Entries for May, 2006
G4 and Eastwood
Went to school to get my EAF pero wala na naman si Ms. Divine! with Barry, Rhitz and Barry. Then went to G4 to watch THE WILD tapos nagEASTWOOD. Tapos sa GB3 nakita namin si RICHARD GUTTIEREZ at PHOEMELA BERANDA tapos sa Eastwood si ROXIE at LUIS ALANDY. Then mga 9:30pm+ went to Eastwood. Lumamon ng mga pagkain sa JACK'S LOFT grabe! Ang dami naming inorder pero buti TOTAL DIVIDE! Ahahaha... tapos si BARRY sinundo na kami nagCAB. Ayun just got home. Nagbrownout pa! We're planning to go to Baguio sa May 9-11. Sana matuloy.... :) update you soon Mr. T! Mwah!
Baguio: With Jeffrey, Rhitz and Barry
Okay, Hello Mr. T! Whaadup?? So where do I start... hmmm...
BEFORE BEFORE: In what I've said on my previous entry, May 9 dapat pupunta kami sa Baguio nina Barry, Jeffrey and Rhitz.... thanks to Barry, pupunta siyang TAIWAN sa May 9 so we had to move the date before or after his trip. But since malapit na ang pasukan after namin siguro umuwi kung after May 9 pa eh pasukan na sa May 22, mahirap na mag-enjoy nun. So ayun, right and then we have decided na May 4 na lang kami umalis. So bali ganito yun, okay na sa min lahat ang May 4 except for Jeff na kagagaling lang ng Roxas at nag Summer of Service dun. Tinitext namin siya kung nakapagpaalam na ba siya kasi ilang days lang ang pagitan aalis na naman siya. Gumabi na at wala pa rin kaming nareceive na text at hindi sinasagot ang tawag sa phone niya. So yun, akala namin hindi na talaga tuloy ang trip.
BEFORE: Morning, aroung 7:00am, nagtext si Jeffrey at Barry sa kin at tumawag pa na pinayagan na raw si Jeff ng nanay niya. Ayun! Salamat sa kanila, nataranta ko kung anong una kong gagawin. I fixed my things as soon as possible to make it to the 1:00pm departure time ng VICTORY LINER to Baguio. Ayun, akala ko ang VICTORY LINER Station sa Cubao eh nasa likod ng ALI MALL, yun pala lampas ng Gateway and nasa EDSA part papuntang NORTH. Sobrang init talaga! Bandang tanghali na nun. Sobrang nagtatawagan na kami kung nasan na kami and kung san yung pesteng VICTORY LINER Station na yun. Si Barry and Rhitz were the first to come on the station. Nung akala ko sobrang late na ko, Jeffrey was later than me. Ayun, hindi na talaga kami nakahabol sa 1:00pm na bus so buti na lang may 2:00pm na bus. So ayun, si Barry muna nag-abono ng pamasahe kasi wala kaming mga barya puros buo. Si Jeffrey naglunch muna dun sa station habang kaming tatlo nakaupo at nag-uusap usap. Then 2:00pm na, time to go. I don't wanna over the whole bus trip basta Jeff and Rhitz were seated together and I'm seated right next to Barry. We had 2 top overs, one in Pampanga ata and one in La Union na. So there, nahilo hilo ko sa bus and around 8:00pm. We were in Baguio.
