Entries for September, 2007

          Two things baket Welcome Back ang title ng entry ko na to Mr. T! Unang Welcome Back is para sa akin, because I haven't updated you for exactly one month now. Sobrang dami na nangyari Mr. T! sa nakalipas na isang buwan na yun. Hay, hindi ko na madetalye kung anu-ano yung mga naganap. Pero susubukin ko na alalahanin lahat okay? Sige bullets na lang siguro yung mga happenings okay? Sige eto na:

  • Birthday ni Reamaur sa Tiendesitas
  • Tito Boy's funeral
  • Duty Free with Family
  • Erwin and Ate in Malaysia
  • Overnights sa bahay ni Bo
  • Course Cards Day, then Sherwood
  • Cellphone ni Matty naholdap
  • SYSDEV2 Defense and Revisions
  • Greenhills with Brian ang Chai
  • Bagyo here and there
  • Suspension here and there
  • Bitin na Termbreak
  • Bagsak sa INTPHIL
  • The search for METHODS groupmates
  • DLSU vs. ADMU --- talo na DLSU twice! Tsk naman!
  • Si Mariah may fragrance line na
  • High School Musical 2 Mania + Vanessa Hudgens' pics ehehehe
  • Laptop Repair
  • Garrick's accident
  • Spongebob addiction
  • Maury Povich addiction
  • Jerry Springer addiction
  • Ugly Betty addiction
  • Emote moments with Tom
  • Yung pinsan ni Barry na kabaliw sa phone
  • Ahhh... super makeover sa parlor sponsored by Ate
  • Pizza party with Page

          Shux yan lang mga natatandaan ko Mr. T! Hmmm... ano pa ba... grabe yan lang talaga eh. Sorry talaga kung sobrang hindi na ko nakapagupdate nung nagdaang month. Marami rin naman kasing ginagawa. Hay, pasukan na kanina. Start of 2nd term as a Senior. Grabe ang bilis Mr. T! Hay, magfofour years na pala ako sa DLSU. Ei, oo nga pala, immortal na ko. Ayun yun sa sinabi ni Ms. Divina na dapat less than 57 units na lang ang natitira mo. Which means kahit magexceed ako ng 27 units of failure eh sure na ko na may DLSU diploma ko. Hehehe... So yun 16.5 units ako this term. Anyways, yun Welcome Back part 2 ihihiwalay ko yung entry okay lang ba? Gusto ko kasi may sarili siyang entry kasi special siya eh. Alrighty? Sige sige... gagawa ako bagong entry...

Currently listening to: Heartbreak Hotel by Whitney Houston, Faith Evans & Kelly Price
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on September 11, 2007 at 01:26 AM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun, eto nga ang part 2 Mr. T! Well, Welcome Back rin title nitong entry nito kasi si Jeffrey nagparamdam na. Ang saya di ba? Kasi ganito yan, last Saturday night nag-online ako, himala, nag-online din siya. Hindi ko alam baka invisible lang siya sa kin pero anyways yun. Dapat imemessage ko siya pero nauna siya magmessage sa YM. Ayun, nagulat ako dahil kinumusta niya ko. Tapos ayun napag-usapan na nga namin mga naging problema nung iniwan niya kami. Browse niyo na lang entry ko nung May kung gusto niyo malaman yung kwento. Anyways yun, narealize niya impotance namin and mga ganung eksena. Siyempre ako masaya dahil nga nagbalik siya. Grabe, parang nung nagiinarte siya kinain ko lahat ng pride ko maayos lang kami. Ang pangit naman siguro kung inaway ko pa siya lalo nung binati niya ko di ba. So ayun, sabi niya isecret ko muna kay Barry and Rhitz. Hindi ko alam kung baket kailangan ako una niyang batiin. So yun, parang walang nangyari. As usual umiral na naman kagagahan namin online that night. Gusto niya raw kami magkitakita. So sabi ko na ako na bahala dun. So ayun, sinet-up ko nga na kahapon or kanina magkita sa Glorietta, second home namin. Anyways yun, gusto ko maiyak talaga dahil binati niya na kami. Kahit binagsakan niya ko ng phone, kahit super deadma siya sa amin. Madali naman ako magpatawad Mr. T! Nakita ko rin naman importance ni Jeffrey nung kaming 3 na lang nina Barry and Rhitz magkakasama. Somehow may kulang talaga. Anyways yun, ang sad lang kasi, aalis din si Jeffrey for Taipei kasi dun na siya magwowork. Alam mo yun, parang gusto ko sabihin na sana di ka na lang nagparamdam eh aalis ka rin naman. Pero mas maigi na rin siguro na nagkaayos kami di ba? Ayun sad lang. Sinabi ko sa kanya yung mga plans namin for his graduation, yung plan na puntahan siya at kung anu-ano pang mga nangyari nung panahong hindi na niya kami iniimik. Ayun, nagkwento rin siya about sa mga happenings sa buhay niya. Na ang hirap magpanggap with all your "different" friends out there. Nakakatawa mga kwento. Parang ikamamatay ko ata yun kung ako nasa sapatos niya during those times. And then yun, planado na lahat for Monday (kanina). Ayan, fast forward na tayo Mr. T!

*NOTE YUNG ENTRY SA BABA SUMMARIZED NA DAHIL NAGCRASH PC KO SO BALI YUNG ENTRY SA TAAS LANG ANG NASAVE

So yun, nagkita kami ni Jeffrey sa Tropical. Nagusap dun pero hindi naman umorder. And then nagProvidence. Sumunod sina Tin, Deck and Aubs dun. Tapos around 12:30 pm we went seperate ways na pero ako at si Jeffrey magkasama pa rin to meet with the Godesses. Ayun, nagLRT and MRT kami. Tapos sa Digita Exchange namin mineet si Barry na nasa phone. Buti naman hindi nagtaray si Barry. Ayun, tapos kumain kaming Tokyo Tokyo tulad ng dati. And then dumating si Rhitz, hindi prepared. Tapos nagTIMEZONE kami sa GB3 tulad ng dati. Ayun, pinavideoke na naman ako ni Jeff. Twice ko nakanta yung CHANGES IN MY LIFE for this day. And then sina Barry and Rhitz nagpinball, nagbarilan, tapos lahat kami nag CIRCLEDOME. Wah, nagTILT pa yung unit na nilalaro namin! Hahaha... so yun. Tapos tumambay kami sa Powerbooks. Nagusap usap. Nagkaayos na rin sa wakas. And then since sasabay si Jeffrey sa kanyang forever overprotective mother, by 7pm umalis na siya nung nasa Jollibee na kami. Nakakatuwa dahil parang walang nagbago sa min. Ganun pa rin, palakad lakad. Di alam kung san pupunta. Kwentuhan kung ano lang maisipan. Asaran pa rin. Kulitan. Siguro may mga bagay na mababago pero feeling ko babalik rin halos lahat sa dati. Though sadness nga lang si Jeffrey aalis for Taipei, hindi na naman kami kumpleto. Ayun, nagMRT kami umuwi ni Rhitz and Barry. Pagkauwi ko tulog ako agad. So yun, 2:28. Leche nabura pa yung una kong entry! Shetness talaga. Some realizations lang, siguro kahit gaano galit ko sa isang tao, madali ako magpatawad. Ewan ko, natutunan ko yun kasi wala rin naman akong mapapala kung hindi kami magpansinan. Hindi maayos ang problema kung hindi kasi pinaguusapan yun eh. Sana we'll always stay this way. Laging masaya, kahit may kontrabidang mother okay lang. Kahit na aalis si Jeffrey sa malayo. These things add spice to life. Wala lang, masaya ko kasi buo na ulit kami. Parang Dreamgirls talaga ang kwento. So yun, sobrang happy ako. Ang sarap isipin na bawat friends mo eh importante ka sa kanila and importante rin sila sa buhay mo. Sana hindi na maulit yung mga madadramang moments nun. Hello tanda na rin namin para mag-ayaw ayaw na parang mga bata di ba? Hay... ang saya. I just realized that I don't need a boyfriend after all cause I have the 3 of them! Hahaha --- sige sige update you soon Mr. T! Ayt? I love ya, I enjoy and appreciate ya! Mwah!

