Entries for May, 2012

Pag naging kayo pala ng isang tao, parang normal lang. Kala ko kasi pag nagkajowa laging magkasama and all. Laging lumalabas, date etc. Hindi pala ganun yun. Kahit di pala kayo magkasama araw araw, mararamdaman mong andiyan lang siya para sa yo kahit wala siya physically. Yun nga lang talaga, committed ka na and bawal na makipagflirt sa iba. Hindi naman issue sa kin yun. Kasi alam ko sa sarili ko I can be the most faithful partner ever. I trust my partner... sometimes. Hindi naman maalis mag doubt kahit papaano. I'm still learning.

Pag naging kayo na rin pala ng isang tao, hindi mo na siya iiistalk! Hahaha! Hindi ka na rin super sweet at super tanong kung ano gawa nila ganito ganun. Iba pala pag naging kayo. Parang kampante ka na sa sarili mo. Baket pa iiistalk eh partner mo na nga? Baket magsusuper tanong eh ikukwento rin naman sayo? Baket kailangan lagi magkasama kung puso niyo naman magkalapit? Ayiii! Hahaha! Narealize ko yun. Pag sigurado ka na pala sa lugar mo sa isang tao, lumalawak pag-iisip mo. Grabe! Ako ba toh? Hahaha!

I'm still learning Mr. T! First ko toh. Yung mga nakasanayan ko hindi pala applicable pag may partner na. Nagiging best friends levels na pala kayo ng partner mo. Ganun pala yun. Kala ko kasi dati puro sweet sweetan lang. Matutunan mo rin palang sumunod sa utos ng partner mo. Na hindi ako ang laging may say at laging tama. Dalawa na pala kayo ngayon so kailangan talagang sumunod kahit ayaw ko minsan. Hahaha!

Ayoko malaman ng buong mundo ang tungkol sa atin. Ayoko na ng ganung eksena. Masyadong Subtle Bliss yun. Hahaha! 2012 na at 26 na ko! Natutunan ko na mga mali ko and mali talaga ako noon. Siguro Mr. T! excited ka sa picture namin together noh? Hahaha! Who knows baka topakin ako isang beses magpost ako ng pic namin! Hahaha! Pero mukhang matatagalan pa.

Natutunan ko na rin pala mag-isip kung san magdedate, manonood ng sine, kakain, magweweekend. Hahaha! Dati kasi ang gusto ko num ako yung dinadala mung san san at sasama na lang ako. Narealize ko, mas bata sa kin partner ko. Wala siyang masyadong alam sa mga lugar lugar. I should know better :) First time niya ngang mag Obar kasama ako eh. Hahaha! Sira ulo talaga ko minsan.

Yan muna Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah!

Posted by jjcobwebb on May 5, 2012 at 01:02 AM in Everyday Drama | Post a comment
« 2012/04 · 2012/07 »