IN BAGUIO: After alighting the bus, para kaming mga turista. May mga bag na malalaking dala. At hindi alam kung san pupunta. SM Baguio was near VICTORY LINER Station so naisip muna naming kumain. Pinabaggage counter namin mga bags namin muna sa DEPT. STORE. Then after that we had a hard time deciding where to eat. I was chosen to choose on where to eat so I said sa FOODCOURT muna ng SM. So yun, ako kumain sa LAOG'S BEST silang 3 sa COUNTRY CHICKEN. After nun, stroll stroll muna around the mall tapos nag-grocery ng breakfast for the next day. We bought BREAD, STRAWBERRY JAM, COFFEE, 16L of WATER, CUP NOODLES. While we, Barry, Rhitz and I were on the supermarket, Jeffrey was looking for an ATM kasi kulang nadala niya. Unfortunately wala siyang nahanap since gabi na. Hmm... to our surprise, nagsasara na ang mall. Yes, nakalimutan namin ang mga bags na dineposit namin sa DEPT. STORE. So Jeffrey and Rhitz rushed to the place while Barry and I waited for them outside SM. Then after retrieving our bags, we planned of hailing a TAXI going to RHITZ'S house in REGAL LEXBER SUBD. Sobrang mahal ng fare from SM to LEXBER, 200php ang sabi ng driver na fare. So no choice, lahat ng TAXI ganun ang hiling so si Rhitz na lang nagprisintang magbayad. Sobrang bilis ng FX na nasakyan namin. Kala ko katupasan na namin. Ang dilim ng daan at bangin pa. Harurot talaga kung harurot yung FX. Thankfully, we arrived sa place nina RHITZ safe and sound. Pero hindi pa natapos dun ang gabi.... HINDI MABUKSAN NG SUSI ANG PINTUAN SA BAHAY NINA RHITZ!!! Wahhh... di ba? Sobrang dilim pa naman ng Subd. so nakakatakot. Pumunta kami sa reception para ipaalam sabi naman tama yung susi. Gumawa kami ng mga conclusion na baka nafreeze na yung mga ngipin nung door knob. Kami naman ni Jeffrey nanghiram ng lighter para painitan yung knob (tanga!). Nung hindi namin alam ang solusyon, tumawag na naman kami ni Jeff ng tagareception at nagpatulong. Salamat sa kanya at wala rin siyang nagawa. Si Barry ang nakadistinguish kung paano dapat ang grip sa door knob. Ayun, bago kami nag-ayos pinag-aralan muna namin yung door knob. Ang galing ni Barry. May talent sa pagbubukas ng door knob! Ayun, the house was empty. Tables and chairs lang ang nandun. So inayos namin. Buti may mga folding bed kahit sobrang empty nung house. May sink and Bathroom naman. Pero cozy yung place, kulang lang sa gamit. Ayun, wala pa kami sa mood matulog naglaro muna kami ng UNO na dala ni Jeffrey. Ang ingay ingay namin na may kumatok na babae galing sa RECEPTION. Siguro nireklamo kami ng kapitbahay. Take note, hindi lang siya isang beses nagbabala kung hindi dalawa. Akala kasi namin tahimik na kami hindi pa pala. So yun, inantok na rin, naglinis, nagkwentuhan at natulog na rin sa wakas... ending up our first night in Baguio.
BAGUIO DAY 1: Sobrang nakakapuyat dahil si Jeffrey and Rhitz nag-usap ata the whole night at ang aga pa nagising ni Jeffrey. As usual ako ang pinakahuling nagising. Naiihi nga raw pala si Jeff nung madaling araw kaso nahirapan siyang gisingin ako kaya kay Rhitz siya nagpasama. Moving on, nag-almusal, naligo and then naghanda na kami for our first day in Baguio. Akala namin madadalian kaming makahanap ng transpo papunta sa Baguio City pero after 30 mins lang kami nakasakay sa bus at nakatayo pa. So what we did was to take pictures muna nung hindi pa dumadating yung bus. 15 php yung fare sa bus and then bumaba kami ng SHELL STATION malapit ata yun sa CITY HALL ng Baguio (hindi ko na marember). From there nilakad namin ang BURNHAM PARK. So, umikot ikot muna kami dun. Tapos nung nakakita kami ng mga namamangka, na-iinggit kami. So ayun, 30php ata unlimited
hour na yung paggamit sa bangka. Ayun, sobrang saya sa bangka grabe... hindi kami marunong magrow ng boat kaya si Rhitz na lang ang katangitanging nagrow ng boat. Basta masaya nung nagboating kami. Kaaliw pa yung isang SWAN na may sakay... wahehehe. And then after namin magBOATING. Nag-isip kami kung san kakain. So habang nag-iisip, picture-picturan muna kami habang umiikot ikot sa BURNHAM PARK. Siguro mabait ang DIYOS, yung TITA ni Barry nag-alok atang maglunch kami ng sabay sabay.
