Song Entry #18
Dapat Limutin ni John Jacob Webb
Heto ako
Nangangarap
Umaasa pa ring
Mamahalin mo
Andiyan ka
Nagbibiro
Nagpapatawa
Nagpapasaya
Chorus:
Ngunit bakit
Kahit anong gawin
Di ka mapasakin
Siguro nga
Tama sila
Dapat na kitang limutin
Kahibangan
Siguro nga
Paano kung
Mahal na kita
Kung di talaga
Tapusin na lang
Ang kabaliwan
Ihatid sa kawalan
Bridge:
Sa hangin na lang
Kita hahagkan at yayakapin
Simula ngayon ika'y aking
Lilimutin