa! Watch one of my favorite moments in Philippine Cinema!!!

          Ayan ang gagawin ko sa mga taong nang-api sa kin! Hahaha --- as if may nang-api sa kin di ba? Hahaha --- grabe ang ganda talaga ng scene na yan! It's so Fabulous!!!
Currently feeling: tuwang tuwa
Posted by jjcobwebb on January 11, 2008 at 10:44 PM in Everyday Drama | Post a comment

           Hey Mr. T! Ako lang tao dito sa bahay and si Sheila and si Reamaur (may pasok pa siya) so technically kaming 2 pa lang ni Sheila andito. They all went to Baguio and left around 7:00am awhile ago. So, because I had nothing to do, I tried searching for Ugly Betty Season 2 Episode 11 on the net. And yey! A torrent for the much anticipated episode was up. I believe the delay was caused by the writers' strike in America. And after almost 2 months of not being able to continue watching Ugly Betty, I felt super after watching the show. Hahaha. The episode was simply about thin models (Zero Worship yung title ng episode) and how they were being looked at as examples of teenagers these days. Ayun, in the end, Ugly Betty saved the day. She tried to do a fashion show which showcased fat and healthy ladies para maiba yung paniniwala nung mga friends ni Justin about being beautiful. Sobrang natutuwa ako dahil tagal talaga ng hinintay ko for this episode. Ugly Betty is the best --- thanks to Bo sa paghawa sa kin sa panonood nito!!! Try ko nga rin Heroes and Gossip Girl hahaha...

Currently feeling: super happy
Posted by jjcobwebb on January 12, 2008 at 03:49 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Yes! You read it right Mr. T! This is my 500th post. I was keeping track of this post since December last year, and I just had or did it now. Anyways, yun, I screwed up our 5 year old P4 PC Mr. T! Hahaha --- I tried modifying the BIOS but to my unluck, it was unsuccessful. So yun, I'll be bringing my BIOS chip sa ASUS tomorrow and try to see if they can still re-flash my BIOS and bring my PC back to life. Siguro naman kaya nila kasi sa kanila galing yung mobo di ba? So yun, for my 500th din Mr. T! gusto ko lang sabihin na nakakaadikang Facebook! OMG talaga! It's out with the old (Friendster) and in with the new (Facebook) --- hahaha. Sobrang cool ng Facebook. Pero you know what? Meron na kong account sa Facebook since 2006 or early 2007 pa pero ngayon lang dumami ang tao kaya masaya na siya ngayon. Basta nakakaadik --- hahaha. Sobrang congested na rin kasi ng Friendster ngayon. Parang lahat ngayon may Friendster na. Anyhows yun, uhm, ang hirap pala magkalas ng mobo Mr. T! Sige sige, I'll update you soon ayt?? Nothing much for my 500th post. Basta yun. Hahaha --- sana another 500 posts pa ang maposts ko sa yo Mr. T! Ayt ayt? Love ya! Mwah! 
Currently feeling: pissed
Posted by jjcobwebb on January 13, 2008 at 11:52 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Ayun Mr. T! Just got home from a wake ng isang taong di ko kilala pero kilala ng parents ko. Tapos si Lola sobang kulit sa wake nakakaaliw. So yun, hmmmm... wasn't late for my INTPHIL class this morning and uhm hmmmm... Mr. Sipin wasn't present for PRTEMAN muntik na ko magcut pero absent naman si Sir --- iniwan ko si Deck sa library. Si Mr. Sipin talaga may attitude pag 11am-1pm ang class hours. Parang last term sa BPOUTSR din maraming times din siyang absent. Siguro dahil yun sa company niya or busy or may importante lang talaga siyang kailangang gawin. And then, I really had no plans of attending METHODS since you know, we're "almost" done with our project. Kristine, Deck, Aubrey and I just at at KFC and then headed home. Hmmm... wala naman kasi masyadong nangyari Mr. T! eh yun lang. Tapos natulog ako tapos punta na kami sa patay. Grabe hindi ako naligo kaninang umaga. Hahaha --- sakit sa bangs ng prof ko sa INTPHIL, pagiisipin ka talaga. Ang effort at nosebleed pa! Tapos yun, tried calling ASUS pero they only service daw yung mga mobo na dun sa partner store nila nabili. Weird, sa PC Express ko na lang dalhin yung PC baka may pag-asa pa. What else... hmmm... yun lang basically Mr. T! Update you soon ayt? Mwah!
Currently listening to: For Once In My Life by Stevie Wonder
Currently feeling: awake as in super
Posted by jjcobwebb on January 14, 2008 at 11:52 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Kumusta naman talaga kanina Mr. T! Dapat sa Tulyase lang kami kakainn pero naisip ni Tin na sa AKIC canteen kami kakain. So nilakad namin. Naku! Closed! Tapos sabi namin Solomon's na lang. Naku! Closed din! Imagine mo naman! Minumura kami ng araw tapos mga usok ng sasakyan sagap din namin! Grabe talaga, so naisipan namin magtaxi pabalik ng DLSU kahit malapit lang naman. Exaj talaga yung SUN! Hahaha --- exaj din yun cab dahil parang pugon yung aircon sa sobrang init. Imagine --- nagmumura yung araw, masikip ang taxi, parang pugon yun aircon and  yes, pawis na pawis na kami. Sayang ang effort ko sa  hair ang outfit kahapon nalusaw lang. So yun, pagkalabas namin ng taxi mas malamig pa sa labas! So tambay muna Starbucks and then nauwi rin sa Jollibee yung lunch namin! Kumusta di ba!

          Pero before that, late ako for EM-TECH. Ayun, masaya na naman yung class dahil si Mr. Malabanan fun talaga. Tapos yun, hanap ng makakainan ng lunch (See paragraph above).

          Ayun, tapos lunch nga, si Matty may baong McSausage. Nagchickenjoy ako, si Tin ayaw kumain dahil ang laki nung inorder, si Aubrey Burger Steak and si Deck Chickenjoy din. So yun, tapos nagcut ako EBISNES, hahaha --- kaming 2 ni Deck gumagawa ng assignment dun and hindi na kami talaga pumasok and nainternet na lang sa lab. So yun, after EBISNES, nagLib muna. Grabe sira pa rin yung OPAC --- ano ito manual search sa Library? Wala man lang access cards ano ba yun. Pahirapan. Anways afterwards, bili muna ko hash brown sa Csquared tapos tambay Gox. Si Angelica may bagong boylet. Naku, ipagpapalit na ata jowa niya. Hahaha. Tapos yun, hinatid kami ni Matty sa Qurino with Aubrey and Tin and then uwi na. Cutie nung nakita naming taga San Beda ni Tin sa LRT2 kaso parang menor de edad --- hahaha.