Currently listening to: Whenever You Call by Mariah Carey & Brian McKnight
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on September 11, 2007 at 01:31 AM in Everyday Drama | Post a comment

          Ahahaha, hello Mr. T! Welcome me back. Ayun, yung title ganyan kasi for the whole afternoon kasi nakapayong kami ni Tin sa kalsada kanina. Anyways, di ako nakagising kanina for RELSFOR. Guilty rin pala si Erap. Ayun, tapos pumasok na kami ng BPOUTSR kanina. Magkakagroup kami as usual. Since 4 kami sa group kami una magprepresent sa mga reporting. So yun, binigyan na kami ng babasahin for BP tapos sa PRTEMAN din grabe ang haba ng babasahin. Anyways may assignment daw TECHNPRE. Update muna kita. Ayun, naputik putikan kami sa Agno kanina. Naglinis pa tuloy kami ng paa sa Eric's. Tapos si Aubrey and Deck umuwi na. Kami ni Tin nagPODIUM kasi imemeet niya mom niya. Ayun, eh matagal pa mom niya, so umikot muna kami Podium and then Megamall. Grabe ang lakas ng ulan. Pero in fairness walang putik sa Ortigas Center. Hahaha. Ayun, tapos bumili ng book si Tin sa Powerbooks and then National. Ako kumain ng Chicharong Bulaklak and nung Korean Cake while waiting for her sa labas ng National. And then, kailangan ni Tin magpapicture. Dapat sa Tronix pero gusto niya formal yung damit, ayun, sa Great Image kami napadpad since ineedit dun yung pic. Tapos, kumain kami Wendy's nilibre niya ko ng Bacon and Mushroom Cheesemelt. Tapos yun, kasi 1 hour yung waiting time nung picture niya. Nangstroll muna kami sa mall. And then nung pagkakuha ng pics niya, kinita na namin mom sa Podium. Ayun ako naglakad til Galleria para magbus pauwi. Ayun, tapos nagonline, nakachat si Jeffrey at nasugatan raw siya sa paghiwa ng baboy dahil pinapunta siya sa carenderia ng friend ng mom niya... kawawa naman. Hahaha... epal na mom, yan tuloy nasugatan anak niya. Tapos kailangan raw ni Jeffrey ma military service sa Taiwan --- hahaha --- labo.  Tapos si KRV may kwento about Lloyd --- hmmm... updates are not yet available diyan sa kwento. Tapos si Jeffrey pala binigyan ako ng link ni Alemberg Ang na nasa Government. Hahaha --- funny funny. Si Barry labo nagtext na maglunch kami pero di nagreply back. Anyways, yun muna Mr. T! Update you soon ayt? Love yah! Mwah!

Currently listening to: Fake Your Way to the Top by Dreamgirls Cast
Currently feeling: beautiful
Posted by jjcobwebb on September 13, 2007 at 12:30 AM in Everyday Drama | Post a comment
          Grabe Mr. T! Sobrang namaltos paa ko sa lecheng itim na Chucks yan! Wahuhuhu, kala ko magnanana paa ko ala Jeffrey pero buti hindi. Nagbalat lang yung little toe ko... ouch! Anyways yun, nagpaa na ko pagkababa ng LRT2 kasi sobrang hindi ko na kaya yung sakit. Buti nadaan ako sa drugstore at andun si Reamaur at nakipagpalit ako ng tsinelas. So yun, ano ba mga nangyari... hmmm... ahhh... lintik wala pala kaming LITEERA1 kanina! Umabsent pa kasi ako nung Tuedsday eh yan tuloy hindi ko alam. Tapos nagstay lang ako sa Comlab. Tapos sina Tin nagsySYSDEV2. So nung nabore na ko sa Comlab, pumunta akong Eric's. Kumain ng Super Jumbo Hotdog at Kwek Kwek at Melon Shake. Tapos nun, TECHNPRE. Grabe 45 students kami sa class. Tapos pinagiisip kami ng product na ibebenta sa bazarre. Naisip naman tsinelas na may tatak ng DLSU, inspired by Havainas. Di ba panalo! Hahaha. Tapos PRTEMAN naman. Grabe buti naman lang nakuha naming kagroup ni Angelica marunong magprogramming kung hindi patay kami dun sa subject na yun. Thanks kay Mikel. So yun, nakakaantok si Mr. Sipin maglesson grabe na ito. Buti 1 hour lang tumagal yung tinalakay niya kanina. Gusto ko na talaga matulog sa class kanina. After ng PRTEMAN, hinatid ako ni Angelica sa Central Gate para pumunta sa WOK DIS WAY. Andun kasi sina Tin, Deck, Matty and Aubs. Ayun, napakain pa ko ng Sisig with Rice. Sobrang takaw ko na Mr. T! Pero payat pa rin ako. Tapos naaliw kami sa isang poster dun mga Chinese words na hindi naman sa amin tinuro tulad ng: GHOST, I AM GAY, GODDESS, SHIT, MARIJUANA....etc. Cool nung poster. Tapos yun, dapat pupuntang National Bookstore Cubao kasi may bibilhin na book si Aubs. Buti merong book sa National Bookstore Taft. Naaliw ako nakita ko yung book ni Wanda Ganda sa National. Tapos yun, umuwi na kami as usual. LRT1 and LRT2. Birthday pala nina Joyce and Edgie ngayon Mr. T! Happy Birthday sa kanila. Hehehe. Grabe masakit pa rin paa ko Mr. T! Hay, sige update you soon. I love ya, I enjoy ya, I appreciate ya... kagigising ko lang pala... hahaha. Sige sige! Mwah!
Currently listening to: Changes In My Life by Mark Sherman
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on September 13, 2007 at 09:11 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Bago ako pumuntang Bicol update muna kita. Well, nakapagRELSFOR ako kanina. Grabe haba ng opening prayer ni Sister Pinky parang retreat tuloy. Tapos may bago akong pasok na classmate ang cute shucks. Tapos nagroup sharing ng mga myth about creation. Tapos had a 2 hour break. Si Sherry pumasok na at nakita ko na rin sa wakas. Tapos, nasa library ako nagbasa ng PRTEMAN. Tapos had BPOUTSR, pinauwi kami ng maaga. Tapos nasa library na kami the whole time nina Deck, Tin and Aubs. Ayun, tapos kumain sa Raps --- sobrang dami naming kinain at nag dessert pa kami. Tapos umuwi na. Eto ngayon, pinagmamadali ako ng mom ko kasi aalis kami for Bicol in less than an hour. Peñafrancia Festival kasi eh Mr. T! And plus makikita na rin namin anak ni Kathy, di ba ang saya! Hay mahigit kumulang 12 hours ako nakaupo mamaya sa kotse nito. Ay nakuha ko na pala laptop ko... ayos na screen niya... heheh...Goodluck na lang sa amin :). Sige sige... love you Mr. T! Mwah!

