Entries for July, 2014

Hi Mr. T! Kumusta ka na? Long time no update. Sorry. Pati ikaw napabayaan ko nung mga panahong nagkaroon ako ng karelasyon. Ayun, wala na kami. Pagtapos ng 2 taon, wala na kami. Ang hirap pala sa pakiramdam. Akala ko noon ang heartbreak arte lang. Hindi pala. Para ka palang namatayan. Yung hindi ka makahinga. Ang hirap magtrabaho. Ang hirap mag-isip. Hirap matulog, bumangon sa umaga. Ang hirap pala lalo na kung ikaw yung iniwan. Masakit Mr. T! pero kailangan kong kayanin ito. Nagpapasalamat ako na kahit naghiwalay kami, nakapagusap kami ng maayos bago natapos ang lahat. Sana soon maging magkaibigan kami. Time will tell. 

Mamimiss ko lahat ng pinagsamahan namin. Mga sumpaan na minsan binitawan namin sa isa't isa. Sa mga lugar na pinuntahan namin, malayo man o malapit. Sa mga kainan at simabahan na pinasok namin. Sa mga kalsadang natraffic kami at nagusap ng mga bagay bagay tungkol sa kahit ano. Mamimiss ko pang ookray namin sa isa't isa. Mga tawanan pag wala ng maisip na sabihin. Mamimiss ko mga madadaling araw na lasing kami at magtatawanan at tutulungan niya kong makalakad dahil sa kalasingan. Mamimiss ko ang pagpunta namin sa mga beach, ang pagdadrive ng malalayo. Ang hot air balloon na sa dalawang taon hindi kami naging absent. Mamimiss mga kwento niya tungkol sa mga pamangkin niya na gusto ko rin mameet. Mga problema sa company nila. Sa mga lugar na napuntahan niya. Mamimiss ko mga nakilala kong mga kaibigan niya. Mamimiss ko siya Mr. T! Higit sa lahat mamimiss ko yung pakiramdam nung magkasama kami. Mamimiss ko lahat lahat. Mamimiss ko kung ano at sino ko nung kami pa. Masakit Mr. T! Napakasakit pala ng ganito. 

Alam kong hindi naman ako naging perpekto na partner pero binigay ko lahat sa abot ng makakaya ko. Hindi tama ang mga pinagagawa kong pag bring up ng issues na nakaraan na. Siguro naturete na siya. Sana mapatawad niya ko Mr. T! Hindi ko sinasadya yun. Minsan pag galit tayo we say thing we don't really mean. Sana in time, mapatawad niya ko. 

Wala akong regret na naging kami. Marami akong natutunan sa kanya. Sana ganun din siya. Sinubukan ko maging tama para sa kanya. Naramdaman ko rin naman na sinubukan niya. Minsan pahamak talaga bibig ko. Good thing is I learned. Natuto ko. Hindi man siguro ngayon or mamaya or bukas, sana magtagpo ulit landas namin at mas okay na kami. Hindi ko na hinahangad na maging kami pa ulit sa mga oras na toh. Ang tanging hiling ko lang, maging magkaibigan kami. Sa paraang ganun, mas madali namin maiintindihan ang ugali ng isa't isa at mas madali naming matatanggap ang isa't isa. In time. Not now. Soon siguro. 

Marami akong dapat ipagpasalamat ngayon. Sa mga kaibigan ko na laging andiyan at hindi ako iniwan. Sa pamilya ko na laging andiyan. Sa mga nakilala ko at naging close friends ko rin. Siguro na neglect ko sila pero ngayon babawi ako. Salamat sa kanila narerealize ko na I am still loved. 

Sa ngayon, mamahalin ko muna sarili ko. I will take care of myself and make a better version of myself na rin. Ayaw ko na magkaroon ng karelasyon. Hindi ko alam kung magiging handa pa ko. As of now, aalagaan ko sarili ko at mga tao sa paligid ko. Hindi mawawala pagmamahal ko kay Kirk. It might be on a different level na but I will always love him. Naging malaking parte siya kung sino ako ngayon. Sabi nga nina Barry, I was worse 2 years ago. Salamat salamat. 

So ayun Mr. T! Salamat sa pakikinig. Taon na yata nung huli akong nagsulat sayo. Pasensya na. I'll update you soon. I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya Mr. T! :)

Currently listening to: Some Good Things Never Last by Barbra Streisand
Currently feeling: mellow
Posted by jjcobwebb on July 5, 2014 at 12:55 PM | Post a comment
« 2012/11 · 2016/06 »