          So yun. Sa Gilmore ako bumababa para magtanong kung san puwede ipaayos PC namin. So yun, may sunog sa isang gas station sa Pinaglabanan Mr. T! Sobrang traffic as in OA. Mga 6:30pm ko na tuloy nadala yung PC sa Gimore. So yun, babalikan ko raw bukas same time. Sana maayos. Anyhows, kakatapos ko lang magbantay ng drugstore. I'm off! Mwah!

Currently reading: Jeffrey's Email
Currently feeling: rushed
Posted by jjcobwebb on January 15, 2008 at 11:18 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Ayun, Mr. T! Hindi ako late sa INTPHIL so may .5 pa rin ako sa final grade. And then tumambay sa ComLab tapos nagPRTEMAN. Ayun, wala naman masyadong naganap. Sa wakas nakapaglunch din kami sa AKIC. Ayun, hindi na maaraw. Cloudy ang weather kanina. So yun, iba na pala yung entrance sa AKIC cafeteria. Dadaan ka na talaga muna dun sa may guard bago makapasok. Buti pinapasok kami kahit nakatsinelas kami. So yun, hmmm... and then had METHODS sa Lyecture Room sa may Andrew Building, RM 904. Nakakatakot yung window dun puwede kang tumalon. Anyways yun, tapos uwi na. Tapos tumawag na yung sa may Gilmore sabi 2000php raw yung MOBO! OMG! Naloka ko parang gusto ko himatayin! Wah, balikan ko siya pagmay pera na ko. Anyways yun, I'm having issues with my father lately. Basta weird, gusto ko siya patayin dahil nabubuwisit na ko sa kanya --- not literally ha!  Hindi ko mafeel ang fatherhood niya. Anyhows, I'll update you soon Mr. T! Ayt? Love ya! Mwah!
Currently listening to: For Once In My Life by Stevie Wonder
Currently reading: Aubrey's YM Window
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on January 16, 2008 at 11:09 PM in Everyday Drama | Post a comment

           Wah! Magkahawig ba kami Mr. T? Parang ilang tao na nagsabi sa kin na kahawig ko siya. He's name is Louie Mar Gangcuangco and is the author of the book Orosa-Nakpil. Siguro yung similarities lang namin yung brows and eyes pero mas cute siya in more ways. Tignan mo naman, mas maliit ilong niya, mas maliit bibig niya. Mas panalo siya di ba. Hahaha, freaky sobra grabe. Ngayon lang ako nakakita ng super same ko ang eyes and brows. Wah, feeling ko tuloy magkahawig talaga kami. Sana makita ko siya in person one of these days. Sana kung may makakabasa nitong entry ko na toh, pakisabihan siyang imeet up ako. Just to really see the resemblance. Well marami siyang pic online seach niyo na lang.  Sige Mr. T! Mwah!

Currently feeling: super funny
Posted by jjcobwebb on January 17, 2008 at 07:10 PM in Everyday Drama | 5 comment(s)
           Sakit ng tiyan ko Mr. T! The feeling is almost the same nung naospital ako nung Grade 5 ako. Masakit talaga. LBM na may kabag ata toh. Weird talaga... sakit sakit. Ganito ata ang bum tuwing Friday. Hahaha... sige sige...
Currently listening to: Like A Star by Corinne Bailey Rae
Currently feeling: sakit tiyan
Posted by jjcobwebb on January 18, 2008 at 10:52 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Well, that is if I'm not gonna count my OJT enrollment. Does it even count? Anyways, ayun, just enrolled myself awhile ago. To enroll means pay the tuition fee Mr. T --- and the 300 surcharge... BAH!! Marami pa ring pasaway na Lasalista. Last day na kanina pero ang haba pa rin ng pila... hahaha. So yun,umulan grabe ang labo ng panahon. Tapos hmmm... natulog ako. Nagising and nagbantay ng drugstore. Wala masyadong nangyari Mr. T! Parang TV lang kaharap ko buong time wala akong ginagawa. From Kakasa Ka Ba Sa Grade 5 to Imbestigador pinanood ko. Naiyak pa ko sa isang documentary sa Jessica Soho Reports. Tungkol dun sa may mga neuro... hmmm... basta yung may sumasabog na parang vein or naiipit na blood sa may face part. Naiyak ako grabe. So yun, tapos sa Imbestigador naman yung pekeng doktora na nagreretoke. Natakot tuloy ako magparetoke. Pero walang tatalo sa Yaki Ka Kanina --- hahaha. Sobrang fun. Basta yun, tignan mo Mr. T! Wala akong makwento. Yan, puros TV lang kasi ginawa ko. Anyways update you soon Ayt? Mwah.
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on January 19, 2008 at 11:24 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Since wala naman nangyari Mr. T! At pinapak ko lang yung roasted beef in can sa bahay. Daan lang ako. Anyways, ulan ng ulan. Mwah!
Posted by jjcobwebb on January 20, 2008 at 09:28 PM in Everyday Drama | Post a comment

Gusto ko lumipad
Pero wala akong pakpak
May hangin nga
Hindi naman ako kaya buhatin nito

Gusto ko lumipad
Makita kung anong mayroon sa itaas
Kaso wala naman akong pakpak
Paano ako makalilipad

Gusto ko lumipad
Para makaalis na ko dito sa lupa
Yayakapin ko mga ulap
Lalakaran ang bahaghari

Dahil sa taas ng ulap
Mahahawakan ko mga bituin
Masisilayan ang buwan ng malapitan
Sayang wala akong pakpak

Gusto ko talagang lumipad
Sana mayroon akong pakpak
Maramdaman paano mayakap ng ulap
At di mabasa ng ulang pumapatak

Gusto ko lumipad
Gusto ko lumipad
Kung may magbibigay ng pakpak
Habang buhay ko tong ikagagalak

Posted by jjcobwebb on January 21, 2008 at 12:53 AM in Songs and Poems | 3 comment(s)

          Napapangitan ako sa gupit ko! Wah! Anyways, wax or gel na lang para magkaroon ng accent. So yun, nasa pintuan na ko ng PRTEMAN class ko kanina pero hindi ako tumuloy. Thanks sa aking LBM. Hindi rin ako nakaattend ng INTPHIL class ko. Thanks sa aking LBM. Hmmm... yun, grabe talaga, sinamahan ako ni Anne sa Andrew para magCR and magLAB na rin. So yun, andun si Angelica nagiinternet. Tapos dumating sina Tin after nung PRTEMAN. Kumain sa 6th floor ng Andrew and then nagMETHODS sa 9th floor, same building. Was looking for Ms. Mavic kanina, kaso hindi namin naabutan. Shux goodluck sa reporting namin tomorrow. And then nagLibrary para hanapin yun book since tinawagan ni Tin si Miss. Kaso to our luck wala yung book dun. Hayz... ewan ko talaga paano kami magrereport. Lecheng library yan sira yung system. Wala namang card catalogue for back up. Si Paul grabe tinawanan pa ko kanina sa Lobby nakakabuwisit buti marunong ako ipick ang sarili ko pagkakahiya. Hmmm... so yun lang muna Mr. T! Update you tomorrow. Ayt? Hehehe...