Currently listening to: Rehab by Amy Winehouse
Currently feeling: rushed
Posted by jjcobwebb on September 14, 2007 at 09:44 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)

          Well hindi siya yung pagkain Mr. T! Bicol Express kasi super express ang pagpunta namin sa Bicol. Roughly 24 hours kaming gising at nasa kotse. Ayun, yesterday kauuwi lang namin. Nung paalis kami, hindi ko alam kung saan nakuha nina ate yung Expedition na sinakyan namin. Pinambayad daw sa utang sa kanya yung kotse sabi niya. Ayun, with Erwin, Ate, Mama, Manang Luz, Page, Mabel and Carmy mga 11pm umalis kami. Tapos sinundo muna namin si Mang Jun sa kanila kasi siya yun magdadrive til Bicol. Ayun, grabe, 8 hours kami nasa kotse. Ang hirap pa ng lagay ng paa namin sa likod nina Page and Carmy. Tapos around 7am nasa Naga City na kami. Had mass dun sa Shrine ng Peñafrancia and then pumunta naman ng Nabua. Binisita lang ni Erwin yung lupa raw nila dun at kumain muna sila. Ako hindi kumain dahil wala ako sa mood. And then pumunta kaming Legazpi, Albay para masilayan yung Mayon, unfortunately, cloudy kaya hindi namin nakita in full glory ang world famous Mt. Mayon. And then from Legazpi, Albay, tumuloy naman kaming Sipucot, mga 3 hour-drive siya. Ayun, binisita namin sina Auntie Susan and si Kathy and yung anak niya. Wala yung asawa ni Kathy dun. Grabrielle pala yung name ng anak niya. Tapos, kumain muna kaming pancit at malagkit habang naguusap usap. Ako nakitulog muna ako sa kwarto nina Kathy dahil antok na antok na ko. Tapos around 4pm umalis na rin kami. Nadaanan namin si Kuya Joel pala sa del Gallego, grabe may party sa kanila at sabi uuwi na rin daw siya ngayon. So yun, naipit pa kamay ni Manang Luz sa bintana ng kotse... hahahaha. Around 7pm, kumain muna kami sa isang carenderia sa Quezon. Sarap ng pagkain nila dun. Sinigang, Lapu-lapu, pusit etc. Tapos yung mga 11pm nakarating din kami sa bahay. Sobrang hilong hilo ako kagabi Mr. T! Pero buti nakatulog ako putol putol nga lang sa kotse. Anyways, kahit pagod masaya naman. Nakay Kathy pala pix namin wah... Sige til here muna Mr. T! Mwah!

Currently feeling: hilo
Posted by jjcobwebb on September 16, 2007 at 08:25 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Grabe kanina nakakatawa, kaming 2 lang si Zion yung student sa METHODS class namin, si Anne di pa pumasok. As in kaming 2 lang. Kamusta naman yun di ba? 1 hour kami naguuusap with Doc Loyd sa G210 kanina. Hay wala pa kong groupmates sa METHODS. So yun, hindi ako pumasok RELSFOR at BPOUTSRC. Pero sa BP wala si Sipin. Tapos aroung 2:30pm nasa Conserv ako with Tin, Aubs, Jobet and Deck. Ginagawa nila yung SYSDEV2 nila. Tapos 3:40pm yung METHODS ko. Tapos kumain kami sa McDonalds afterwards. Grabe baho ng katabi ko sa line sa McDo ang puti pa naman at mukhang mabango! So yun, yan muna Mr. T! ang update ko sa yo. Ayt? Love ya! Mwah!

Currently listening to: Big Girls Don't Cry by Fergie
Currently feeling: backache
Posted by jjcobwebb on September 18, 2007 at 12:48 AM in Everyday Drama | Post a comment

          Ayun, wala na naman LITERA1 prof ko. Second time niya ng absent. Grabe classmate ko pala yung crush kong tagaENG sa LITERA1--- hahaha. Anyways yun, had TECHNPRE tapos PRTEMAN. As usual si Sir Molano kaaliw tapos si Sir Sipin kabaliw --- snooze mode talaga pag PRTEMAN. Tapos kumain with Angelica sa Erix ng kwek kwek tapos Cloud 9, sumakit pa ngipin ko shet. Tapos yun, si Ivan pumunta dito sa Manila para makipagkita kay Tin. Nilakad na naman namin til Quirino pauwi. And yun, natulog na naman ako sa bahay. Hay... update you soon Mr. T! Hilo hilo pa ko... hahaha... mwah! Panalo pala DLSU over ADMU... hahaha...

Currently listening to: Everyday by High School Musical 2 Cast
Currently feeling: hilo
Posted by jjcobwebb on September 18, 2007 at 10:53 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Ei Mr. T! Musta, grabe ulan ng ulan kaninang umaga. Late ako for RELSFOR hindi na rin ako pumasok. Nasa LVR sila pero andun ako sa A14 kasama ko sina Kate. And then yun, nagLAB lang ako. Then nakiupo muna kay Gilbert sa Gox Lobby. Tapos nakita ko si Sherry. Sinamahan ko siya sa Registrar para iconfirm yung special class niya. Habang papunta dun nakita namin si AK. Oh di ba Reunion! Si Beck nasa EA kasi, pero lagi lang naman andun yun at lagi ko ring nakakausap. Ayun, nagpaspecial class rin si AK. 3 lang sila sa class nila. Nasira yung system sa Registrar kaya pinapabalik si Sherry --- hahaha. Tapos yun umupo muna kami sa Gox. Tapos dumating si Marvin. And then time na para sa BPOUTSRC na naman. Yun snooze mode na naman. Ang dami ko kanina FOX'S Candy lols. Tapos yun naglib bago umuwi. So yun, hahaha, weird ng dream ko kania Mr. T! Kaaway ko raw yung kapitbahay namin. Hahaha... sige sige update you soon Mr. T! Shux di pala ko enrolled... anyways! Love you! Mwah!