Ayun, kumain kami sa OMAIKAN. Malapit lang naman yun sa PARK kaya nilakad na lang namin. STIR FRIED ang pagkain dun. Ikaw na bahala kung anong mga sangkap ang gusto mong ilagay sa meat mo. Name ng tita ni Barry nga pala ay SUSAN. Ayun, kasama niya yung anak niya, driver and yaya. Naka2nd serving kami dun sa OMAIKAN kasi masarap siya. Ayun afterwards, naisip naman naming magMINE'S VIEW. So ayun, picture picture dun as usual. Grabe yung CR dun nung nagCR kami, parang pwede kang makitaan ng 'NOTES' sa urinal nila. As in isa siyang parang malaking lababo na nakaharap ka sa dingding habang umiihi ka. Basta ganun. And then ayun, nabaliw kami, nilakad namin mula doon hanggan dun sa may mga nangangabayo (nakalimutan ko name ng place). Sobrang gusto ni Jeff mangabayo pero wala kami lahat sa mood kasi mahal pa. Nagpalipas kami ng oras tapos naiisipan naming manood na lang ng movie. So nagFX papuntang SM. Pero bago yun umikot
muna yung TAXI sa CAMP JOHN HAY. Umikot lang. In S, nawala kami sa mood magmovie so naghanap na lang ng Jacket si JEFF sa DEPT. STORE. Buti nakabili siya. And then pumunta kami sa AMA ni Barry. Ayun nagpalipas ng hapon dun sa kwarto sa tuktok ng bahay ng AMA niya. Kwentuhan to the next leve. Masakit ulo ko mga panahon na to as in. And then nung naggabi na, dumating mga kamag-anak ni Barry dun sa bahay ng AMA niya. Time to leave. Next stop was ELEGANT HOTEL. Sobrang nilibre na naman kami ni TITA SUSAN. This time kasama
niya yung pinsan ni Barry and yung boyfried nito. Ayun, shabu shabu yung drama ng dinner. Afterwards nanood muna sila ng GULONG NG PALAD and then hinatid kami nung BF ng pinsan ni BARRY sa may mga bars. Ayun, paikot ikot kami sa buong BAGUIO CITY. Si Jeffrey feel ang 'NEIGHBOR' kaso nahirapan kami maghanap. May nakita nga kami kadiri naman. Ayun naglakad lakad pa rin kami. Sobarn isip ng isip kung ano ang mga gagawin. Tapos ayun...so what we did was to just drink COFFEE sa KAFFELATSCH <--- ang arte di ba. Ayun nagpalipas ng gabi until mga 12:00am. Ang ganda ng boses ng kumakanta dun siyempre papatalo ba ko? Kumanta rin ako. Eheheh... and then ayun, pagkatapos namin uminom ng kape si JEFF gusto ng umuwi kasi may
evaluation sila tungkol sa SOS nila sa CSB. We tried everything to stop him pero made up na yung mind niya. We hailed a taxi tapos pinaghintay ni JEFF yung taxi and then nag-ayos na siya ng gamit and then nagbabay na. It's so sad. Ang lungkot ko nun talaga. Naiinis na nalulungkot sa pag-alis ni Jeffrey. I don't want somebody leaving. Hay... we should have stayed in the COFFEE SHOP much later or instead went inside a 'NEIGHBOR' para hindi na nakauwi si JEFF. Ayun, 2am nakaboard na siya ngbus ang 8am nasaCSB na siya. Salamat naman he was safe. Sobrang nag-aalala ko, kami for him. Ayun, nung wala na siya nag-usap usap kaming 3 sa baba. Grabe may dumating na naman na SUPERVISOR, pinatatahimik kami. Ayun, natulog na lang kami nung pagkatapos namin masabahin. Pero bago matulog, si Barry nagkwento ng mga sentiments niya. Nakinig naman ako pero nakatulog ako. Tapos nagising ako madaling araw kasi sobrang lamig. Dapat yayakap ako sa isa sa kanila kaso mas feel ko nag jacket ko. Ahahah... ayun, nag-umaga may mga maiingay na bata sa kalsada. Pero tuloy pa rin ang pagtulog. Around 9am, gising na kami.