P.S. NagDiatabs ako, 2 pa ininom ko walang epekto. Pero nung binigyan ako ni Tin nung Imodium, natigil naman ang aking LBM --- weird, same generic name lang naman sila, LOPERAMIDE --- cheaper medicine bill ikaw ba yan? Hahaha....

Currently feeling: ugly
Posted by jjcobwebb on January 21, 2008 at 08:14 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Ayun, hahaha, we survived the reporting sa EBISNES awhile ago Mr. T! I really thought that we're gonna screw. Thankfully, tinatamad si Miss kaya parang mabilisan yung class kanina. May sakit ata si Ms. Pineda. Anyhows, yun, late for EMTECH again. Sobrang isip ng isip about dun sa reporting while going to school. And then, may nagreport lang about Microprocessors sa EMTECH. Wala sina Tin, Aubrey and si Deck umalis gitna ng class. And then nung tapos na EMTECH, ako naman baba na sa lobby para gawin yung report. Buti na lang maparaan mga groupmates ko, nahanap nila yung outline sa net. Hihihihi --- galing. Binigyan lang ako ni Tin ng irereport: Internet, Intranet and Extranet. Siyempre alam ko na yun so habang gumagawa sila ng slides, 2 hours before the class, nagpasama ako kay Matty sa Accounting para tanungin about my METHODS refund. Ayun, mga March ko raw makukuha yung refund ko. 1 unit lang naman yung METHODS so mga 1K plus lang yun. So yun, tapos gawa gawa slides sa lobby. And then si Tin may bagong pinakilalang game --- Jojo's Fashion Show by Big Fish. Ayun, kani kanina lang may Gamehouse version pala yung game! Yey! May crack ako ng Gamehouse so unlimited gaming na naman toh. Ang bakla nung game Mr. T! Grabe! Pero sobrang saya. Dadamitan mo yung mga model according dun sa nakalagay na dapat idamit sa kanya. Example: Winter, Summer, Hippie... etc. Tapos dapat ayon dun sa weather yung mga damit na idadamit mo tapos igegrade ka! Aliw di ba. Tapos yun, 1 hour left, natapos din namin yung report. And then kain. Dapat sa Archer's place kaso parang puros frat mga tao dun, tapos sa La Casita kanina puros CS profs. So retreat --- sa Greenplace kami bumagsak. Ayun, nagmamadali kumain as in. Sumakit nga tiyan ko kamamadali. Anyways yun, tapos EBISNES na, nakaraos din. Buti hindi kami kinarne. Sabi niya baket kami absent lahat nung last meeting. Kala niya tuloy binoycot namin class niya. So yun, maaga ang dismissal. Tapos pauwi na, si Matty binalik na yung book tapos naiwan siya sa school dahil gagawa sila ng thesis ng groupmates niya. Ayun, hinuhukay na naman harap ng DLSU. Sabi ko... gagawan ng mga tunnel parang sa Mario tapos papasok na lang dun and then pagkalabas bahay na. Tapos weird, may nakasalubong kaming babaeng nakadamit ng Mario Bros. Wahahaha... what a coincidence. Tapos yun LRT na with Tin and Aubrey. Ayun, habang pababa naaliw ako sa bag ko dahil may Headphone chute sa gilid. So pinasok ko iPod ko sa bag tapos yung headphones nakalabas hahaha. Nagets mo ba? Basta ganun. Anyways, update you soon Mr. T! Love you mwah!
Currently listening to: How Sweet It Is (To Be Loved By You) by Marvin Gaye
Currently feeling: okay
Posted by jjcobwebb on January 22, 2008 at 08:57 PM in Everyday Drama | Post a comment
Candles are lit by our side
We are in each other's arms
Holding and caressing
Whispering and glancing
Let's wipe our tears
Let's calm our fears
You're safe with me
I'm safe with you
Tell me I'll be alright
And make this last all night
Posted by jjcobwebb on January 23, 2008 at 01:34 AM in Songs and Poems | Post a comment

          Ayun, just got home and kakareceive ko lang ng text ni Tin na yung girl na feeling namin bakla kanina eh ex pala ng ex niya. Hahaha --- narealize lang ni Tin nung pagkababa ko sa LRT2. Ano ba yun. In all fairness naman to the girl Mr. T! Maganda siya, makinis, maputi and all pero gandang bakla sa totoo lang. Face niya kasi may masculine features. Pero anyways yun. Ex nga raw ni Jiggy.

          So ano ba mga nangyari... hmmm... wasn't late for INTPHIL kanina, grabe, Allegory of the Cave na naman yung topic --- natake ko na kay Ms. Velasco yan. Nahihiya lang ako magrecite kanina baka tanungin ako kung pang ilang take ko na ng INTPHIL. Tapos yun, tambay sa Gox Lobby naglaptop muna. Dapat manghihiram ako ng PRTEMAN book sa Library kaso ang haba ng pila sa deposit area for bags. So yun, magisa sa lobby naginternet until dumating si Aubs. After mga 1 hour yun ha, tapos si Val sabay dating din, pinapaayos yung laptop niya. Weird nung laptop ang ganda pa naman FUJITSU. Dalhin ko na lang yung DVD ko na Windows Vista install ko sa Laptop niya. Dala ni Aubrey XP pero ayaw naman basahin. Dinala na raw niya sa Fujitsu kaso walang Vista OS yung Fujitsu. Mukhang mamahalin yung laptop ni Val. Anyhows yun, tapos PRTEMAN na. Nakachat ko pa ng sandali sa YM pala si Barry bago magtime. Ayun, discuss tapos recitation, na0 pa ata ako sa recitation --- hahaha. Feeling ko tingin na sa kin ni Mr. Sipin bobo... huhu. Anyhows, yun, tapos groupwork. Absent si Deck naku wala siyang grade for the seatwork kanina. Tapos yun, nakipagusap muna sina Tin kay Sir Sipin dahil kukunin nila yung phone nung company. Tapos kain kami sa McDonald's. Ginagawa pa rin yung kalsada sa harap --- may tubig na yung hinuhukay at pwede ng lagyan ng isda at gaing pond. Ang gulo ng harapan ng DLSU, ang ingay na, ang dumi na, ang init pa kanina. Namiss ko ang McChicken and McSpaghetti and Caramel Sundae so yun ang inorder ko --- sila ring 2, Tin and Aubs manok ang kinain. Tapos si Deck nagtext pupunta raw siyang school so naisip namin ni Aubrey magpamedical exam na lang. Tumangkad ako Mr. T! From 5'5 to 5'6. First year record kasi andun. Mata ko lumabo na naman shux --- right eye. So yun, after exam naiwan si Deck sa school si Deck and kaming 3 umuwi na. Bago pala umuwi si Aubrey nagCR, kami ni Tin nasa Amphi, naglalaro ng Jojo's Fashion Show sa tagal ni Aubs sa CR. And then LRT1 and LRT2 ulit --- last time ko na sasabihin yang LRT1 and LRT2, feeling ko kasi memorize mo na yan eh. Tapos may bakla pa kanina sa LRT2 station feeling ata kumakanta, wala namang kausap nagwawave ng hand sa air. So yun, eto ako naguupdate ngayon. Wala na naman magawa sa buhay ko.

