Goodbye and Thank You
I tried. I tried to be perfect para sayo. Sinubukan ko lahat para mapasaya ka, to take you places you've never been. To let you feel emotions you've never felt. To make you see me as an essential part of your life. I tried. I tried.
Somewhere, hindi ko alam kung saan, we changed. Yes, WE. Hindi lang ikaw, hindi lang ako ang nagbago. Hindi tayo nakasabay sa agos ng panahon. Hindi natin sinubukan sabayan ang gusto ng isa't isa. Did we try to cope? I don't know. Did we try to understand each other? I tried, hindi ko alam if sinubukan mo nung nagtagal tayo. Sana.
Now that I know, na after ng kasalanan ko sayo, na ayaw mo na talaga makipagbalikan sa kin, susubukan ko na mag let go and unti unti akong makaka move on alam ko. Pasensiya na kung napagbuhatan kita ng came. It was an act of pain na hindi ko na siguro kinayang icontain kaya I resorted on slapping you. I was drunk too. My emotions were magnified. Alam kong ako ang kontrabida na lalabas dahil ginawa ko ito sa harap ng mga kaibigan mo at ng ibang tao. Na eskandalo kita. Sana in time mapatawad mo ko. Sana din wag mo i-define ang 4 na taon nating relasyon sa nagawa ko sayong pagsampal, I was more than that. We were more than that. Patawad ulit.
Alam ko namang minahal mo rin ako. Sinubukan mo. Ramdam ko yun. Pinapapatawad na rin kita sa lahat ng nagawa mo sa kin. It's all behind us now. Nasaktan ako sa lahat ng ginawang pang-iiwan ng walang dahilan sa kin. Pero inintindi ko na lang na baka mas kailangan ka ng sarili mo. And now ito na huli kong pamamaalam sa yo. Maraming salamat sa lahat.
It was a major scene. Nakita mo ko sa worst ko. Nakita mo kong nasasaktan at nahihirapan. You didn't do anything. Sinubukan kong ipaintindi sayo. You didn't listen. So I resorted to what I did. Slowly, napapatawad ko na sarili ko. Sumabog ako. Ang hirap pala noh? Yung magawan ka ng mali Kirk. Naalala mo nung tinatanong kita noon na if ako naman ang makasakit sayo, kung mapapatawad mo pa ko at gugustuhin mo pa kong mahalin? You didn't answer. Nangyari na yung tinanong ko sa yo and alam ko na ang sagot. Siguro kailangan ko isang taong makikita yung sukdulan ko pero hindi ako iiwan. Yung iintindihin ako at hindi aalis dahil nagpapakatotoo lang ako. Yung bibigyan ako ng chance magbago magkamali man ako. Yung maniniwalang kaya kong magbago. Yung tatanggapin ako kahit ilang beses akong magkamali.
Salamat sa 4 years. Salamat sa natutunan ko. Salamat for taking me to places I've never been. Sa mga emosyon na pinaramdam ko sa kin. Sa magaganda and masasakit na emosyon. Sa oras na inalay mo sa kin. Sa effort at sa pag paparamdam mo sa kin na importante ako. Siguro nasaktan talaga kita ng matindi. I didn't mean to.
Masakit. Siguro grabe na talaga yung nagawa ko sayo dahil kahit sa future mo hindi mo na ko makitang kasama mo. Wag ka mag-alala. Tutulungan ko sarili ko mag move on. Do things on my own and mangarap ng hindi ka kasama. Sa 4 na taon natin lagi kang kasama sa mga pinapangarap ko sa buhay. But now, I have to dream on my own.
Hindi ko na alam kung kaya ko pang mag mahal ulit. You were my first relationship and it will take me years to get over this. Tutulungan ko sarili ko Kirk. Maraming maraming salamat sa mga tinuro mo sa kin at pinaramdam. Paalam.