BAGUIO DAY 2: Jeffrey is gone. Iba yung feeling. Malungkot. Basta. Wala ko sa mood bumangon and gloomy ang pakiramdam ko. After awhile natanggap na rin namin na wala si JEFFREY. So same routine, sila kumain ng breakfast ako hindi. Tapos naligo and then time to go na. Siyempre una nagpicture picture muna sa LEXBER SUBD. Ayun, and then pahirapan na naman maghintay ng transpo papuntang BAGUIO. Luckily may dumaan agad na JEEP. Pero inunahan namin yung mga mas maagang naghintay sa amin. Sorry na lang sila. Tapos may 2 baka pa malapit sa waiting shed. Wala lang. Tapos yun. We were in Baguio ulit. Kaming tatlo
na lang, maglulunch na nag-isip kami ng makakainan. Eh may tita na naman si Barry... this time si TITA VIVIAN. Naku, eh di dun kami sa RESTO niya kumain. SA CENTRAL PARK (ZONG GUO) may ganun pa. Ayun, si TITA nagorder. Grabe nakalibre na naman kami at ang sarap pa ng food na kinain namin. After that nagSM ulit kami kasi gusto ko kumain ng ICE CREAM. After nun, naisipan namin mag CAMP JOHN HAY sa may BUTTERFLY SANCTUARY ba yun? Ayun, sobrang saya kasi first time ko lang makapasok sa ganun. After nun bumalik kami sa mga may mga nagkakabayo. Umakyat muna kami dun sa mataas na stairs and then sa THE MANSION nag picture picture. Ayun bumaba ulit sa mataas na hagdan after nun nangabayo kami ni BARRY. Shet sobrang laki nung kabayo namin. Ang tamad tamad pa nung kabayo ko. Sobrang
kinakabahan ako nung nakasakay ako tapos tumayo pa yung kabayo ko. Buti na lang may nakatingin sa min. Hindi ko na tinapos yung 30 mins binayaran ko na agad sobrang takot na takot na ko. Ganun din sa Barry. After nun naglakad kami papuntang BOTANICAL GARDEN. Pero bago yun dumaan kami ST. JOSEPH'S CHURCH para magpasalamat kay LORD. And then sa BOTANICAL GARDEN na, sobrang wala na siyang GLORY. It was not the BOTANICAL GARDEN I knew back in 1992. Ngayon lang ulit ako nakapunta dun. Napabayaan na sobra. Hay... Dahil sobrang tuloy tuloy ang mga ginawa namin for that day, nagdecide na kaming bumalik sa LEXBER para makapag-ayos ang makapagpahinga na sa pag-alis namin the next morning. Kinontrata namin ung FX na sinakyan namin pabalik na kung pwede siyang bumalik para sunduin kami dun sa bahay. Ayun kinuha ni Barry yung number niya. Around 4 nasa house na kami. Tapos natulog muna. Mga 7pm nagising na kami. Inayos na namin yung bahay and then mga 8pm tinawagan na namin yung TAXI.
Binaba kami sa VICTORY LINER. Since gutom na kami, naghanap kami ng makakainan. Sa paghahanap namin, nakakakita kami ng COMEDY BAR. Sayang hindi namin nakita yung nung nandun pa si JEFF. Ayun, nagFX na lang kami at nagpatulong sa DRIVER kung san masarap kumain. Dinala niya kami dun sa GOOD HOUSE. Grabe ang sulit, for 75php ang laki ng serving nila. Ayun tapos naglakad lakad kami papuntang VICTORY LINER. 1am yung ticket namin so mga 11pm andun na kami. Tapos 2 hours naghintay sa TERMINAL, ayun 1am umalis na kami sa Baguio. Tapos mga 7am nasa CUBAO na kami. Si Rhitz bumaba sa PASAY. At dito nagtatapos ang isa sa mga kaganapan sa aking buhay na hindi ko maaring kalimutan kahit kelan. Glad to have friends like them. Thanks guys.
EPILOGUE: Right now nagkakagulo gulo kami.... hmmm... GOODLUCK TALAGA!!!
Song Entry #24
Just Friends by John Jacob Webb
I'm in a situation that I can't help
Something's keeping me from taking the step
It's hard to fantasize and visualize
Cause we're in a relationship
A relationship we call friendship
Chorus:
I know I should stop this hangover
(We're just friends)
To love you, I know I should never
(We're just friends)
This feelings I'd keep forever
(We're just friends)
We're friends and shouldn't be lovers
For you we're just friends
Thought I'd never fall for someone like you
I don't know why God didn't give me a clue
We know that we care for each other
You'd never feel the same way
At least there's something you can offer
Bridge:
Should I tell you or not
Will you even bother
Maybe I should hold on to forever
I'm falling apart
I'd rather keep this
Than you breaking my heart
Emmo's 5th and Kobe's 6th Birthday
Kobe's 5th Birthday
Sherry sa PGH at Bagyo sa Splash Island
Hello Mistah T! Ahahaha... grabe may bagyo nga! Meet CALOY! Waheheh... pero alam mo kahit bumagyo, natuloy pa rin kami sa SPLASH ISLAND pero bago yan, galing kami kahapon nina BECK, AK, MARVIN and JC sa PGH dahil dinalaw namin si SHERRY. Ang ganda ng scene kasi tinanggal na rin yung benda niya nung bumisita kami. Ayun, magaling na si SHERRY nakakatawa na eh. Andun sa
room Mom niya, Tita niya tapos pamangkin tapos dumating mga pinsan niya. Ang laki pala ng PGH! Parang school! Ayun, RM 738 siya and lumabas na rin yesterday night. Pagkaalis namin sa ospital kumain kami sa McDo sa DLSU. Then sinamahan ako nila kunin EAF ko. Sa wakas nakuha ko na rin. Magtatanggal ako ng subjects grabe. Bawal pa ko mag ELEMFRE pala nakakainis. So ayun, si Beck nagkaroon pa kahapon buti nagCR ako. And then ang bait nila kasi naghintay sila sa kin pero umalis na rin kasi sabi ko okay lang kahit ako na lang maghintay kay Ms. Divine. Ayun... then nagbantay sa PLANET QC dapat pupunta ko kila ATE para turuan si EMO pero ang lakas ng ulan kaya dun na lang ako sa QC. Sarap ng CHICKEN BALLS sa QC ahahah... wala lang. Ayun.... wala lang yesterday yun. So yung susunod na mga linya ngayon yan nangyari... Paggaling ka SHERRY!!! I love ya!!! Mwah!