Currently listening to: Lady by D'Angelo
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on January 23, 2008 at 04:53 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

          OMG, Mr. T! Hindi maalis alis sa utak ko yung bridge ng song ng Big Girls Don't Cry ---- wah --- since this morning I was singing it on my way to school tapos ngayon lang I found myself singing the bridge again! It's hauting me Mr. T! Ahahaha... anyways, I'll post the lyrics na lang baka makagetover ako sa bridge nung song... hahaha... here you go:

"Like the little school mate in the school yard
We'll play jacks and uno cards
I'll be your best friend and you'll be mine
Valentine
Yes you can hold my hand if u want to
Cause I want to hold yours too
We'll be playmates and lovers and share our secret worlds
But its time for me to go home
Its getting late, dark outside
I need to be with myself and center, clarity
Peace, Serenity"

Currently listening to: Big Girls Don't Cry by Fergie
Currently feeling: paranoid
Posted by jjcobwebb on January 23, 2008 at 07:58 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Well actually not full of crap but full of food actually,  or in short ---- full. Wah... makes no sense eh? Hahaha... labo ko as usual. I can't detail my story for today Mr. T! because I am so full and lazy to even type what I've just typed. Hahaha ---- labo pa rin. Ayun, I'll just bullet the things that happened today grabe. Wah!

  • Had EMTECH class. Group nina Deck nagreport about Smart Appliances
  • Then, lunch at Monarisa again, had Sinigang for ulam and Custard Cake for dessert. Nakita ko pa si Ma'm Kat and inexplain sa kin yun refund sa RELSFOR
  • NagFlyff sa Chiz sa may Sherwood, dapat videoke sa Prov pero 1 hour left na lang eh
  • Tapos had EBISNES. Group ni Reena and Pam nagreport. As usual galing ni Reena magreport. Idol talaga
  • Inayos laptop ni Val pero hopeless, sabi ko padala na niya sa service center ng Fujitsu
  • Jobet, Deck, Matty, Angelica, Aubrey and Tin super tawanan sa Gox kami. Naku talaga. Kung ano ano pinaguusapan naming joke time.
  • Tapos lakad until Quirino with Deck, Aubrey, Tin, and Matty
  • Si Deck umuwi na, kaming 4 na natira nagGateway
  • Ayun, tumingin si Tin ng Havaianas sa Rustan's tapos nagutom kami
  • Kain ako sa Wendy's ng large Cheese Bacon Mushroom Meal
  • Sina Tin and Aubs sa Mongolian Quick Stop kumain, si Matty sa KFC --- sa foodcourt pala kami kumain
  • And then nainggit ako sa kinakain nina Aubs and Tin, ayun, bumili rin ako --- hahaha --- naubos ko pa as in talaga. Hindi ko alam kung san ko nilagay sa tiyan ko yung mga kinain ko.
  • Tapos si Aubrey, umorder pa nung Takuyaki, tapos yung mga natira nila ako kumain. Grabe talaga bituka ko ang hirap
  • Tapos hindi pa nakuntento, dessert kami sa Dairy Queen
  • Ayun, pero share na lang kami sa 1 Blizzard dahil sasabog na rin mga tiyan namin --- hahaha...
  • Tapos si Tin LRT2 tapos si Matty and Aubs MRT, ako jeep
  • Pagkauwi ko aalis family ko kakain sa labas, hindi na ko sumama baka talaga sumabog na ko Mr. T!
  • Si Jeffrey nagonline after 48 years, buti naman may balita na ulit sa kanya
  • Ayun, ako lang tao dito sa bahay ngayon. Inaantok. Wah...

           So yan mga nangyari Mr. T! I'll update you soon alright and okay? basta daming kagaguhang nangyari ngayon. Sobrang hilo lang talaga ako sa kabusugan. Eto ata kabaligtaran ng hilo sa gutom. Si mama pala nakina tita Nita. Anyhows, update you soon Mr. T! Ayt ayt? Mwah!

Currently listening to: Rescue Me by Aretha Franklin
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on January 24, 2008 at 09:47 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Grabe! May dalang Lamb Chops from The Mediterranean sina ate. Ahaha --- shux takaw ko talaga ano ba yan! Sarap!!!
Posted by jjcobwebb on January 24, 2008 at 10:18 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Got this personality test from Chris' blog. I tried to answer it and t'was weird coz the result was so me --- hahaha --- except probably dun sa Education part pero I read it again and saw the word "want". So eto yung result:

Your view on yourself:

You are intelligent, honest and sweet. You are friendly to everybody and don't like conflict. Because you're so cheerful and fun people are naturally attracted to you and like to talk to you.

The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:

You are a true romantic. When you are in love, you will do anything and everything to keep your love true.

Your readiness to commit to a relationship:

You are ready to commit as soon as you meet the right person. And you believe you will pretty much know as soon as you might that person.

The seriousness of your love:

You are very serious about relationships and aren't interested in wasting time with people you don't really like. If you meet the right person, you will fall deeply and beautifully in love.

Your views on education

Education is very important in life. You want to study hard and learn as much as you can.

The right job for you:

You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.

How do you view success:

You are afraid of failure and scared to have a go at the career you would like to have in case you don't succeed. Don't give up when you haven't yet even started! Be courageous.

What are you most afraid of:

You are concerned about your image and the way others see you. This means that you try very hard to be accepted by other people. It's time for you to believe in who you are, not what you wear.

Who is your true self:

You are mature, reasonable, honest and give good advice. People ask for your comments on all sorts of different issues. Sometimes you might find yourself in a dilemma when trapped with a problem, which your heart rather than your head needs to solve.  