Currently listening to: Diary by Babyface
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on September 19, 2007 at 10:38 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Wala lang hindi pa ko makatulog. Daming pumapasok sa utak ko ngayon. Hmmm... mga tanong na hindi ko na naman alam yung mga sagot. Tanong na tungkol sa buhay ko in the present and future na rin. Hay... eto mga tanong na sumasagi sa isipan ko (mga walang kwentang tanong actually na hindi naman dapat pinoproblema):

  • Baket ang tamad tamad ko?
  • Kailangan ko kaya ng motivation?
  • Baket ako single?
  • Gragraduate kaya ako on time?
  • San kaya ako magtratrabaho?
  • Baket wala pa kong groupmates sa METHODS?
  • Gragraduate kaya akong hindi marunong magprogram?
  • Tatanda kaya akong single?
  • Magkakaanak kaya ako?
  • Yung mga friends ko ba ngayon friends ko pa rin sa future?
  • Mag-iiba kaya ang aking sexual orientation?
  • Yayaman kaya ako?
  • Mamataya kaya ako ng maaga or pag matanda na ko?
  • Paano kaya ako mamatay?
  • Babalik pa kaya dating boses ni Mariah?
  • Forever kaya akong Mariah fan?
  • Dapat ko bang sabihin sa kaibigan ko na mahal ko siya?
  • Ano kaya magiging reaction niya?
  • Baket lagi akong inaantok?
  • Baket ang hilig ko magpuyat?
  • Choosy ba ko?
  • Or maarte lang?
  • May Diyos kaya talaga?
  • Kung meron, san kaya ko pupunta, langit or hell?
  • Baket sira pa rin yun screen ng laptop ko?
  • Magpaparetoke kaya ako in the future?
  • Baket ako insecure?
  • Mabait kaya akong kaibigan?
  • May mga nangbabackstab kaya sa kin?
  • Insensitive ba ko?
  • Or super sensitive?
  • Baket bigla akong nagshushutdown?
  • Baket ang hilig ko bumirit?
  • Baket kailangan ko tanungin tong mga toh?
  • May mga sagot kaya mga tanong ko?
  • May maiinlove kaya sa kin?
  • Or at least crush?
  • Baket bihira ako umiyak?
  • Baket ang hilig ko tumawa?
  • Baket si Barry wala ng hair?
  • Baket ang dami kong online account?
  • Baket hindi pa ko tulog?
  • Bakla kaya si Spongebob?
  • Boyfriend niya kaya si Patrick?
  • Baket wala pang Ugly Betty Season 2?
  • Dapat ko na bang tapusin toh?
  • Sa tingin niyo nababaliw na ko?
  • Baket ang hilig ko sa Salmon Sashimi?
  • Baket ang hilig ko rin sa pancit?
  • Baket adik ako sa Ponds?
  • Baket baket?
  • Baket baket baket?
  • Sira ulo na ba ko?
  • Or weird lang?
  • Malabo ba ko?
  • Or itulog ko na toh?

          Hahahaha ---- sige sige... grabe, wala kong magawa. Hindi pa ko inaantok. Shucks... sige sige... lols....

Currently listening to: Why Does It Hurt So Bad by Whitney Houston
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on September 20, 2007 at 02:11 AM in Everyday Drama | Post a comment

          May epal kanina kaming nakasabay ni Tin sa LRT2. Imagine mo, pawis na pawis siya, mataba siya, puros pimples mukha niya, mukha siyang mahirap --- grabe, sobrang siniksik niya sobra sarili niya sa maliit sa space sa upuan kanina sa train. Grab, kadiri itsura niya! Nagmamaganda tang-ina Mr. T! Tapos nung bumaba na ko, may pinaupo akong babae, grabe, mas lalo niyang pinasok sarili niya sa upuan. Ayaw magpaupo. Aawayin ko sana pero ayoko makilevel sa kanya... leche! Anyways, yun, present na LITERA1 prof namin. Cool siya and alive naman magturo. Tapos wala akong mga assigment sa kanya kanina. And then TECNPRE, galing talaga ni Molano magdeliver ng lesson, comedy at the same time insightful. Tapos si Mr. Sipin absent, tapos yun. Nung nagonline ako si Wesley (hindi Wesley ni Barry!), ininvite ako sa cam niya. Nagpapahanap ng jowa sa kin kamusta naman di ba. Anyways, yun, as usual tulog ako the whole afternoon. Yung balita puros Broadband deal na lang di na natapos. Ano pa ba, yung lang muna Mr. T! Ang dami kong dinownload na Gamehouse games pala. Hehehe... anyways, update you as soon as possible. Sana naman makapasok na kong RELSFOR tomorrow. Hahahah... mwah!

Currently listening to: Silence
Currently feeling: Hmmmm
Posted by jjcobwebb on September 20, 2007 at 10:13 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Sobrang blast kahapon mga nangyari Mr. T! First of all, nagenroll na rin ako kanina. Kasabay ko si Gilbert pala. Ang dami pa rin palang nageenroll sa last day of payment. So yun, kahapon naman, sa wakas, after not attending 2 classes of RELSFOR last week, nakaattend ako papaano kahapon. And then, tumambay muna ko sa Gox Lobby while waiting for BPOUTSR. Nakita namin ni Bo si Mr. Sipin lumabas ng Faculty Room. Since last time sabi niya baka absent siya for Friday, pinatanong sa kin ni Bo kung may pasok or wala. Ayun, wala nga. Sina Tin tinext ako na wala raw class --- social nila tinext sila ni Mr. Sipin kahapon. Ayun, dahil galing silang CISP, gusto nilang magkita sa Gateway para manood ng movie.

Gateway

          So yun, I went there, pero parang si Tin lang gusto manood ng movie yesterday. Aubrey and Deck and me were not on the mood. So sabi ko dapat lahat sang-ayon kung ano dapat gawin. Eh halos lahat gusto kumain, so yun, nag Terriyaki Boy kami sa Gateway. Anyways yun, habang umoorder kami si Tin pumuntan munang CDRKING kasi ipapaburn niya sa kin mga Gamehouse games na dinownload ko. So yun, ang dami namin sobrang nakain. Nakalimutan ko na naorder namin pero umabot kaming 700php. Ayun tapos si Jeffrey nagtext na pupunta raw siya ng school para kung TOR niya at kung gusto raw namin magkita kita. Sabi ko go lang. Bago umuwi dumaan na naman kaming CDRKING para bumili ng CD PEN. So yun, umuwi na kami nina Tin. Kasama ko sina Aubrey and Deck sa train pauwi, si Tin sa kabilang train.