Ayun, sobrang sayang because Beck almost made it to go with us pero since may bagyo, hindi siya pinatuloy ng parents niya. So ang nangyari, yung ticket for her napunta sa driver ni Jeffrey. So ayun, around 8:30am nagkita kami ni RHITZ sa AYALA STATION and then sobrang naiihi na ko so pumunta kaming WENDY'S. Ako para umuhi tapos siya para bumili ng breakfast. And then we rode a bus going to ALABANG. 29php yung fare ang mahal! Tapos parang feeling namin probinsya na pinupuntahan namin. Ayun, tapos muntik na kami lumampas sa meeting place namin nina Jeff buti nakita ko yung MERCURY DRUGS na may malapit na JOLLIBEE. Then sa JOLLIBEE kami naghintay ni Rhitz for Jeff. After mga 30mins dumating din sa wakas si Jeffrey. Ayun, mukhang kakagising lang which is OO... kagigising lang niya and then ayun alis na. Maluwag yung SLEX pero sa SPLASH exaj ang daming tao. Buong BPI sa METRO MANILA pala kasi yung nagoouting. Thanks sa mom ni Jeff binigyan kami ng ticket. Hmm... and alam mo, yun yung first time ever ko makapasok sa SPLASH ISLAND. Ayaw pumunta ng family ko dun kasi lagi raw madaming tao pagnakikita nila from SLEX. Hmmm... oo nga marami talaga. So sa loob parang may party tapos yung mga dahon dahil may bagyo naglipana sa daanan at mga swimming pool. Parang ang dumi dumi tuloy ng swimming pool. Ang daming nakaTSHIRT habang nasa pool. I find this act very disrespectful Mr. T!. Ano ba yung pool HUMAN LAUNDRY MACHINE? Naku ha... ang damit pagbinabasa nilalabhan hindi pinangswiswimming. Ayoko lang talaga yung mga taong nakaTSHIRT habang nagswimming. Take down notes SPLASH ISLAND! Ayun, sobrang we had a hard time finding a place to settle our things down. So tinawagan ni Jeffrey yung driver nyan umiikot ikot sa SPLASH para maghanap and bantayan yung mga gamit namin. Ang hirap maghanap kasi every cottage seem to be occupied. Pero buti may isang family mabait nagtanong kami kung pwede lang makishare tapos pinayagan naman kami. Then SWIMMING TIME. Ayun first dun kami sa may pool na may WAVES pero walang kuryente so wala pa siyang WAVES so umalis kami dun. Next dun sa pool na parang RIVER. Naku! Puros dahon parang pangsinigang yung tubig ang daming dahon! And then we tried to ask a personnel kung pwede magSLIDE but he told us na walang electricity so baka malate mag-operate ang SLIDES. Ayun, bumalik kami dun sa may WAVES tapos nagkwentuhan. Siguro after 45 mins yun, biglang nagkakuryente.... tadah --- nagkaroon ng waves!!! Naku ang saya! Pero hindi na masaya nung dumami yung tao sa pool!!! Hmph! So ayun, since may kuryente na. We headed back sa may mga slides. First slide was a SOSO SLIDE. Okay naman siya kahit hindi masyadong thrilling. Kailangan pala ng salbabida dun sa SPLASH pagnagsslide. Sobrang lamig dun sa tuktok ng slide. Ayaw magslide ni Rhitz eh so kami ni Jeff ang nasa tuktok shete! Kung hindi lang masagwa tignan yumakap na ko kay Jeff. Sobrang nilalamig na ko to death. And then yun, second slide was the most exciting, thrilling, fantastic slide i've ever been on to. Sobrang parang JUNGLE LOG JAM yung feeling kasi--- hmmm... hindi ko maexplain basta. Sobrang steep nung slide tapos yung feeling nung bumagsak ako intense... again... a lifesaver was needed for this slide. After that, sobrang giniginaw na talaga ko so sabi ko sa kanila magbabad muna kami dun sa pool na RIVER. So ayun, isang round kami dun and then ayun, may family slide. Sobrang taas na naman nung papunta sa tuktok ng slide. Malaki ung lifesaver tapos mga 5 tao pwede sumakay. So si Rhitz sa isang dulo tapos kami ni Jeff magkatabi para pantay. Nakakahilo yung slide!! Pero masaya dahil lahat kami nandun sa slide at sabay sabay nagslide. And then pagtapos nun last slide na... yung walang salbidang kailangan na slide. I forgot the name of the slide pero panget yung slide nakakahilo na naman. Tapos pagkadausdos mo sa tubig papasok at papasok ung tubig sa ilong mo. Naku! After nun nagbanlaw na kami at umalis. Kung walang bagyo siguro probably until 4pm andun kami. We left past 12pm.
