On Not Giving Up
Hello Mr. T! Buhay pa ko! Hehehehe... kumusta ka naman? Eto ako okay naman super okay. Hahaha! 5 months na kami ng jowa last Friday and who would've thought? Hahaha! Nakakatuwa kasi alam mo yun, hindi ko inexpect na maglalast ng 5 months. Kala ko mga 5 days lang break na kami. Hahaha! Maganda rin pala yung walang expectations noh? At least nagugulat ka sa mga pwedeng mangyari. So ayun, marami rami akong natutunan tungkol sa love lately. Hindi pala ako mabilis sumuko talaga. Well, proud din naman ako sa jowa ko dahil hindi rin siya mabilis sumuko. Though minsan talaga maldita ako at mataray, natutuwa ako na naiintindihan niya ko. Hahaha! Minsan naaawa na ko sa kanya kakaintindi sa kin pero ako rin naman umiintindi noh? Hahaha! Salamat talaga sa kanya natututo ako magmahal ng hindi parang highschool. Pag binabalikan ko mga past entries ko kung saan inlove in lovan ako, napapasmile na lang ako. Nagmature na ako Mr. T! Oh di ba bongga! Hahaha! Ako na talaga ito. Akala ko dati fairytale ang nangyayari pag may jowa ka na. Hindi pala ganun, adjust, adjust, adjust pala. Understand at understand at understand. Siyempre, andun din yung pagpapatawad pag may nagawang hindi maganda sa yo ang partner mo. Iba ata ang in love sa infatuation talaga. Hahaha! Pero siguro maganda pag infatuated at in love ka at the same time noh? Paano kaya yun? Pero masaya ko nakilala kita at naging tayo. Sa pagsama mo sa mga doll collectors meetup kahit sukang suka ka na. Sa pagsaway sa kin pag sobrang mataray na ko. Pag papaalala sa kin na kaya ko pala hindi maging swapang. Kaya ko pala isipin ang iba bago ang sarili ko. For loving me. Thank you dahil andiyan ka parati. Kahit minsan talaga may topak ako. Hahaha! I love you sobra and kung hanggang saan man aabot relasyon natin, masaya ko kahit ano man mangyari. Basta ako andito lang. Sabi nga sa kanta di ba, I won't give up on us... LOL! Cheesy pota! Hahahaha! Basta yun. Sana magka entry ako ng HAPPY ANNIVERSARY sa atin. Hahaha! Who knows :) I love you