Promenade

          Ayun, sabi ko kay Jeffrey sa Promenade na lang magkita since sobrang feeling ko hindi ako makakahabol kung sa Glorietta magkikita kita. Ayun, nageffort si Jeffrey pumuntang Promenade. Kainis talaga sa Ortigas mga bandang 4:00pm, sobrang traffic. Uwian kasi ng LGSH at XS. So yun, nung andun na ko, sabi ni Jeffrey magkita sa dating pinagkitaan namin. Grabe, hindi ko na matandaan kung san yun so sabi ko sa Theater Mall na lang kami magkita. So yun, nagNational Bookstore muna kami at wala ang book na hinahanap ko dun. Sina Barry and Rhitz susunod raw sa amin. Tapos nagShoppesville muna kami ni Jeffrey, umikot tapos nagjuice for awhile at nagkwentuhan. Then tumawag na si Barry na nagpapark na raw sila. Ayun, pumunta na kami ni Jeff sa Promenade. Habang naghihintay nag Circle Dome muna kami --- grabe kaaliw talaga tong game na toh. Nung wala na kaming coins umupo muna kami sa may nagpiapiano na kumakanta at pinanood muna namin siya. Galing nung kumakanta grabe nakakainlove shux. So yun, dumating na rin sa wakas sina Barry and Rhitz. Si Jeffrey feel na feel mag World Music Room so go kami.

World Music Room --- Family KTV

          Room 6, grabe, ang liit ng room ha. Si Jeffrey sabi sulit raw ang 85php dun. Grabe Nachos lang at French Fries lang naman pala yung consumable shux. Pero pwede na rin. Minadali ko yung mga kinakanta ko habang sila kain ng kain --- hahaha. Ayun, dapat di ako nagbayad dahil libre pala ni Barry. All in all okay naman yung  lugar. Mas maganda nga lang sound system ng Redbox pero pwede na rin.

Pho Hoa

          Ayun, umikot ikot muna kami buong GH Shopping Center bago napag-isipang sa Pho Hoa kakain. Ayun, ang dami ko na namang nakain. Nilibre ako ni Barry this time ---- hahaha. Si Rhitz din ang daming inorder. Yung lemon ko nalaglag sa soup ko at natalsikan ako ng sabaw sa mukha at tshirt at sa table. Ayun, then si Barry nag-aya uminom. Hindi ko alam ano pumasok sa isip niya. Since ang Metrowalk malapit lang, dun namin napagisipang maginuman.

Metrowalk

          Ang daming tao sa Metrowalk. Wala naman okasyon. Siguro Friday night lang talaga. Ayun, after umikot kung san san, napag-decidan namin na sa Decades uminom. Buti umabot kami sa Happy Hour. Buy 1 take 1 ang beer. Ayun, ganda ng pinapalabas sa loob mga concert ng mga iba't ibang artist. Tig-2 lang kaming beer. Tapos si Rhitz umorder na naman ng French Fries and salty Spicy Chicken Wings. Si Ate tumawag pa, hindi ko sinagot baka malamang nasa ganung lugar ako at malamang patay ako! So yun, kwentuhan and as usual, si Jeffrey hinanap ng mother dearest niya. So yun, we left the room as early as 10:30pm. Marami na ring tao that time so okay na ring umalis. Nagpababa si Jeffrey sa may EDSA na lang and magbubus na lang raw siya. Sabi ihahatid na lang siya pero mas gusto niya ata magbus. So yun, buti naman safe siya nakauwi.

Car Drama Rama

           Ang weird dahil biglang nag-iiyak si Barry sa kotse. As in hindi ko siya kinaya. Nagulat kaming dalawa ni Rhitz kasi tumatawa lang siya tapos bigla siyang nag-iiyak. To cut it short kung baket siya umiiyak, umiiyak siya dahil sa mga lost opportunities. Grabe, so sabi ni Rhitz magkape muna kami so nagStarbucks Gateway muna kami.

Starbucks Gateway

          Nahimasmasan na si Barry. Traffic sa Cubao grabe. Concert pala ng Fall Out Boy kahapon. Ang daming tao. So yun, usap usap kaming 3 --- malamang tungkol kay Barry. Ang weird talaga Mr. T! 2 SanMig Light lang yun nawala na siya sa sarili niya. Paano pa kaya kung 3 or more pa yun. Eh di nawala na talaga sa sarili si Barry. So yun, hindi na ko nagpahatid kay Rhitz, nagcab na ko pauuwi para hindi na out of the way at tuloy tuloy na rin siya sa EDSA.

           To sum it all Mr. T! Sobrang saya ng araw kahapon. Actually feeling ko nabeat kahapon yung time na nagBaguio kaming 4. Mas masaya kami kahapon. Wala lang nafeel ko lang yun Mr. T! Ibang level yung happiness kahapon. Kahit na si Jeff umuwi ng maaga, sulit lahat ng nangyari eh. Ewan ko, ganun ata pagnagmamature --- wah! Ganun ba yun? Mas lalong nagiging close? Siyempre naman di ba, sino pa makakaintindi sa min eh di kami kami rin. Sana wag na kami ulit mag-away away Mr. T! Hay sobrang mahal ko mga kaibigan ko Mr. T!. I won't trade them for anything in the world right now --- kahit lovelife pa! Mwah mwah! Update you soon Mr. T! I love ya, I appreciate ya, I enjoy ya! :)

Currently listening to: Everyday by High School Musical 2 Cast
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on September 22, 2007 at 06:45 PM in Everyday Drama | Post a comment

Ngayong gabi
Ikaw ang aking unan
Yayakapin nang mahigpit
Di pakakawalan

Ngayong gabi
Ikaw ang aking dilim
Mahihimbing sa yong piling
Palalayain mga lihim

Ngayong gabi
Ikaw ang aking hangin
Mga kaluskos at halinghing
Bibigay sa yo ang hangarin

Ngayong gabi
Isasama kita sa aking panaginip
Tayo'y maglalakbay
At sana'y di na ko magising

Ngayong gabi
Sana tayo'y magkatabi
Ating mga labi'y dadampi
Buwan at mga bituin lamang ang saksi

Ngayong gabi
Ako'y sa yo at ika'y akin
Ngunit pilitin ko man ng pilitin
Kailanma'y di ka mapapasakin

Ngayong gabi
Ay isa na namang gabi
Isang pusong umaasa
Isang damdaming awit ay sana...