After having fun sa SPLASH ISLAND, pupunta dapat kami sa bahay ni Jeff pero brownout so sa ALABANG TOWN CENTER kami natuloy. First time ko rin sa ALABANG TOWN CENTER.... eheheh. Yes! Saya! Ayun, dapat manonood kami movie but instead tinour ako ni Jeff tapos nagkwentuhan habang umiinom ng ZAGU tapos sa POWER BOOKS ganun na naman. Tapos sa grooundfloor ganun na naman. Ang dami kong nakitang Lasalista. Mga taong tagaSOUTH. Ayun and then nandun yung parents ni Jeff so mineetup namin. Ayun, usual, bawal ang 'happy movements' kailangan formal. Ayun nilibre nila kami sa PHO HOA. Anyways sila nagdikta kung anong dapat orderin. Tapos yun, hinatid na kami ng DAD niya sa may METROPOLIS MALL para magabang ng bus dun papuntang CUBAO. So ayun, nilibre ko na lang si Rhitz sa pamasahe. Grabe ang mahal nung fare. I don't know how much pero si Rhitz sa AYALA bumaba at ako sa ORTIGAS... ang change ko 25 php na lang. Magkano naman yun!??! Shete talaga. Ayun nagstroll muna sa ROBINSON'S GALLERIA and then umuwi na. Around 9:30pm. Umalis kami sa ALABANG around 8:00pm eh dapat 7:00pm pero kasi libre yung dinner kaya ayun. Mabait naman pala parents ni Jeff. Kala ko nangangain sila ng tao but they we're very warm. Tapos english pa ng english tatay ni Jeff buti hindi dumugo ilong ko. Ayun, buti I got home safely. Nasa BATAAN pala sina Mama, Reamaur tapos sila Ate. They'll be back tomorrow. Ayun... kahit binagyo sa SPLASH sobrang saya. Thanks guys! Ay pahabol, birthday pala ni ALYSSA rin. Ayun, sarap nung CRISPY PATA. Sobrang wala kong gift sa kanya kaya 200php na lang. Ahahah... I love ya. So eto muna Mr. T! Update you soon.
Song Entry #25
Lose Control by John Jacob Webb
Stop the hesitation
Accept the invitation
If there's an indication
Choose from all the options
Ignore the vindications
It's not their generation
Now if you feel the collision
Then let's start our mission
Chorus:
Lose control
Let the feeling overflow
Let the music take control
Let them see what you've got
Let them see that you're hot
Let me see that they're not
Music keep on playing
Dancers keep on dancing
Show them what you've got
Baby baby baby uh
Hit the spot
Just lose control
Before starting this session
Be aware of the caution
If you have any questions
Then there are prescriptions
If there's a need for inspection
Just ask for my permission
Then after the preparation
Let's start the ha ha ha
Locomotion
Bridge:
Uh show me what you've got
Uh uh just hit the spot
Uh uh uh let's go round and round
Baby come and take me away
Huling Hirit ng Summer 2006
Juniors Na Kami!!!
