Minsan iniisip ko kung ano ang tunay na kahulugan ng kaibigan. Marami kasing pumapasok sa isip ko pagnaririnig ko to. Kaibigan, siguro nga maraming ibig sabihin ang kaibigan. O mas magandang sabihing maraming uri ng kaibigan. Subukan ko kayang ilista mga uri ng kaibigang mga nakaengkwentro ko... Hmmm...
1. Kaibigang Pang Isang Term --- siguro eto yung mga kaibigang sa isang subject mo lang nakilala. Nagkausap kayo. Nagtanungan tungkol sa lesson. Tapos nagtext-text kung ano mga dapat isubmit para sa subject kung san kayo magkaklase. Dahil wala kang masyadong kakilala sa class eh siya naging close mo nun. Naghi-hello kayo pagnagkikita sa loob ng eskwelahan. Pero pagtapos ng term kung san kayo magkaklase eh wala na. Balewala na rin yung mga pinagkaclosan niyo dun sa subject kung san kayo magkakaklase. Tapos niHI or HELLO hindi na kayo nagbabatian. Hmmm... pake ko sa inyo! Nagamitan lang naman tayo kaya patas lang!
2. Kaibigang HI at HELLO --- eto naman yung mga ibang uri ng Kaibigang Pag Isang Term. Yung ganito uri kasi naalala ka naman kahit papaano. Kahit hindi na kayo magkaklase, hindi niya nakakalimutang magHI at HELLO sa yo. Ikaw rin hindi nakakalimot na magHI at Hello sa kanya. Ayun, ngiti jan ngiti doon tanong kung kumusta na siya tapos tatanungin ka rin. Pero hanggang dun lang wala talaga kayong bond na pinanghahawakan.
3. Kaibigan ng Kaibigan --- hmmm... eto yung mga kaibigang pinakilala lang sa yo ng mga kaibigan mo pero hindi naman talaga kayo close. Kunwari masaya kang mameet sila pero sa totoo lang wala kang panahon para makilala sila. Nirerespeto mo lang yung kaibigan mo para hindi siya mapahiya at kunwari siyempre mabait ka. Ayun, pwede ring tawaging Kaibigang Hi at Hello ang mga to. Sumasama ka sa kanila dahil sa pakikisama ng kaibigan mo sa kanila. Ganun lang yun, pero kung feel mo naman sila, susubukan mong maging close sa kanila kahit di ka pa nila feel.
4. Kaibigang Kaaway --- eto yung masayang mga kaibigan. eto yung mga kaibigang alam mong hindi ka feel at hindi mo rin feel pero magkaibigan kayo. Yung tipong nagsisiraan kayo sa likod ng isa't isa. Pero pagmagkaharap kayo parang close na close kayo at tugmang tugma ang mga pag-iisip tungkol sa mga bagay bagay. Close na close pero sa mga isip niyo gusto niyo na magsaksakan. Minsan tumatagal ang ganitong pagkakaibigan dahil nadadagdagan din ng spice ang buhay. So yun... pampasaya rin to ng buhay dahil narerealize mo ring masama ka pala.
5. Kaibigang Utusan --- eto yung mga kaibigang walang mga kwenta... ay mali actually may mga kwenta sila dahil sila yung mga sunod lang ng sunod sa mga gusto mong mangyari. Sila ung mga gulible type. Walang ginagawa kung hindi umOO lang ng umOO sa mga gusto mong gawin. Kahit patalunin mo sa building oo pa rin. Masaya rin mga kasama to dahil feel mo boss ka pagkasama sila. Ayun lang talaga kawawa sila pero ano magagawa natin ganun sila... sigh...
6. Kaibigang Feeling --- eto yung mga mayayabang na kaibigan. Naku! parang sila na lang palagi yung gusto maging CENTER OF ATTENTION sa barkada. Tapos sila pa yung utos utos at gawa ng gawa ng decision para sa barkada. Eto yung kabaligtaran ng Kaibigang Utusan. Naku! Bagay na bagay magkasama silang dalawa. Yung isa utos lang ng utos yung isa naman tatanga tanga sunod lang ng sunod. Tsk tsk...
7. Kaibigang Pasosyal --- eto yung mga kaibigang sosyal mismo na nagpapasosyal pa or hindi naman talaga sosyal eh nagpapasosyal. Sila yung kaiinisan mo dahil kung hindi ka naman sosyal pipilitin ka niyang makiLEVEL sa kanya. Sorry na lang siya dahil hindi ako social! Naku, eto yung makikita mong payosi-yosi para masabing nagyoyosi lang. Yung mga kain ng kain sa mamahaling kainan kahit wala ng pamasaheng pauwi. Eto yung mga feeling feelingan na ayaw magpaaraw dahil masisira ang kutis at kung anu-ano pang kaartehan....Che! mga maarte...
8. Kaibigang Busabos --- actually hindi naman talaga busabos. Eto yung mga kaibigang makukunat. Naku, lagi na lang umaayaw sa mga lakaran dahil wala raw 'pera' o kaya maraming 'gagawin'. Eto yung kabaligtaran naman ng Pasosyal. Basta baligtarin mo lang yun eto na yun.
9. Kaibigang Type Mo --- enough said... mahirap talaga toh. Hindi mo alam kung san ka lulugar at paano ka kikilos
10. Kaibigang Type Ka Pero Di Mo Type --- kailangan pa bang iexplain din toh? Mahirap din toh! baket pa kasing sinabing type ka! Hirap tuloy kumilos!
11. Tunay ang Kaibigan --- hinuli ko toh para naman masaya. eto yung mga kaibigang tanggap ka kung ano ka. sila yung mga taong alam yung buong pagkatao mo pero tanggap ka pa rin. Sila yung madalas mong kakwetuhan --- sa personal, telephone, ym man at kahit na sa text lang. Sila yung nag-aalala para sa yo. Hindi nila nakakalimutang batiin ka sa mga mahahalagang okasyon. Eto yung mga kaibigang ipagtanggol ka kahit kaya mo naman sarili mo. Sila yung madalas mong katawanan, kaiyakan, kalokahan atbp. Alam nila kahinaan mo at kalakasan. Marunong umintindi. They bring out the best in you. Sila yung mga taong ayaw ka mapahamak. Mga kaibigang PROUD na PROUD sa yo at hindi ka kinahihiya kung ano ka pa. Masaya silang kasama. Walang sikretong tinatago. Walang kyeme. Walang halong kaplastikan lahat tunay. Lahat totoo....
Actually marami pa... iisipin ko pa yung iba...
Currently listening to: That's What Friends Are For by Dionne Warwick
Currently feeling: true