Currently feeling: hopeful
Posted by jjcobwebb on September 23, 2007 at 04:16 AM in Songs and Poems | Post a comment

Amazing You and I by John Jacob Webb

You may treat me just as a friend
You may even treat me as someone else
I know you find me funny and overwhelming
But don't you even think that...

Chorus 1:
You and I would be amazing
We always laugh at the same thing
We know what the other one is thinking
It's just a wonderful feeling

You just don't know how much I love you
You just don't know how much I care
If only this feeling could withhold
But it can't so I'm thinking...

Chorus 2:
You and I would be amazing
We can spend the whole night talking
Share each other's emotions and feelings
Oh, it's just so inspiring

Bridge:
I don't want another lover
They won't make me sober
Try to see if we could ever
End as serious lovers

Posted by jjcobwebb on September 24, 2007 at 12:43 AM in Songs and Poems as a favorite post | Post a comment

          Hello Mr. T! First of all iba na link mo http://subtlebliss.tabulas.com na! At iba na rin title mo. Pinagisipan ko yan! Since magulo ako magsulat at kung ano ano pinagsusulat ko dito, naisipan ko yan ang title. Nakahanap na rin ako sa wakas ng eksplenasyon baket SUBTLE BLISS. Ayun, grabe 2am na ko umuwi kagabi. Tumambay ako kasama sina Robert and Joseph. Kwentuhan walang katapusan. Anyways ayun, nagising ako mga 12:00nn. Tapos binasa yung para sa BP reporting. Tapos nagonline nakachat si Jeffrey. Tapos si Barry hindi nagrereply nung online siya. Sobrang wala akong ginawa for today Mr. T! Ay, ininstall ko na yung The Sims 2 Bon Voyage pala sa laptop ni Bambi. Ayun, ganda ng expansion na yun. Naginstall na rin pala ulit ako ng The Sims 2 dito sa laptop ko. Kala ko hindi kaya, kaya naman pala. Yun, wala lang. Update you na lang tomorrow. Ayt? Mwah mwah!

Currently listening to: Just Friends by Amy Winehouse
Currently feeling: antok
Posted by jjcobwebb on September 24, 2007 at 01:13 AM in Everyday Drama | Post a comment

          Hay Mr. T! Sobrang wala akong class na pinasukan at napasukan today. First RELSFOR --- tamad na tamad ako pumasok sa class na toh. Ewan ko ba! Sabi ni FC kanina, nagorientation kami for the community service kanina at wala ako. Buti ang bait ni FC, lagi akong updated sa RELSFOR --- hehehe. Anyways, punta na lang ako sa COSCA tomorrow for further details. Tapos yun, nasa conserv kanina gumagawa ng powerpoint for BPOUTSR. Nakaonline si Jeffrey and Barry kanina so habang gumagawa ako nakikipagchat ako sa dalawa. Tapos nag McChicken mag-isa --- shux nakakaawa ako! Magisa lang! Tapos, with all the effort, wala si Mr. Sipin! Absent siya! Ayun, since pupunta sina Tin, Aubs and Deck sa CISP, nagLRT and LRT2 na kaming 4. Nakakatuwa kasi first time namin magSiomai na kaming 4. Lagi kasi kaming 2 lang ni Tin nagsiosiomai sa Recto station. Tapos yun, bumaba na ko sa station ko. Actually dapat 3:30pm may METHODS ako pero yung mga groupmates ko Friday schedule sila so sa Friday na lang ako aattend. Anyways, nakatulog ako kanina, nakabukas laptop ko at katabi ko pa! Nagtaka pa ko kung baket ang liwanag eh gabi na.... kainis! Ayun, sige sige update you soon Mr. T! Ulan ng ulan nakakabadtrip... ay fock, di ako nakapila para bumili ng ticket sa DLSU vs. ADMU sa Thursday! Kainis! Sige sige :)

Currently listening to: At Your Best (You Are Love) by Aaliyah
Currently feeling: naiinis
Posted by jjcobwebb on September 24, 2007 at 08:41 PM in Everyday Drama | Post a comment

John, you're single because you don't want to get hurt

Ever heard the expression, "Once bitten, twice shy?" You can probably relate to this, can't you? Your last relationship may have left you a little raw in emotions, and the memories are likely still fresh in your mind. Fresher than you can sometimes believe. With a hurt like that, you're probably not so eager to enter the drama again — and we can't say that we blame you. You may be so afraid of getting hurt that you take things to heart big-time when you're involved with someone — after all, you've been hurt before, why can't it happen again? You also may be guilty of comparing potential mates to your ex who may still constantly loom large in your mind.

But maybe, just maybe, it's time to check your baggage at the door and let a new person into your life with a clean slate. You have a lot to offer someone, but you can't do it when you have one foot firmly planted in the past.

My Rating: 

Take the test here

Currently listening to: I Don't Wanna Be Your Friend by Nina
Currently feeling: sobrang amazed
Posted by jjcobwebb on September 24, 2007 at 09:02 PM in Online Tests | Post a comment

John, The Boy Next Door is the man of your dreams

The guy next door can be a lot more than the kid who played a great game of tag and buried you in snowballs. He can be the man of your dreams. A laidback and fun girl like you doesn't need a glass slipper or fancy jewels — you just want a guy who knows how to have a good time and has a handle on what's important.

You're the kind of girl who wants to marry her best friend, so you might not have to look far for the perfect guy for you. Whoever said you have to kiss a lot of frogs to find your prince wasn't talking about you. Tag — you're it!

Currently listening to: Pangarap na Bituin by Faith Cuneta
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on September 25, 2007 at 09:56 PM in Online Tests | Post a comment

             Hello Mr. T! Birthday pala ni AK kanina grabe nakalimutan ko na 25 ngayon. As in tumabi pa ko sa kanya nang hindi man lang siya binabati! Anyways happy birthday ulit to her. Ayun, LITERA1 kanina, wow pumasok yung type ko! Nasa harap ko pa! Hahaha, ayun hindi ko nasubmit yung assignment sa LITERA1, tapos may group na rin ako sa LITERA1. Bago magTECNPRE, si Tin pumunta ng Cavite, tapos nagpasama ako kay Aubrey and Deck sa SPS, kaso lunchbreak so walang nangyari. Nakita lang namin si Enchong Dee --- hihihi. Tapos TECNPRE parang forever nagaayos ng projector kanina. Til wala na kaming makita at marinig sa movie. Baby Boom yung title nung palabas. And then, ayun, bago pumasok sa PRTEMAN, bumalik kaming SPS ni Aubrey and Deck. Buti hindi requirement yung attendance kahapon, so pinakuha na lang ako ng form dun sa may COSCA kanina. Okay na lahat for RELFOR Community service. Tapos kumain muna ko nung MOZARELLA BREAD, tapos CHICKEN NUGGETS at HASH BROWN. Ayun kasi gutom na gutom na kasi ako eh. Tapos PRTEMAN, may reporting sa Thursday. And nagkaroon din ng groupwork kanina. And then since ang pagkakaalam ko 4:10pm din uwian ni Sherry hinanap ko siya sa EA Office, shux, til 6pm pa pala siya kasi may meeting siya. Anyways, yung umupo ako katabi si AK, grabe nakalimutan kong birthday niya. May pinaguusapan sila, project ata. Tapos si Matty dumaan sa table may pinaiwan pero binalikan naman. And then yun, umuwi ako magisa --- huhuhu. Hindi na ko sanay umuwi mag-isa. Biglang bumalik sa kin yung mga times na dati magtetext text kami kami nina Barry and Jeff and Rhitz tapos ganung time, tapos aalis kami. Grabe ang bilis ng time Mr. T! Hay, anyways, yun, kagigising ko lang, at eto para akong may lagnat :( . Update you soon Mr. T! Ayt? Love you :D