Hay ang bilis Mr. T! Third year na agad ako/kami ng mga blockmates ko at mga friends ko. Ang bilis bilis... Ayun, late as usual. Sobrang hassle pa dahil ang init bandang 9:30am. Tapos pagkapasok ko sa NETCOMM dinismiss agad kami. Ayun, kumain muna kami nina SHERRY and BECK sa Jollibee. Tapos, ORGMNGT naman absent yung prof. So ayun, umuwi na ko. Nagcut ako ARTAPRE kasi sobrang inaantok ako and besides first day pa lang naman. Nakakabaliw si MATTHEW kanina nakawig! Infairness mukha siyang girl talaga. Nag-eexpect ako ng mas maraming FROSH pero parang onti lang sila kanina. Siguro hindi lang tugma sched ko sa dagsa nila. Ayun, sina TIN, ANNE, ANGE, DECK, AUBREY almost lahat ng major subjects classmates kami. Buti na lang may kasama ko nagshift. Anyways, dito muna Mr. T! Haba kanina ng pila sa ACCOUNTING! Baket ngayon lang kasi ako nagenroll. Si ate nabwisit pa sa driver ng tricycle na sinakyan namin kanina. Ay si UDAY andito sa MANILA! Ganda pa rin as usual! So yun, ano pa ba... yung cellphone ni MARCO na nalaglag sa balde sa Laguna buti nagawa. Bwisit yung sa TV kanina mga BAKLANG nagsasagala. I am one but I don't want them being REYNA ELENAS! Sobrang pambabastos yun! Dapat tunay na babae ang REYNA ELENAS! Eto pa aku, yung chismis dati namin na may lalaking transexual sa school --- totoo pala! At nainlove ang roomate niyang lalake sa kanya! Tapos nung inamin niya, sila pa rin! Wow ha! Grave na toh! Uhmm... ano pa ba... weird yung arrangment ng upuan sa CONSERV kanina parang chismisan arrangement. Yung tahi naman ni Sherry buti magaling na! Gusto ko sumali ng EA!!! Ayun, second day tom... goodluck ulit TH subjects naman. Hay... update you soon Mr. T! Mwah!!!
2nd Day Madness
Hello Mr. T!!! Time for some real quick updates. Sobrang tinatamad ako magtype lately so eto na lang muna ang mga updates nung nakaraang mga araw:
YESTERDAY/AWHILE AGO: PKK 2003 reunion kanina sa KAMAY KAINAN sa may Greenhills. 210php per head. Okay naman yung food. Good to see people you haven't seen for the longest time. Pero wala naman silang pinagkaiba. Yung iba lang tumaba yung iba naman pumayat. Yung iba same. Ayun tapos nagTIMEZONE kami nina TJ and KRV yung iba pumunta sa Promenade. Alam mo, nanalo ako ng CELLPHONE sa isang GAME sa TIMEZONE! Beginner's luck ata! Nokia 1100 ang phone pero okay na rin para may spare phone. Tapos may isang game pa na may GAMEBOY ADVANCE kaso ang hirap nung game. Tapos yun, may DANCE MANIAX. Ibang level si LLOYD at SIMON pati yung friend na girl ni KRV. Tumatalon talon pa at may mga steps. Ayun. Nakakaaliw. Tapos umuwi na kami. Sinamahan ko si KRV maghintay ng TAXI at ako naman nagjeep. Yung iba naiwan sa GRILLA. Gusto ko sana magtagal pero di ko matagalan isang tao. Anyways yan yung kanina.
FRIDAY: PLANET N. DOMINGO opening. Ayun may free medical check-up. Maraming nagparticipate. And then hinatid ako nina WILSON, MAMA and REAMAUR sa school. Nawala pa kami sa MANILA. Dapat sa MAGNAGOLD lang sila pupunta. Tapos yun, hindi ko pala pinasukan first class ko. Tapos nung pagpasok ko wala namang teacher sa ORGMNGT. Iba na raw yung teacher... si ONA na. Hindi raw okay si ONA sabi nila. So yun, tapos ARTAPRE --- Music ang topic. Tapos puros SHARON CUNETA yung pinatugtog ni Ma'm pinapahulaan pa sa min eh ako lang nakakasagot. Sabi tuloy sa kin ang galing galing ko. Then dismissal na tapos nakasalubong sina MATTHEW at AUBREY. Ayun sinamahan muna sila sa loob ng school and then nagSM MALL OF ASIA kami ni Jeffrey. Dapat kikitain namin si Barry dun kaso hindi namin siya mahagilap. Ang laki nung mall. NagLRT tapos nagJEEP kami papunta dun. Hindi nakasama si RHITZ kasi may panonooring play sa CCP. Shet wala palang DA VINCI CODE dun. Dapat talaga manonood ako. So ayun, ikot ikot kami ni JEFFREY ng walang katapusan. And then kain kami sa TOKYO TOKYO. And then medyo ikot and lakad then umuwi na rin. Jeep then MRT. Sobrang saya mga kwentuhan namin ni JEFF. Puros kabaliwan. And don't forget the CIRCUS sa MALL OF ASIA. Nakakaaliw!!!