Currently listening to: Healing by India.Arie
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on January 25, 2008 at 12:49 PM in Online Tests | Post a comment

           Hello Mr. T! Kagagaling lang namin ng Araneta and together with family minus papa plus manang Luz and Carmi, nanood kami ng Disney On Ice. Every 3 years pala bumabalik dito sa Pinas ang DOI. So to start, hinadtid kami ni Ariel papunta dun, traffic sa may Crame. So yun, maraming beses ko na napanood toh pero okay lang, I never got bored. Mahilig lang talaga ko sa Disney and mga musicals and spectacles. So yun, pero before nun, kumain muna kami sa Mandarin Hotel. Compimentary yung tickets namin --- thanks to Unilab. Anyhows yun, okay naman yung food na sinerve. Eh medyo pa6pm na so kailangan di namin magdali kumain and pumunta sa Araneta dahil 6pm yung starting. Hassle, naiwan kami ni Mabel sa labas dahil nahold kami since 2pm yung nakastate sa ticket na binigay sa min. Pinavalidate namin pero di na raw puwede pero buti binigyan kami ng Unilab rep so nakapasok kami. Hiwa-hiwalay nga lang. Pero habang show, tinabi ni mama sa kanya si Kathleen, katabi ko sina Emo and Kobe. So yun, di namin naabutan yung Lion King. 101 Dalmatians na naabutan namin, tapos sumunod dun Little Mermain tapos break. Tapos Peter Pan and then Lilo And Stitch yung huling palabas. Grabe sobrang akala nila Kobe and Emo yung nagplaplay as Peter Pan si Zac Efron --- hahaha --- kahawig and kaboses kasi. Speaking of HSM, sa July babalik ang Disney On Ice and HSM naman ang iprepresent! Natuwa naman mga pamangkin ko. Maganda pa rin yung Disney On Ice kahit yung mga kasama ko inantok. Grabe may popcorn dun nakalagay lang sa Disney na box 100php na! Mahal! Anways yun, mga 8pm na natapos yung show and then naghintayan kami sa labas ng Araneta. Nakita ko pa si Lance, highschool classmate ko. Nanood din. And then, ayun, umikot muna kami ng Rustan's. Ang dami gusto bilhin ng nanay ko buti na lang naisipan na ni Ate na kumain na. So yun, sa foodcourt kami kumain --- not again! Kahapon lang nasa Gateway ako tapos ngayon Gateway na naman and take note, Wendy's na naman. Ayun, pero iba na inorder ko, Classic Burger Biggies naman. Hahaha... so yun, tapos umorder pang Pizza Hut --- grabe takaw!Sina Kobe and Emo hindi naubos yung inorder nila kaya pala may Pizza Hut. So yun, naghintay kami ng sundo namin sa harap ng Shopwise. Si Bruno kasama ni Al. Tapos hinatid namin si Carmi sa bahay nila. Ayun, eto ko ngayon, 11pm na kauuwi lang.

Pahabol: Dapat sasama ko kay Karol sa Laguna kaso hindi natuloy sayang. Hayz.... and yes --- ang sarap maging bata ulit --- sana hindi na lang tumatanda ang tao para masaya...

Currently listening to: Breathless by Corinne Bailey Rae
Currently feeling: inis
Posted by jjcobwebb on January 25, 2008 at 11:31 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Natapos ko rin laruin yung Jojo's Fashion Show Mr. T! Gusto ko lang ishare kung ano ba talaga meron sa game na toh. Hmmm... yeah, it's so gay and fabulous but who's not anyways???

          Ang gaganda nila noh? Ayun, the game is basically a mix and match game. You just have to dress up the models to whatever type of clothing the computer wants you the dress them up eg. Winter, Western, Dr. Zhivaga, Gothic, Bridal Punk, Hip Hop etc. Magkakaron ka ng score after maglakad sa runaway yung models. Yeah, there's a timer. Sana talaga Fashion Design na lang ang kinuha ko sa CSB dati --- hahaha. Pero okay lang, may Jojo's Fashion Show naman eh --- ahahaha...

Posted by jjcobwebb on January 26, 2008 at 08:35 AM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun Mr. T! Just got home. Usual Saturday for me, gimmick with family. Alam mo naman hindi ako mahilig gumimick ng Friday night with friends unless super bored. I'd rather go out with my family, para iwas gastos and may kotse pa. So yun, pinasunod kami ni ate sa Tiendesitas --- Emo attended a birthday kasi sa Fun Ranch kaya andun sila. Nagbabantay ako ng drugstore before tumawag si ate na sumunod kami Tiendesitas. Anyhows, yun, kasama si mama, papa, Kobe, Kathleen and Bruno, sumunod kami papunta dun. Ayun, tapos pumunta sa mga aso tapos ikot ikot and then kumain. Grabe ang dami ko na namang nakain Mr. T! Ayoko na sobrang takaw ko na. May empanada, okoy, bbq, isaw, page, inihaw na baboy, mango cake --- grabe parang may party lang. So yun, daming tao --- the band playing sucks. I can sing better than the vocalist. The only thing I liked about them was their setlist. Then yun, after kain, uwi na agad. Sana nagSerendra kami. Nakakamiss ang Serendra!!! Anyweiz, yun update ko Mr. T! Buti na lang talaga gumala kami dahil kanting kanti na paa ko umaalis kanina pa. Imagine 8am ako nagising tapos natulog ulit ng 1pm and nagising ng 4:30pm. Saya ng buhay ko noh! Hmmm... update you soon Mr. T! Mwah! Love yah! 

P.S. Weird ang tiyan ko lately Mr. T! I get hungry easily and I don't know why. This all started nung nagkaLBM ako last week... nyay!

Currently listening to: Time Will Reveal by El Debarge
Currently reading: Limewire Search Results
Currently feeling: busog
Posted by jjcobwebb on January 26, 2008 at 11:47 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)

QUOTE:

Posted October 6, 2007, 9:08pm, 'Oreo Cheesecake':
"And then yun, around quarter to 6pm, nagtext na si Jeffrey na nasa Tropical na raw siya. Weird nga eh, ako pa nauna sa kanya dun, san kaya galing yun? While waiting for Barry and Rhitz, nagProvidence muna kami for awhile and then tumawag na si Rhitz na malapit na raw siya. Umalis na kami ng Prov ni Jeff and met up with Barry sa CSB gate tapos yun, andun na yung kotse ni Rhitz. Since sabi ni Rhitz hindi na showing yung Lalaki Sa Parola sa Galleria, magisip na lang daw kami kung san pa pwede pumunta. Sabi ko na lang sa Galleria kasi dun na napagusapan at dun na lang rin tumambay."

