Well tomorrow pa! Hindi ako makalog in log in dito sa Tabulas nahack ata ang main page. So eto, nag-install ako ng Windows Live Writer para makapagblog. Since birthday ko na naman!!! Grabe ang bilis! Ang tanda ko na! Anyare?

Minsan Mr. T!, magugulat na lang tayo sa mga nangyayari sa buhay natin. Ewan ko, feeling ko masyadong mabibilis mga pangyayari. Parang dati nagwiwish ka lang ng mga bagay bagay. Malay natin bukas deads na tayo. Hahaha! Masyadong mabilis. Sino mag-aakalang 27 na ko? Feeling ng mga tao 19 lang ako. LOL! Ako na mukhang 19! Haha! Nag-release si Mariah ng Butterfly nung 27 years old siya. O di ba? Marami rin nagpakamatay nung 27 sila. LOL! Haggard di ba? Dun ako sa Butterfly.

Hindi ko maaring sabihin na marami na kong natutunan. Feeling ko nga wala akong natutunan! Hahaha! Minsan inuulit ko pa rin mga kamalian ko. Hey I’m trying! Pag binabalikan ko mga nangyari sa kin for the past 27, normal lang. Balance. Patas lang mga masasaya at malulungkot na bagay. May masasaya, masakit, nakakalungkot, nakakagulat at nakakapagod at nakakaexcite at kung anu ano pa. LOL! Wala akong masulat shet! Ang alam ko lang, bukas 27 na ko. Hahaha! Parang hindi pa ko ready tumanda Mr. T! Sa totoo lang late 20’s na ang age ko! Anu na? Anung petsa na? Hahahaha! Baket masyadong mabilis? Wahhhh…

Marami na rin akong kaibigan na iniwan ako. Tulad ni Jeffrey. Yep hindi na kami friends for good. Ginusto niya yan. Pero wala akong magagawa kung yun ang gusto niya. Natutunan ko na wala akong powers to hold people back. Kung gusto nila lumayas sa buhay natin, let them. Kung babalik sila, embrace them. Natutunan ko na ang huwag maghabol. Nakakaloka man pero super umiyak ako nun. Buti na lang yung jowa ko binuhat ako pabalik sa hotel namin nung super iyak ako. Yep, lasing ako nun. Hahaha! Umalis man si Jeff sa buhay ko, keri lang, marami naman akong mga bagong nakikilalang mga kaibigan. Sina Barry and Ritz andiyan pa din. Sina Benson and Sabs sina Luis etc. Kung gusto rin nila lumayas sa buhay ko, hindi ko sila pipigilan. Hahaha! Matured na ata ako Mr. T! Feeling ko lang. LOL! Wala akong powers para pigilan ang mga tao sa pagalis at pagpasok sa buhay ko. Ang mahalaga, umalis man at awayin ako nila, I forgive and mahal ko pa rin sila :)

Super dami ko na ring Barbie. Wala na kong mabili. Hahaha! Wala rin akong pera dahil nasa Barbie lahat! Hahaha! Ano ba yan! Pero okay lang naman. At least masaya ko. Sa lahat ng pinagkagastusan ko, at least pwede sila ibenta pag kailangan ko ng pera. Hahahaha!

So ayun nga Mr. T! Magsusulat pa ba ako ng wishlist ko? Hmmm… sige will try to make one. Salamat sa lahat ng nagmamahal sa kin. Kung ano man ihahatid ng pagiging 27 ko, sana marami akong matutunan. Nakakaexcite and at the same time nakakatakot. Bahala na basta masaya ko at wala kong kagalit na tao :)

Pero tulad nga ng sabi ko lagi… I’m eternally 25 :D I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya Mr. T! Happy birthday sa akin :)

Posted by jjcobwebb on November 15, 2012 at 06:49 PM | 1 comment(s)
Comment posted on November 16th, 2012 at 05:23 AM
27 ka na. Siyet.
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.