THURSDAY: Can't remember hmmm... ay ayun medyo late for BIZPROC. Tapos pinagawa lang kami ng FLOWCHART ulit. Tapos DATABAS wala ayun nagbidabidahan ako sa PHOTOCOPY MACHINE. Leader kuno. Ayun lang maalala ko. Kasabay ko si TRISH and NICA palabas ng SOUTH. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanila. And then tinext ko si BARRY na sabay kami magMRT so yun nagkita kami sa EDSA-TAFT Station. Tapos nagpasama ko GATEWAY para maghanap ng LIBRO. Sa may NATIONAL BOOKSTORE kami naghanap kaso walang stock. Pasaway pa tanong ko sa saleslady... "MISS MAY LIBRO KAYO DITO" <--- sagot naman ang loka "TRY NO THIRD FLOOR" buti hindi ako binara na "HELLO AYAN OH PUROS LIBRO". Buti di niya narealize. Ahahaha....
WEDNESDAY: May concert sa AMPHI nung UBREAK to welcome froshies ata. Tapos ako naman may meeting sa SJ109. Dun ko lang nalaman na may meeting pala ang Santugon CC College CORE . Wow ayun inaappoint na kami officially kung anong mga role namin. Ang ganda ng title ko ASSISTANT BATCH GENERAL <--- pero di ko magets para san toh. Pero sa pagkakaintindi ko magiging pinaka-active ako every election. Oh di ba! San ka pa??!?! Kaya mo yun! Basta I'll try to do my best para makatulong sa CCS. Pero bago yun naglunch kami ni BARRY sa TROPICAL HUT. Ayun tapos nung nasa CSB na ko siyang text naman ni GERALD. So yun naghiwalay kami ni BARRY ng di oras. At ang JACKET!!! Baket di ko pa pinuslit sa BOOKSTORE!!! JOKE!!! Eto yung mga posisyon:
Santugon College President:
Gerard Lojico
Santugon College General:
Jessica Labaja
Assistant College Generals:
Alrey Daluyaya
Jacob Webb
Community Development Head:
Beck Saguid
Human Resource Development Head:
Marvin Quinzon
Internal Processes Head:
Jasmine Siy
Issues Advocacy Head:
Carmela Guino-o
Santugon Membership Head:
Erin Bare
Pakibasa Mr. T! ang nakared! Aahaha... parang kapita-pitagan di ba! Ahahaha... naku may meeting pala kaninang 1pm di ako nakapunta. Magchecheck na nga ako ng Yahoo Groups nito. Ano pa ba... ayun lang muna. Antok na ko... sumali kaya ulit ako POPS ORCHESTRA? Hmmm... pero sa PHILIPPINE IDOL muna sa JUNE 1 sa SM MANILA or pag di ako nakaabot dun, JUNE 3 sa PICC daw. Ahahah... wish me luck. Naku yung EA form ko susubmit ko para magkakaORG na kami nina SHERRY at makatambay na ko sa ROOM nila! Ahahaah...Update you soon Mr. T! Mwah!!
Sagala Night
The DaVinci Code
Hello Mr. T! Just watched The DaVinci Code sa Greenbelt 3 with NICA. Sadly it didn't meet my expectations. The movie was good but could have been better. They changed someparts in the movie. Pero lagi namang ganun. 3 stars out of 5 stars siguro ang rating ko. Ayun, going to Greenbelt nastranded pa yung MRT. Sobrang natrauma si NICA. I didn't attend my first class today. And then nung pauwi na ko may mama pa na nagsabi "KANINA KA PA SINGIT NG SINGIT BWISIT KA!" Hello manong! Saan ako sumingit ni hindi ako pumila para bumili ng MRT ticket eh! Labo ah. Ayun tapos nagPROV ulit kami nina BECK and SHERRY for the first time this term! Ayun, masaya naman. Tapos nagTIMEZONE ulit kami. Tried my luck dun sa napanalunan kong game before pero sadly ayaw ng luck ko ngayon. Ahahaha... ayun. Sayang wasn't able to watch the FLORES DE MAYO ngayon. Kasali na naman si ALYSSA. So yun muna. Update you soon.