          Ayun, pagkagising ko, hindi muna ko naghilamos or kahit ano, nanood muna ko ng Ugly Betty! Nyahahaha! Ngayon, just finished watching Lalake Sa Parola. Grabe, natapos ko rin idownload after several attempts. 3 months after ko lang napanood yung Lalake Sa Parola. Dapat papanoorin naming 4 toh pero hindi na namin naabutan yung exclusive showing sa Galleria.  Ayun, it was a nice movie. Not a fan of the acting though. Nalabuan ako at first sa mga pinagsasabing diwata nung matanda. Parang medyo Broke Back Mountain na made in the Philippines. Ow, si Heath Ledger pala Mr. T! patay na nga pala! Drug abuse raw. Going back to Lalake Sa Parola, so ano ang moral of the story? In order for a gay relationship or should I say any relationship to work, kailangan, accepted ng isa't isa ang pagkatao niya. Dahil kung hindi, tulad ng sa story, it won't work out. Well, hindi naman yun lang ang kailangan, essential yun pero marami pa rin dapat gawin for a relationship to work out. Cute ng accent ni Harry Laurel shete --- bagay yung probinsyano accent sa kanya! Si Justin de Leon feeling ko gay talaga. So yun, ganun lang kasimple. Ako accepted ko naman sarili ko eh, hindi ko lang talaga mabigay bigay ang aking lurve. Hahaha!! Anyhows, I think I'm fully recharged for tomorrow. Been sleeping the whole day at home. I also watched Chicago on DVD kaninang hapon bago ko makatulog. Ayun, wala talaga nangyari ngayon. Walang tao sa bahay buong araw. Ako lang ang natira! Namili ng mga pampaganda sa Pure Gold lang. Nag-ulam ng monggong may halong luya. Salamat sa tatay ko --- ugh! Yes, ang tiyan ko ang laki na! Salamat sa mga chocolate sa ref! Grabe, ang lakas ko pa talaga kumain lately! Hindi mawawalan ng laman ang bibig ko mga panahong toh! Utot tuloy ako ng utot! Yuch! Ihi rin ako ng ihi... weird...tsk tsk tsk.... sige sige, I'll update you soon Mr. T! Ayt? Panibagong linggo na naman. Mwah!

          On a sad note Mr. T! Si Tita Nita, inatake raw sa puso and sinugod sa ospital ngayong araw din. Hay, sana naman, *crosses finger* matapos na paghihirap niya either sa kagustuhan ni Lord matapos or better ay best pala, pagalingin siya. Sige sige...

Currently listening to: Yesterday Once More by The Carpenters
Currently feeling: recharged
Posted by jjcobwebb on January 27, 2008 at 11:38 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Ayun, si Aubrey first time nagdala ng car!!! Yey! May company visit kasi group nila sa METHODS kaya siya may dala. So yun, INTPHIL muna, nanood ng documentary, Jesus Camp yung pangalan. Sobrang lamig nung classroom grabe. Tapos had PRTEMAN, ayun diniscuss lang ni sir chapter 3 and then groupwork. Grabe -10 kami sa groupHW dahil walang source and -10 sa isang groupwork dahil walang group number! Kumusta naman talaga. And then yun, naglunch sa Andrew Cantee. Nakadalawang Cream Puffs ako for dessert shux ang takaw ko. Tapos yun, kala ko hindi kasama si Deck, himala kasama siya. Tapos yun, si Matty hindi kasama kasi may class pa siya so ang groupmate nila Tin and Aubrey na si Jobet ang kasama. Ayun, nakapark si Aubs sa may EGI. Then off to Makati we go. Paseo de Roxas raw so ayun, akala namin alam namin ang daan pero hindi pala. Salamat sa mga puros ONE WAY na kalsada sa Makati, muntik na kaming mapadpad sa Sta. Ana. Hahaha! Ayun, nakaabot kaming Glorietta nagtanong sa isang guard pero ang labo nun direction niya. Pero buti na lang talaga napaAyala Avenue kami dahil andun may malaking PASEO DE ROXAS na sign. So yun, alam naman pala ni Jobet yung address nung company na Wide Out. Company pala ni Mr. Sipin toh. Ayun, una, nalamapasan namin yung 111 Bldg. so ikot ulit. Hahaha. Paikot ikot talaga as in. Pero buti yun, nakapark kami sa wakas sa likod ng building. Nung papasok na kami, bawal pala tsinelas and magpark dun sa pinagparkan namin. So, since si Tin and Jobet lang ang nakashoes, sila ang pumasok sa company at naghanap kaming 3  ng parking ang yes --- umikot ikot na lang kami sa Greenbelt. Grabe may malditang babae dun sa smoking area ata nung building. Maldita talaga yung itsura niya. Parang gusto makipag-away. So yun, sa may GB2 kami nagpark tapos kaming 3 nagpaikot ikot muna sa GB5 tapos GB3. Inaasar mga sarili nung pumasok sa Apple Store. Dapat kakain kami kaso exaj talaga, magtitipid nga kami di ba? Ayun, nagTimezone na lang kami. Videoke muna. Tapos mga after siguro 1 hour dumating na rin si Jobet and Tin. Ayun, nainterview na nila si Sir Marco. Nosebleed daw kasi mega-english. Ayun, laro laro muna sa Timezone. Nagsuper bike sila. Si Jobet pinatry ko yung boxing game pero hindi niya natalo yung high score sayang. Tapos nagDance Maniax ako mag-isa. Tapos yun, uwing uwi na ang lahat dahil antok na rin. So yun, hiniram pala ni Jobet yung battery ng phone ko kasi nalowbat siya so binalik niya nung papunta na kaming parking. Okay lang sa kin magpahiram ng phone dahil wala naman sa kin nagtetext huhu! Anyways  yun, si Jobet naiwan dahil imemeet ata yung friend niya at makikisabay na rin. Tapos, kaming 4 bumalik na ng Taft. Ayun, traffic tsk. Nahilo ko bigla at sumakit ulo ko til now. Hmmm... ayun, kala ni Aubrey may left turn sa Vito Cruz, kumusta wala... sana hindi muna kami bumababa dun sa Pasay part ng Taft! Tsk... sarap sabunutan ni Aubrey eh! Hahaha. Ayun, kaming 2 ni Tin ngayon ang nagLRT lang. Dapat pala si Tin sasabay sa tatay niya umuwi pero ang bait niya at sinamahan niya ko pauwi pa rin. Tapos yun si Deck umuwi na rin sa kanila. Nagsiomai muna kami ni Tin sa LRT2 Recto Station. Nakakamiss ang Siomai House grabe. Sarap sarap talaga kumain dun. Tapos yun, pagkauwi ko tulog ako. Amoy insect spray pa kwarto ko talaga until now. Mga lecheng lamok yan kasi kagabi eh. So yun ang update ko ngayon Mr. T! Lesson of the day? Mas madali magcommute!!! Compared sa taxi wherein uupo ka lang and sasabihin kung san ka babasa driver di ba? Ganun kadali. Ang hirap magrunong runungan! May mga pictures pala ko sa phone ni Aubrey hahaha... hind pa nagoonline ang gaga. May mga dadalhin pala for EMTECH tomorrow and yung proposal sa EBISNES tomorrow na rin... sige sige. Sakit pa rin ulo ko. Update you soon ayt? Mwah mwah!! 