Currently listening to: We Ride by Rihanna
Currently reading: Tom's YM Window
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on September 25, 2007 at 10:09 PM in Everyday Drama | Post a comment

          Hello Mr. T! Kagigising ko lang pala. Hihi. Anways, yun, parang I spent 1/4 of the day with Jeffrey. But first, congratulations sa kin kasi mas nauna ako kay sister Pinky sa RELSFOR. Nanood lang kami ng mga Jesuit Comm. Videos. So yun, ang epekto, buong break ko nagdodownload ako sa laptop ko kanina sa lobby ng mga Bukas Palad songs shux. Kasama ko kanina si Jessie sa table sa lobby, tapos sumunod na si Klang, And then dumami na, block na ata nila yun. So yun, hindi kami nagreport for BPOUTSR, instead naglesson si Mr. Sipin. Hindi pumasok si Deck and Tin. Kami lang ni Aubrey ang pumasok. Sinamahan ko si Aubrey sa apartment nung friend niya sa may V. Cruz. Si Smat yung name tapos buntis at may friend din na isa na may kasamang bf. Ayun, nagkwentuhan muna dun sa apartment. Medyo nakatulog ako dun sa kama. Around 2:30pm, kunwari may class kami. So umalis na kami, eksakto nagtext si Jeffrey. Sabi niya kung magkikita pa raw kami, sabi ko go lang. Tinext ko na rin sina Barry and Rhitz pero di sila pwede. So yun, Aubrey went home tapos ako nagLRT and MRT to Ayala. Nakasabay ko pa si Allen sa LRT bridge to MRT. So yun, haba ng pila and all and then nagkita kami ni Jeff sa G4 sa may Timezone, at ang goddess, naglalaro ng arcade. Anyways, I'll make a private enry for this Mr. T! :)

Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on September 26, 2007 at 11:32 PM in Everyday Drama | 6 comment(s)

          As expected Mr. T! DLSU lost. Ayun, feeling ko binenta nila sa advertisers ang laban. Hahaha, sobrang ang sakit sa damdamin na talo ang DLSU laban sa ADMU. Anyways, these are the things that happened today, hmmm... first LITERA1, the first group presented their assigned topic. Hindi ako nakinig, labas ako ng labas ng classroom. Kinakausap sina Tin sa labas ng classroom nila. Tapos, si Matthew, gusto manood ng UAAP, eh ako rin. So sabi ko kung may ticket pa, merong GA, so sabi ko sige. And then TECNPRE, tinuloy lang namin yung Baby Boom. Tapos nagpresent sina Rina ng business proposal nila. Naaliw ako sa RED UMBRELLA concept nila shete. Ayun, sabi nila kung gusto ko makigroup sa kanila kasi creative daw ako. Kamusta naman, may group na ko! Then BPOUTSR, nakalimutan ko may reporting pala kami, ayun nagkandaleche leche ang schedule ko. Around 3pm hindi pa dumadating yung kinausap ni Matty about the tickets so hindi kami natuloy and si KRV rin wala na rin daw tickets. We ended up watching sa Gox Lobby. Yung sa BP pala mali pa yung MODEL na nakuha ni Angelica, W-MODEL pala at hindi WATERFALL Model shux. Tapos during half time nung game, sa wakas Mr. T! Nakausap ko na rin mga METHODS groupmates ko! Ayun, HRIS raw ireresearch namin for thesis or ICTPROJ for ICTM. HRIS <--- Human Resource Information System. Naku, si Fernando, Sheila and Mighty na groupmate ko. Salamat talaga sa Diyos at may groupmate na ko. Anyways yun, umuwi ako with Tin and Aubrey with the will and determination to finally watch the Sunday game. Hay naku Mr. T! Hindi ko na palalampasin toh! Buti pa si Tom nakanood shet! I called TICKETNET awhile ago pero hind raw nirereserve ang ticket dun. Ayun, mom ko tinatawanan mga Lasalista --- tsk tsk! Anyways, update you soon Mr. T! Hay, kakapagod sumigaw sa Gox Lobby, paano pa kaya kung Araneta yun. Sige sige... love ya, appreciate ya, I enjoy ya!

Currently listening to: One More Gift by Bukas Palad
Currently feeling: inis
Posted by jjcobwebb on September 27, 2007 at 07:34 PM in Everyday Drama | 6 comment(s)

          Hello Mr. T! Kamusta ka naman? May dumating sa bahay na nagmamasahe, ayun, nagpamasahe ako. Sarap! Anyhows, ayun, we didn't have RELSFOR today, and then I didn't attend my BPOUTSR class. Sobrang late na rin kasi if pumasok pa ko, ang bastos ko naman. So yun, I went to school just to make pila for the ticket for ADMU vs. DLSU Sunday game. Ayun, sa 1st floor yung simula ng pila, so kala ko sina Tin nakapila na, pero kumain pala sila sa La Casita. So from 1st floor tinahak ko until 6th floor, then pinaakyat kami to 7th, tapos 8th, shux ayun, we ended up waiting sa 6th floor nung naayos na. And then, ayun, may problema sina Deck, Tin and Aubrey --- to make it simple, Deck wants a change of group sa SYSDEV2. Ayun, iyakan portion sila sa stairs kahapon. Anyways, ewan ko kung anong nagdala kay Kate sa 8th floor nun, tinitignan niya ata kung gaano kahaba yung pila. So yun, nasa 2nd floor pala sila. Sabi ko kung pwede kaming sumingit. Ayun! Thank God! Nakasingit kami. Hindi ako nagMETHODS. Sabi ni Anne babalitaan niya na lang ako at pipila siya pag malapit na. Naku, hindi nakabalik si Anne on time! Kainis, so sabi niya sa scalper na lang siya bibili. So yun, buti na lang si Jeffrey hindi nainip maghintay sa kin sa Sports Complex. Ang bait at hinintay talaga ako. So yun, summary na lang, sina Tin and Aubrey di na manonood, di ako umattend ng kahit anong class, nagkita kami ni Jeffrey, si Anne di nakabili ng ticket, tapos napunta ko from 8th to 2nd floor, nakabili ako ticket for DLSU vs. ADMU. Ayun, hmmm... sige sige... lipat ako.

