All I Want For Christmas Is You
Merry Christmas Mr. T!!! Sorry for not updating to you. Sobrang busy ako lately and nung hindi na ko medyo busy tinatamad naman akong magtype. Okay... recap ng mga nangyari (those of which I remember)
Dec. 2: Birthday ni Marco
Dec. 4: Birthday ni Ate Bibing
Dec. 7: Birthday naman ni Cathy
Ayun, and then nakalimutan ko yung date ng blessing ni Ate anyways ayun. Katatapos lang namin mag NOCHE BUENA. Spaghetti and fried chicked lang handa namin. Sa NEW YEAR na raw mas masasarap na handa. Anyways, isa sa mga unforgettable happening na nangyari ngayon eh yung TRIP with KAROL and FRIENDS sa House nila sa CAVITE... I can still retell the story very well. Here it goes...
Around 11:30 am nasa METROPOINT MALL na ko para hintayin si KAT, friend ni KAROL sa UP. Bandang 12:00pm plus na wala pa rin and di rin nagtetext. Kumain na tuloy ako ng FRENCH FRIES at ICED TEA habang nakikinig ng MP3 sa phone ko. Dumating sina KAROL and no KAT showed up. Ayun, natraffic pala, so hinintay namin sa may JOLLIBEE paglampas ng TAFT. Anyways, MERCEDES pala dala ni KAROL, together with the following friends (according to their seats): OLIVER, SANI, STAN, WARREN, tapos mga friends ni MARGARETH: TATA, LYANE, MARGARETH and MJ then sa likod, si WANGBU, KAYE, HAZEL, MILCA then nun finally dumating si KAT, pumunta na rin siya sa likod. Matagal ang biyahe papunta kina KAROL, so maraming kwentuhang nangyari, naglaro pa kami ng WOLF and CIVILIANS habang nasa kotse. And then may nakita kaming RED RIBBON at bumili sina KAROL ng cake. Finally nakarating din kami dun, we ate lunch sobrang sarap ng lunch. Mukha namang masaya ung lola ni Karol makakita ng bisita. Then pagkatapos mag-ayos we headed straight to the beach. Ang saya saya sa loob ng bus kantahan ng kantahan ung mga babae sa likod at may voicing pa. Then nakarating kami sa beach sobrang lamig ng tubig. Manmade yung beach pero maganda siya. Kinaya naman namin ung lamig ng tubig. Si Karol mukhang tanga nakaTSHIRT pa rin habang lumalangoy parang babae. Unfortunately, around 5:00pm kasi kami nandun eh, mga 6:00pm kailangan na naming umalis kasi si KAT hindi yata nakapagpaalam sa MOM niya, iba ata yung excuse niya so nagmadali kaming magsiuwi. Ayun, ang dilim ng daan pabalik dahil gabi na. Nung nakabalik na kami sa bahay nina KAROL, pinahatid na lang si KAT sa driver and thank God nakauwi naman si Kat ng maayos. Pagkabalik pala namin sa bahay nina KAROL may parang BEERHOUSE na mga lamesa at may TV pa ready for VIDEOKE. Ayun, nagbanlaw ulit kami pagkabalik, SHET TALAGA yung tubig sa banyo sa taas... walang tubig pag ginagamit sa sa baba. Kaya tinapos ko agad paliligo ko. And then kainan na. And then kwentuhan naman, ako nakipagkwentuhan sa LOLA ni KAROL. Si Karol ata tinopak, gusto pumunta sa bahay ng TITO niya gamit ang TRUCK at sa likod kami sasakay. Natuloy naman yun and sobrang saya sa likod ng TRUCK...ahahah. And then nung nandun kami kumanta kami for his TITO. Eto yung setlist: KUMUKUTIKUTITAP, PASKO NA SINTA KO and then biglang BAKIT NGAYON KA LANG (impromptu) then WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS. And then , pagkabalik sa bahay nina KAROL, videoke, pumasok na lahat pero ako nasa VIDEOKE pa rin. Nd ko alam ginawa nila sa loob dahil aliw na aliw ako sa MAGIC SING ni MILCA. Then noche buena na, ayun saya and then nagexchange gifts sina KAROL and friends ako natulog na. Iba room ko from them nung natulog. Dun ako kina MARGARETH and friends niya.
Next day, kailangan namin umalis ng maaga to meet up with JEN, friend na naman nila. Ayun, dun kami sa TAGAYTAY nagmeet sa may MUSHROOM BURGER. And then nakalimutan ko ung pangalan nung CHURCH na pinuntahan namin pero sobrang ganda niya. After that... we headed straight to MILCA'S House, dun kami naglunch. And then nagkaproblema pa sa TRANSPO kaya yun, nagbayad tuloy kami 1500 para may maghatid lang sa min pauwi. Sa ENCHATED sobrang saya, eto mga sinakyan namin: ROLLER SKATERS, ANCHORS AWAY, JUNGLE LOG JAM, SPACE SHUTTLE, RIO GRANDE then FLYING FIESTA (hindi ako sumakay dito and KAROL din, masusuka na kasi ako pagsumakay pa), RIALTO then ayun. Inabot kami hanggang gabi then umuwi na kami. Bumaba kami sa may GALLERIA then hinatid ako ni KAROL and OLIVER sa bahay. Ayoko maglagay ng mga comments ko dito eh baka magtunog masama or negative ako. Anyways Mr. T! Merry Christmas ulit. Happy birthday din pala kay ADNAN and JORIEL!!!
Congrats pala to MIMI for her 17th #1 Song, Don't Forget About Us...
I love you Mr. T!!! Mwah!