P.S. Gusto ko ng masahe!!!! Kung puwede lang masahihin ang sarili

Currently listening to: I Need To Be In Love by The Carpenters
Currently feeling: hilo
Posted by jjcobwebb on January 28, 2008 at 11:25 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Kauuwi lang namin galing kung san san. Pero bago yun, kuwento ko muna mga nangyari ngayong araw na toh. Ayun, late for EM-TECH. Nasira pa yung train kasi sa may Tayuman station pero buti naayos agad kaya mga 20 minutes akong late. May dala kong cartolina and Manila paper kasi may groupwork. Ayun, pinagawa kami ng A.I. for classroom. Ayun, yun naassign sa amin. And then after EM-TECH tumambay muna sa Gox. Andun si Neil and Jobet nakikibonding din habang nagkukulay kami ni Tin ng gown. And then si Deck umuwi, kumain kami nina Tin and Aubs sa Andrew Canteen. Barbeque lahat order namin and sabaw ng Tinolang Manok. Tapos tinapos yung EM-TECH project. Kagroup ko pala dun sina Mae, Rick, Ryan, Abby etc. Tapos yun, naghintay kay Ms. Pineda for EBISNES pero absent siya. Habang naghihintay pala nakiupo muna ko sa lobby kina Beck, Omai, Jerk, Japet, Marco and Hazel. Hahaha, kinukulit ko kung si Hazel na ba and Japhet. Shucks, CSE people. Anyhows yun, after nun kinuha na naming 3 nina Aubs and Deck mga X-ray namin. Clear naman yung sa amin ni Deck pero kay Aubrey may nakita. Nakalimutan ko yung name nung nakita masyado kasing scientific. Anyhows yun and then uwi na. Sa LRT2 grabe ayaw tanggapin ticket ko. Pinatry tuloy sa kin lahat ng gate, parang laro lang buti may isang gate na tinanggap yung ticket ko and magkabilaan pala talaga kami ni Tin na gate na pinasukan. As usual, tulog pagkauwi and then pagkagising, si Ate pumunta sa bahay para sunduin kami dahil magcecelebrate ng birthday ni itay hahaha. Ayun, buti si Bruno nakahabol. Galing Batangas kasi may community service dun. Tapos yun, kasama si Lola, Tita Beth, Manang Luz, Erwin, Ate, Mama, Papa and si kuya Joel nagdrive pumunta kamng Harbor View. Walang batang sinama. Sayang wala si Kenneth at Mabel para super happy family kanina.

          Ayun, grabe, busog na naman ako as usual. Dami naming kinain --- Crispy Pata, Pansit, Java Rice, Rice, Sinigang Na Bangus, Crunchy Pusit, Kilawin, Puso ng Saging na ewan ko kung ano yung pagkaluto. Ang dami dami talaga. As usual busog na naman ako. So yun, dapat dun kami magdedessert pero feeling ni ate hindi masarap ang cake dun kaya sabi niya sa Manila Hotel na lang kami magdessert. Ayun so dun nga kami nagdessert ng Ube Cake. Sabi ko yung Blueberry Cheesecake na lang kaso maliit lang eh kaya yung Ube Cake na lang. Ayun, okay naman, si Lola as usual laughtrip. Laging masaya pag kasama si Lola. And then yun, ikot ikot Manila Hotel tapos umupo sa may pool at nagkwentuhan muna. Nakita si Hagedorn and Echeveri. Exaj mga press talagang super habol kay Echeveri. And then yun, next stop sa ospital para bisitahin si Tita Nita. Pero una hinatid muna namin si Erwin sa bahay nila. Hindi na siya sumama sa ospital.

          Ayun, sa Marikina Valley Medical Center nakaconfine si Tita Nita. Grabe, gusto ko talaga maiyak nung nakita ko si Tita Nita. Sobrang pumayat siya from the last time I saw her. Iba talaga eh, grabe talaga hindi ko madescribe ang feeling. Alam mo sa totoo lang, parang hindi na siya aabot ng isang linggo. :( Hayz, basta yun, andun si Tita Grace nagbabantay, kasama si ate Katherine and Kuya Michael. Nakakulungkot. Sabi ni Tita Nita kay Lola na pagod na raw siya. Ang bigat talaga ng mga eksena kanina Mr. T! Nakarespirator na siya, may catheter pa. Hayz, nahirapan pa siya huminga. Nagkakatubig na rin daw kasi yung puso niya. Ewan ko ba, basta nahirapan talaga ko tignan. Ayun, nung paalis na kami sabi ko sa kanya I love you. Baka hindi ko na kasi masabi. Ang bait bait pa naman ng tita namin na yun. Anyways si Lord na lang bahala this time. Siya lang may alam kung anong makbubuti eh. So yun, si Lola sabi lahat naman raw namamatay. Hari, archbishop, pari, presidente etc. Parang shooting lang raw yun, kanya kanyang way ng pagkakamatay. Sa totoo lang Mr. T!, hindi ako takot mamatay eh. Lahat naman kasi namamatay. Pero sana wag muna ngayon --- marami pa kong hopes and dreams eh. Ni hindi pa nga ako nagkakajowa! Amp naman Lord eh! Hahaha. So yun, sayang wala akong magagawa kung hindi magdasal na lang...as of now tumawag sina ate dito sa bahay, may umaaligid daw na lalaki sa bahay nila. Ayun, nagpapunta na si Mama ng tanod sa kanila. Update you soon Mr. T! And ugh... si Cyrus nagtetext na naman... ugh talaga...

Quote from Lola: "Ang kayamanan nawawala, ang kahirapan laging nanjan..." --- tama nga naman! Hahaha... 