Currently listening to: One Night Only [Dance Mix] by Dreamgirls
Currently feeling: itchy
Posted by jjcobwebb on September 28, 2007 at 11:58 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

          Hello Mr. T! Hindi ako makatulog grabe, eto excited for the game later. Eto nageemote session na naman ako. Ayun, wala naman nangyari ngayon, lakas lang ng ulan, parang kachat ko the time si BELEKOY. So yun, post ko mga pinageemotan ko ngayon:

SOMEBODY by DEPECHE MODE

I want somebody to share
Share the rest of my life
Share my innermost thoughts
Know my intimate details
Someone who'll stand by my side
And give me support
And in return
She'll get my support
She will listen to me
When I want to speak
About the world we live in
And life in general
Though my views may be wrong
They may even be perverted
She'll hear me out
And won't easily be converted
To my way of thinking
In fact she'll often disagree
But at the end of it all
She will understand me

I want somebody who cares
For me passionately
With every thought
With every breath
Someone who'll help me see things
In a different light
All the things I detest
I will almost like
I don't want to be tied
To anyone's strings
I'm carefully trying to steer clear of
Those things
But when I'm asleep
I want somebody
Who will put their arms around me
And kiss me tenderly
Though things like this
Make me sick
In a case like this
I'll get away with it
And in a place like this
I'll get away with it

 


WHY CAN'T IT BE by RANNIE RAYMUNDO

You came along, unexpectedly
I was doing fine in my little world
Oh baby please don't get me wrong
'Cause I'm not complaining
But you see, you got my mind spinning

Why can't it be
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers
Only friends
You came along
At a wrong place, at a wrong time
Or was it me

Baby I dream of you every minute
You're in my dreams
You're always in it
That's the only place I know
Where you could be mine
And I'm yours but only
Till I wake up

Why can't it be
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers
Only friends
You came along
At a wrong place, at a wrong time
You came along
At a wrong place, at a wrong time
Or was it me


I CAN'T MAKE YOU LOVE ME by GEORGE MICHAEL

Turn down the lights, turn down the bed
Turn down these voices inside my head
Lay down with me, tell me no lies
Just hold me close, don't patronize
Don't patronize me

'Cause I can't make you love me If you don't
You can't make your heart feel something it won't
Here in the dark in these final hours
I will lay down my heart, and I'll feel the power
But you won't, no you won't
And I can't make you love me
If you don't

I'll close my eyes and then I won't see
The love you do not feel, when you're holding me
Morning will come, and I'll do what's right
Just give me till then, to give up this fight
And I will give up this fight

And I can't make you love me if you don't
You can't make your heart feel something it won't
And here in the dark in these final hours
I will lay down my heart and I'll feel the power
But you won't, no, you won't
And I can't make you love me
If you don't

Ain't no use in you trying
It's no good for me baby without love
All my tears, all these years, everything I believed in
Baby
Oh yeah
Someone's gonna love me

Currently listening to: You've Got A Way by Shania Twain
Currently feeling: nageemote
Posted by jjcobwebb on September 30, 2007 at 03:28 AM in Everyday Drama | 1 comment(s)
Alma Mater Hymn

Hail, Hail
Alma Mater,
Hail to De La Salle!
We'll hold your banner high and bright,
A shield of green and white,
We'll fight to keep your glory bright,
And never shall we fail,
Hail to thee our Alma Mater!
Hail! Hail! Hail!
 

 
          Ayan Mr. T! Bihira ako maging proud sa De La Salle University, pero kanina proud ako dahil nanalo kamo over Ateneo de Manila University. Totoo na iba talaga yung feeling pag sa Araneta ka nanood ng ADMU vs. DLSU game. Hay, sobrang nakakahigh para kang tipsy na hindi mo malaman. Anyways, sabi ko rin kanina nung medyo nahahabol na ng ADMU yung DLSU eh okay lang kasi sobrang enjoy naman talaga yung game. Ayun anyways, kahit 3pm pa yung game kanina, nandun na ako around 1:30pm. Buti nakita ko si Chris at si Wyka sa may gate. Buti si Migs nagreserve ng buong second row ata. Ayun, grabe, puros sigawan at kantsawan naririnig mo. Feeling ko hindi ako makikisigaw pero it turned out na nakikiANIMO LASALLE na rin ako. Ayun, nakita ko nga rin pala sina AK, MARVIN, JR and MARTIN dun. Nasa UPPER B din sila. Si Kate yung katabi ko kanina and yung jowa niya. Ewan ko Mr. T! Hindi ko maexplain yung feeling eh alam mo yun. Ang saya saya talaga lalol na nanalo pa kami. Ayun, nakita ko rin pala si KRV sa may PIZZA HUT bago ako pumunta dun, may hinihintay siya. Tapos ang badtrip lang nung tapos na yung laban, ang dami sobrang tao na pauwi, traffic ng tao ito! Tapos nakita ko rin si Tom, ininvite ako sumama sa kanila magdinner kasama mga officemates niya. I refused dahil hindi ko naman yun mga close. Tapos yun, basta sobrang saya. Aliw na aliw ako, para akong nakadroga ngayon. Palitan ng sigawan, ng cheer, ng insulto ng kung anu ano.... hay. Anways yun. Sana kung kasama ko sina Tin, Aubs and Deck at sina Sherry and Beck din. Or sina Barry, Jeff and Rhitz siguro mas masaya di ba? Anyhows, it was a good game. Lahat sports, pinalakpakan kami ng ATENEO at pinalakpakan din namin sila. Shux, iba talaga feeling Mr. T! parang napamahal tuloy ako sa DLSU ng wala sa oras dahil dito sa UAAP na toh! Next year kahit nagOOJT na ko or graduate na ko, susubukan ko pa ring manood! Hahahah --- sobrang yung 50php kong binayad went a very very long way. Ibang kasiyahan naramdaman ko kanina. At masasabi kong nakapanood ako ng laban ng ADMU at DLSU habang student pa ko! Hahaha!!! Sige update you soon. Mr T! I love ya, I appreciate ya, I enjoy ya! Mwah mwah mwah!!!
Currently listening to: That's What Love Is For by Amy Grant
Currently watching: High School Musical 2
Currently feeling: intoxicated
Posted by jjcobwebb on September 30, 2007 at 10:11 PM in Everyday Drama | Post a comment
« 2007/08 · 2007/10 »