P.S. Mariah's new song should leak on the net today. To Mariah: Stop killing your fans from waiting... :P

Currently listening to: Video by India.Arie
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on January 29, 2008 at 11:43 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Wala ko kasing maisip na title para sa entry na toh eh. Sobrang init ngayon grabe. Basta yun, wasn't able to attend my INTPHIL class again. Wala rin METHODS til Monday. Tsk, hay... ayun, just had PRTEMAN, late pa. Tapos tinatanong pa ko ni Sir about sa Chapter 3 kanina ano yun. Late na nga ako pa tinanong. Malamang hindi ko nasagot. Nasa LRT pa yung utak mga panahong yun. So yun, maaga kami dinismiss si Sir Glenn, tapos, nagpakababoy na naman kami sa Kenny Rogers. Una sa KFC kami pumasok tapos lumabas, sa McDo walang table so yun, sa Kenny nauwi. Hay, ayun, while we were there, pinagusapan namin yung issue ni Tin and Val. Ngayon alam ko na kung baket sila nagkasamaan ng loob. So yun, and then nag 10Q bibili dapat ng dessert kaso wala kaming mahanap na dessert dun. So pumunta na lang kaming Prov. Ayun, hinintay lang namin si Ivan dun. Tapos uwi na. Nakachat ko kanina si Barry and Jeffrey. Hay miss ko na sila. Si Rhitz pala kanina pinatanong sa kin when ang enrolment and reservation kanina sa school. Hmmm... si Aubrey nga pala, kailangan pa rin ng tests raw dahil dun nga sa X-Ray niya. Tapos ayun, umuwi with Ivan and TIn. Si papa nga pala babalik na sa Riyadh bukas. Super Youtube ako kanina rin pala hahaha. Anyhows, yun lang naman update ko eh. I'll update you soon ayt? Kagagaling ko lang ng drugstore nagbantay. Hindi ko rin alam baket pa ako nagdinner eh busog naman ako. Lalo tuloy ako nabusog. Grabe, laki na talaga ng tiyan ko shuckies! Hayz...sige sige update you soon Mr. T! Mwah!
Currently listening to: Rainy Days And Mondays by The Carpenters
Currently feeling: okay
Posted by jjcobwebb on January 30, 2008 at 09:49 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun Mr. T! Had EM-TECh as usual. Hindi ako late. Reporting lang about Business Intelligence. Tapos went to meet up with Aubs and Matty sa South Conservatory. Andun sila since hindi sila nagsipasok. Hmmm... buti si Deck dala niya laptop niya, ayun ginawa namin yung EBISNES proposal. Hmmm... tapos si Luis nagtext and sasabay raw talaga siya maglunch. Kala ko nung sinabi niya nung umaga yun joke joke lang. Ayun, sabi ko sumunod siya sa may convserv. Sumunod nga. Ayun, nakablack shirt, skinny jeans, kalbo and take note --- nakacontact lense. Hahaha --- ambakla lang di ba? Mukhang lalaki naman pero hintayin lang talaga magsalita. Gwapo sana sayang. Hahaha--- anyways yun. Gumawa muna kami nung project habang nakikigulo rin si Luis. Sobrang fun ni Luis kabaliw.

          So yun, around 12pm naglunch na kami. Sa Andrew Canteen na naman kami kumain. Parang nagiging favorite canteen namin toh ha. In fairness naman, maganda naman talaga yung canteen na yun. Si Luis, walang ID, hindi kasi enrolled for this term magLOA kasi siya. Pero buti may pass naman siya. Ayun, had sinigang sa miso, tapos sila Bbq and si Luis, sizzling sisig. Ayun, yung canteen may buffet na naman. May convention na naman siguro. Nakita pa namin si Ms. Pineda dun. Ayun, kuwentuhan, kulitan. So yun, magwa 1pm na, ESBISNES na. Si Ms. Pineda nakita na rin namin umalis nung canteen. So yun, si Matty gusto magFlyff and since ako wala rin sa mood magEBISNES, ayun, sabi ko sasama na lang ako kay Matty. Ayun, super hintay kami dun sa elevator. Si Luis feeling niya hindi na siya kasya dun sa elevator so from 5th floor nagstairs siya. Hinintay ko pa tuloy siya dun sa ground floor. Then pinaprint na namin yung Proposal tapos si Luis, since kailangan niya pumunta sa D.O., we parted ways na rin dun sa EGI. Si Deck rin tinamad pumasok, so si Tin and Aubrey ang representative sa EBISNESS.

          Ayun, sa JetSearch kami sa may Sherwood naglaro ng Flyff. Twice ako nagpalit ng terminal since laging nawawala yung connection ko sa net. Ayun, si Deck sumunod dun. And then wala pang 2pm nagtext na yung 2 babae kung asan raw kami. Ayun, nagCerealicious yung dalawa, sumunod naman kami. Hindi ako nakapagFlyff ibang room kasi yung character ni Matty eh. Tsk, anyhows yun. Usap and bonding sa Cerealicious. Sila Tin naman sabi ang cute raw namin ni Luis together. HELLO????!?!?! C'mon naman. No comment na lang talaga ako dun. Umuwi na rin kaming maaga. Si Matty gusto magGreenhills pero buti hindi natuloy. Inaantok na rin ako.

          So yun, pero nung nasaLRT kami, bumaba kami ni Tin sa Carriedo. Dapat titinginako ng DVD. Kaso shete, wala na yung mga nasa gitnang stalls. Tapos yung tinitignan pa naming isang grabe, niligpit agad yung stall niya kasi may pulis raw. Sayang, yung concert pa naman ni Mariah yung pinalalabas. So yun, first time pa lang pala ni Tin makapuntang Quiapo. Grabe, ang yaman talaga. Wala riin kaming nabili. Parang nagtour lang. Sabi ko kay Tin may building dun na puros pirated binebenta kaso mukhang natatakot na siya sa Quiapo so hindi ko na lang pinunta dun. Ayun, nilakad namin til LRT2 then uwi na.

          Ayun, natulog muna ko and eto, asa van kami ngayon. Ihahatid si papa sa airport. Walang magawa dito puros matatanda naman kasama. Si Lola, yung alalay niyang si Toochie, si ate, mama and manang Luz. 10pm ang flight. Traffic pa dito sa Quirino. Sana hindi kami magtraffice sa South. Sige sige Mr. T! Update you soon okay? Mwah!

Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on January 31, 2008 at 07:57 PM in Everyday Drama | Post a comment
          Shux, sa February 2 na aalis si papa since kanina pa raw madaling araw yung flight. Weird nung ticket niya. Nakalagay 2200 tapos madaling araw? Weird weird...
Currently feeling: puzzled
Posted by jjcobwebb on January 31, 2008 at 10:52 PM in Everyday Drama | Post a comment
Posted by jjcobwebb on January 31, 2008 at 11:13 PM in Songs and Poems | Post a comment
« 2007/12 · 2008/02 »